CHAPTER 2

1K 61 1
                                    

Kevin's POV

-BREAKTIME-

"AAH Breaktime na, ang sakit ng likod ko..ang daming sinulat." reklamo ni Zimmy.

Iniunat ko narin ang likod ko dahil isa rin itong sumasakit. Napasulyap pa ako sa kay Zhoe at mukhang nagkakasundo sila ng kaklase naming si Justine.

"Wait, bakit kaya hindi natin sila isama sa pwesto natin? para naman magkakakilala narin tayo." masayang suhestiyon ni Zimmy.

Nagkatinginan muna kami ni Ayen, bago ko pa siya mapigilan ay sumigaw na ito at tinawag si Justine ng unang beses niya itong kinausap.

Agad naman itong lumapit saamin..inayos ang salamin at napapayukong humarap saamin. Natatakot parin siya sa mga kaklase niya, maging saamin.

"Isama mo si Zhoe, sabay sabay tayong kumain sa Canteen." sabi niya rito habang akbay akbay. Inilayo ko siya kay Justine dahil nahihirapan na sa paghinga ito.

"O...Okay." utal utal niyang sabi bago ginawa ang iniutos ni Zimmy.

"Baliw ka talaga, bakit kailangan kasama-------"

"Papayag yan, antay kalang." bulong na sabi niya.

Wala naman din masama kung makakasama namin siya sa pwesto namin at kumain, ito na rin yung tsansa na mapalapit din ako sakanya..tingnan ko kung hindi siya gaya ng ibang babae.

Nakamasid lang kami habang nag-uusap ang dalawa, nakita namin ang pagtango nito senyales na pumayag sa inalok saka tumingin saamin. Nabuhayan ang dugo ko ng mapapayag namin ang babae.

"Para naman may kaibigan na siya, diba?" masayang sambit pa ni Zimmy. Hindi na kami kumibo ni Ayen, wala na rin naman kaming magagawa dahil gagawin ni Zimmy kung anong gusto niya.

Lumapit na ang dalawa saamin, kasama niya si Justine..buti naman at nagawa niyang sumama. Itong babae lang ang nakagawang pasamahin si Justine sa maraming bilang ng tao, astig din pala.

"Hi, Zhoe!" kaway ni Zimmy. Kumaway na din ako at si Ayen. Nginitian niya lang kami saka inaya si Justine na lumabas na.

"That was......unexpected, hehe!" napapahiyang ani ni Zimmy ng hindi siya kawayan pabalik.

"Tara nalang." aya ko saka kami lumabas ng classroom at sinundan sila sa paglalakad.

Alam ba nila kung saan ang pwesto namin, bakit kailangan mauna? ganito ba talaga siya? Siya na nga inayang makisabay saamin tapos ganito pa siya, inuunahan niya kami..yung totoo? siya ba nag-aya o kami?

"Weird niya noh? Sumama siya pero mukhang ayaw mamansin." si Zimmy.

"So, napipilitan lang siya kasi wala pa siyang gaanong kakilala? Eh bakit si Justine kasama niya, mukhang close na agad sila." si Ayen.

Nakamasid lang ako sa dalawang nauunang maglakad, kung pagmamasdan mo ay para bang ngayon lang naging maingay si Justine. Ang boses niya ay malakas at para bang enjoy na enjoy makipag-usap kay Zhoe.

-CANTEEN-

Nakarating na kami sa canteen, iniwanan muna namin si Ayen at Zhoe sa pwesto namin. Wala naman siguro silang pag-uusapang kakaiba, kailangan din namin maitanong kay Justine kung ano na ang pinag-uusapan nila..Mukhang maaga palang ay close na silang dalawa, sa maikling nagdaang oras ay ganun nalang ang pagbabago ni Justine, naging maingay siya.

"Ano kayang pinag-uusapan nila?" bigla ay nagsalita ito sa gilid namin ni Zimmy. Sumulyap ako sa dalawang nag-uusap ng masinsinan habang magkaharap sa lamesa. Nakita kong ngumiti si Ayen dahilan para magtaka din ako kung anong pinaguusapan nila, para bang may mali sa paguusap nilang dalawa..bakas sa ekspresiyon ni Ayen na hindi maganda ang lumalabas sa bibig ni Zhoe at napapakunot noo ito.

The Mafia's Daughter | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon