CHAPTER 38

152 30 0
                                    

Zhoe's POV

Malakas talaga sa pandinig ang ugong ng sasakyan lalo na kung mabilis itong minamaneho ng tulad ko.

Mabilis ang takbo ng sasakyan ko, bukod sa walang masyadong sasakyan ay madilim din naman sa daan.

Napansin kong may mga ilaw ng sasakyan ang nasa likod ko kaya ng tingnan ko sila sa side mirror ay nalaman kong may nakasunod ding dalawang sasakyan saakin.

Tsk!

Kinuha ko ang baril sa side ko saka ibinaba ang windshield ko.

*PIW! PIW!*

tunog ng baril na tumatama sa aking sasakyan. May bigla akong nakitang nakikipagsabayan saakin.

*BANG! BANG!*

SHOOT! tss!

Natamaan ko ang salamin nito dahilan para mabasaf at tamaan siya mismo. Sa pagkakaalam ko ay sa sintido ang target ko sakanya na yun din ang tinamaan.

Napunta sa ibang direksiyon ang isang kotseng kanina ay kasabay ko lang.

Ngayon naman ay may tumatama nanaman na ibang tao sa sasakyan ko kaya mas lalo ko pang binilisan.

Habol pa, para ito na ang last mo! Hahahaha!

Para akong baliw na pinaglalaruan lang ang nakasunod saakin.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho pero ng makita kong nasa kanan na pala ang nakasunod saakin ay napayuko ng tamaan niya ang windshield ko dahilan para mabasag iyun.

Sinisira mo ang sasakyan ko! Lintik!

*BANG! BANG! BANG!*

Tinututok ko sakanya ang baril ko. Ng mawala na ang basag na winshield ay duon ko kinuha ang pagkakataong barilin siya.

HEADSHOT! HAHAHAHAHA! Ano ka ngayon? sabi ko naman sayong ito na ang last mo eh!

Muling naiwan ang sasakyan sa ibang direksiyon. Wala na akong nakita pang nakasunod saakin.

Akalain mo nga namang pati sa pagpunta ko ay hahabulin ako ng mga tao mo, Clyde?!

Ilang oras pa ang lumipas. Natanaw ko na ang sinasabi niyang Warehouse.

Nakatambay lang ako duon habang ang iniilawan ng kotse ko ang daan diretso sa pinto ng Warehouse.
Mahigpit kong hinawakan ang manibela saka tinitigan ang malaking kahoy na pinto.

Napaisip naman ako bigla.


Ayen's POV

Ilang oras na ang nakalipas. Wala pang dumating na Zhoe, mas lalo akong natatakot sa pwedeng mangyari saakin o kina Mom and Dad. Pero sa mga pangyayaring ganito ay wala akong pwedeng gawin kundi ang isipin na darating siya para iligtas kami.

"Hindi siya marunong tumupad sa usapan, iniinip niya ako." dinig kong sabi ng matanda.

"Malamang ay namatay na iyun sa daan palang." nakangising sabi naman ng babae na Holly ang pangalan.

Sa daan? A-Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi ganun kadaling mapatay si Zhoe sa daan lang..hindi mo ba narinig ang sinabi ni Freya, hindi basta basta kalaban ang babaeng yun."

Freya?

Napaisip ako sa sinabi niya. Wala pa akong masyadong alam tungkol sa pagkatao ni Zhoe pero kinikilabutan ako sa sinasabi ng matandang ito.

The Mafia's Daughter | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon