Ayen's POV
"Yo."
W-Who are this people?! Scary!
Nasa likod ako ni Kevin kung saan ay kaharap namin ang limang mga babae. Kakaiba ang suot nila, lahat sila nakablack pero masasabi kong normal na damit lamang ang mga yun.
"Siguro naman ngayon, hindi mo na maitatanggi saamin na magkaibigan kayo ng babaeng hinahanap namin." sabi ng isa sakanila.
B-Babae?! Sinong babae ang hinahanap nila.
"Kevin...." natatakot na tawag ko sakanya.
"Si Zhoe ang tinutukoy nila, damn it..bakit kasi siya hinahanap ng mga ito?!" halatang inis na rin si Kevin.
"Nasaan si Zhoe?" tanong ng babae. Totoo nga! Si Zhoe nga ang hinahanap nila....pero bakit?!
"H-Hindi namin alam."
"Nasaan ang bahay niya?"
"H-Hindi rin namin ala----"
"Don't lie! alam naming alam niyo kung saan siya nakatira, o baka naman itinatago niyo siya saamin." galit na sabi ng mga ito.
Geez, hindi ako makagalaw..kapag tumakbo kami ay malamang sa malamang ay hahabulin nila kami.
"Aist! mukhang ayaw niyo talaga magsalita.....BOYS!" sigaw niya.
Napalingon sila sa likuran namin kaya agad din akong lumingon ng manlaki ang mata ko ng may mga grupo din ng lalaki ang nakatayo roon.
N-Natatakot ako!
"Damn it...!" singhal ni Kevin. "--Hindi namin alam ang bahay ni Zhoe na hinahanap niyo, wala kaming alam sa buong katauhan niya!" sigaw pa niya rito.
Ano bang kailangan nila kay Zhoe?!
"M-May number ako ni Zhoe pero wala na rin akong pantawag.." inis na bulong ni Kevin. Damn, walang wala rin akong load ngayon.
Ano ng gagawin natin?!
"Mukhang kailangan niyong maturuan ng leksiyon sa hindi pag-am-------!"
"Teka!" pigil na sigaw ko. "--Wala kayong karapatang saktan kami, kilala namin si Zhoe pero hindi namin alam kung saan siya nakatira, okay?!" inis na sambit ko. Kahit man lang sana kaunti ang makinig sila at tanggapin ng makitid nilang utak!
Zhoe, ano bang kailangan nila sayo?!
"Boys, kayo ng bahala sakanila!" sigaw ng babae saka kami tinalikuran. Aalis na sana sila ng pahabol kong hawakan ang babae sa braso dahilan para matigilan siya.
"Ano bang kailangan niyo sakanya?!"
galit na tanong ko."Buhay niya, buhay niya ang kailangan ko." inis na sagot nito.
"Wag mo kaming idamay sa gulo niyong dalawa dahil wala kaming kinal------Uh!" napasinghal nalang ako ng mabilis niya akong sikmuraan saka ako napaluhod sa sakit nito.
"Ayen!" lapit saakin ni Kevin saka inalalayan.
"Bukas ng gabi, kailangan namin siya sa Fancy Bar, eksaktong alas syete ay dapat dumating na siya...kung hindi," sinamaan niya ako tingin habang suot ang nakakatakot niyang tingin. Sino ba itong mga ito?!
"--tutuluyan ko ang mga buhay niyo, Pahirapan yan..wag niyong patayin!" anunsiyo niya saka kami iniwan.
F*ck! I-It hurts! That.....bitch!
BINABASA MO ANG
The Mafia's Daughter | ✔
ActionYears ago, Zhoe's mother died because she was killed by a leader of the syndicate father of her best friend Allie, she wanted to kill him but when she found out the truth it was Allie himself who helped her find the hidden syndicates. But a terrible...