Zhoe's POV
Nang makauwi ako. Mabilis kong itinago ang uniporme kong basang basa sa banyo, pati narin ang may dugo ay binabad ko sa tubig para maalis ang mga ito. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari ngayon, pero gaya ng sinabi ni Allie. Hindi ako dapat matakot dahil kilala ko kung saang pamilya ako nagmula, ang pamilyang pinagmulan ko ay walang kinatatakutan dahil sila ang kinatatakutan.
Lumabas ako ng kwarto na nakapantulog lang, short ang pares ng pantulog ko. Pababa na ako ng hagdan ng may maaninag akong taong nagaantay sa ibaba nun.
Sakto naman na kumulog ng malakas kaya nailawan ang mukha niyang nakatitig saakin."Miss Zhoe."
"T*ng ina naman, Zero! Ilang taon palang ako pero may balak kanang patayin ako sa takot?!" inis na sigaw ko. Sumenyas siya na manahimik ako pero masisisi mo ba ako kung ganyan ang kilos niya.
"--Ano bang ginagawa mo diyan?! Bakit nakapatay ang ilaw?!"
"Balak ko nga po sanang buksan pero nakita ko po kayong pababa ng hagdan kaya natulala din po ako." sagot niya.
Ginawa nga niyang buksan ang ilaw, doon lumiwanag ang paligid saka palang ako humakbang pababa dito.
"Nakauwi na po pala kayo, narinig kong bumukas ang main door." sabi niya.
Naglakad ako papunta sa dinning room Dahil nagugutom ako ay gusto ko munang kumain para kumalma din ako at makarecover sa nangyari kanina.
"Bakit po pala late kayo nakauwi?" tanong niya.
"M-May ginawa lang kami sa festival kanina kaya late kaming nakauwi, w-wala akong dalang kotse kaya naman nabasa ako ng ulan." Bwisit, kinakabahan nanaman ako. Bakit pa kasi nagtanong ang isang ito?!
"Siya nga pala, darating ba dito si Secretary Tina?" tanong ko naman.
"Nagpaalam po siya kanina sa Daddy mo, pero hindi ko alam kung saan siya pumunta."sagot niya. Hmmm, may mga ilang bagay pa pala siyang hindi kayang malaman.
"Ganun ba, sige..utusan mo nalang yung mga maid na ipagluto ako ng makakain." utos ko.
Nagbow naman siya saakin bago kumilos saka nilapitan ang mga maid.
"Chichay!" tawag ko sa pusang minsan ay pagala gala sa bahay, ngayon ko lang din siya nasaktuhang pumunta dito sa Kusina. Lumukso siya sa upuan kaya hinaplos ko naman ang ulo niya. Fluffy siya pero kapag hinawakan mo naman ang balahibo niya ay nagsisipaglagasan ang mga ito.
Ilang oras pa kaming naglaro ni Chichay hanggang sa maluto ang pagkaing ipinahanda ko.
Inutusan ko silang kumuha pa ng panibagong plato para kay Chichay para pakainin ko rin siya."Miss Zhoe, madumi po ang pusang iyan, sure kapo bang okay lang na paupuin siya diyan sa lamesa?" tanong naman ng maid.
"It's okay, Dad would love if he saw chichay eating in his spot haha!" natatawang sabi ko.
Binigyan ko siya ng pagkaing kagaya rin saakin kaya agad niya itong nilantakan.
"Masarap diba? Kayo diyan, hindi ko ito mauubos lahat kaya kumain na rin kayo." aya ko sa tatlong maid.
Masaya naman silang nagsikuha ng plato. Hindi paba sila kumakain ngayong gabi? Hindi ba sila pinakain ni Dad? Bakit naman hindi sila papakainin? Tsk!
Nagsiupo silang tatlo sa harap ko. "Zero, sumabay kana rin saamin." aya ko sakanya pero umiling lang ito saakin.
Nagbow siya. "I'm already full, Miss Zhoe...kasabay ko po ang Papa mong kumain kanina...maiiwan ko na po kayo, maaga papo ang ensayo ko bukas." paalam na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Daughter | ✔
ActionYears ago, Zhoe's mother died because she was killed by a leader of the syndicate father of her best friend Allie, she wanted to kill him but when she found out the truth it was Allie himself who helped her find the hidden syndicates. But a terrible...