TOH Chapter 1. The Bad Parents

2.4K 122 37
                                    


Keith Ash POV✨

🧝


Muli na namang lumapat ang isang malutong na sampal sa aking bilugang pisngi. Masakit at mahapdi siya ngunit nasanay na rin naman ako.

"Istupido kang bata ka. Tingnan mong ginawa mo sa dapat susuotin ko ngayon. Nasunog sa katangahan mo" galit na saad ni papa sakin habang nakaharap sa dingding.

"I'm s....sorry" kinakabahan kong sabi. Isang sampal na naman ang aking natanggap at sigurado akong mag-iiwan ito ng pasa sa aking mukha.

"You're sorry? Ilang beses mo ng sinabi yang walang kwentang apology na yan sakin at nakakarindi na" himutok ni papa.

Kinaladkad niya ako sa aking balikat palabas ng kaniyang silid. Pag mga ganitong senaryo, alam ko na kung saan ako dadalhin ni papa. Maraming beses na ako nakulong doon. Isa itong napakadilim at masikip na silid subalit sa kabilang banda nama'y natutunan ko na itong mahalin dahil dito lang ako nakakaranas ng katahimikan at kapayapaan.

Iyon ang tanging lugar na napaglalagyan ko kapag napapagalitan ako ni mama at pagkatpos saktan ni papa kahit hindi ko naman sinasadya ang isang pagkakamali mula sa kanilang iniutos. Ito ay malapit lang sa basement namin ngunit napapalibutan ito ng electric wire para masigurado nilang hindi ako makalalabas roon.

Noong ginagawa pa lamang nina Mama at Papa ang silid na ito ay natakot na ako. Sa tuwing dadalhin ako doon para disiplinahan, nagsisisigaw talaga ako at naghuhukay na parang manok para makagawa ng isang underground way ngunit sumuko rin ako kase napakaimposible. Nawalan na ako ng pag-asa kung kaya't itinigil ko na rin ang kakasigaw nung masanay na ako dahil wala din namang mangyayari, kase ang anumang takot na namumuo sakin, eh siya namang sarap sa pandinig ng aking mga magulang. Hindi na ata talaga sila magbabago.

Higit-higit pa rin ako ni Papa papuntang silid na yun. Alam ko naman na hindi ko deserve ang ganitong punishment dahil hindi ko naman talaga sinasadya kung bakit nasunog ang damit niya sa pamamalantsa ko. Nawala lang naman sa isip ko kase biglang niya ako tinawag. Hindi naman ako robot at perpektong tao eh. I guess, wala lang time si God para mabigyan ako ng magandang buhay. Subalit, ang pagkakaroon ng makakain sa araw-araw at bahay na masisilungan ay good enough na for me kahit na ganito ang sitwasyon ko.

Nakikita ko na ang pintuan ng silid. Nakarating na kami sa tapat nito at akmang bubuksan ang seradura ng pinto nang biglang may narinig kaming boses ng babae at hindi nga ako nagkamali kase si Mama iyon.

"George, don't take him there yet. Kailangan ko ng tulong sa pag-aayos ng buhok ko." maarteng sabi nito habang nakatingin sa salamin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ito ang pinakaayoko sa pinapaggawa niya sakin. Bukod sa lalaki ako eh lagi niya rin akong pinaparatangan na may nagagawa akong mali hanggang sa makatanggap ako ng iba't-ibang uri ng physical torture.

Wala na ring nagawa si Papa at dinala ako patungo sa silid ni Mama. Naabutan ko lang si Mama, nakatangin sa salaming nasa kaniyang harapan.

✨✨✨✨✨

"Awww. You burned me again, you stupid bastard. Mabuti na lang at hindi ito ganoong kalala. Wala na akong ibang ginawa kundi ang alagaan kayong lahat tapos ito lang ang matatanggap ko. Wala kang kwenta" pagalit na sigaw nito sakin. Hindi ko pa nasisimulang isaksak ang pangstraight ng buhok at heto, gumagawa na naman siya ng kwento.

Napaatras ako sabay pikit ng aking mga mata.
Nung walang nangyayari, dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Kanan muna tapos yung kaliwa. Nabigla ako nang may naramdaman akong tumama sa ulo ko. Nakaramdam ako ng hapdi kung kaya't kinapa ko ito ng nakapikit.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now