Graduation Day!
"Para sa huling mensahe, nais kong batiin ang isang napaka-importanteng estudyante na namaalam na saating lahat. Congratulations Ayen..."
Malakas na nagpalakpakan ang buong estudyante sa loob ng gymnassium kung saan ginaganap ngayon ang pagtatapos ng estudyante.
Lingid man sa kaalaman nina Zhoe, Allie, Zimmy at Kevin ang nangyari sa kaibigan ay malugod nila itong binabati ng maligayang pagtatapos.
Ilang linggo na rin ang nakakalipas. Marami ng nangyari at nagbago. Naranasan nila ang malungkot na karanasan na noon lang nila naranasan.
Ang mawalan ng minamahal na kaibigan.
Ang mawala ang taong nag-iisang gumagabay sa'yo sa buhay.
Nalungkot at nasaktan.
Nagkaroon ng galit sa isa't isa.
Nagkaroon ng alitan ngunit nagkaroon ng kapatawaran.
Ang kanilang pagkakaibigan ay mananatili habang buhay.
Malungkot man ang nangyari sakanila bago sila magtapos ay hindi magiging patay ang memorya ng kanilang kaibigan sa kanilang mga puso.
Dahil alam nilang habang buhay ay pinapanood sila ng mga mahal nila sa buhay na maging masaya at makalimutan ang mga malalagim nilang nakaraan.
"Congrats, babe." masayang bati ni Kevin sa nobya.
"Hoy, anong babe babe pinagsasabi mo diyan? Hindi ka pa nga sinasagot ni Zhoe eh." sabi ni Allie dahilan para mainis sakanya si Kevin.
Wala namang nagawa si Zhoe kundi ang tawanan nalamang ang dalawa.
"Don't worry, kahit hindi niya ako sagutin alam kong saakin parin ang bagsak niya." natatawang ani ni Kevin sa dalaga.
"Bisitahin natin si Ayen bago kayo ikasal." sabi ni Zimmy sa mga kaibigan.
"Congrats, anak! Congrats sainyo! Congrats kay Ayen!" masaya silang sinalubong ng kanilang mga magulang.
Maya-maya lang ay may lumapit kay Zhoe na isang babaeng nakablack suit at nakasuot pang shade. May ibinulong sakanya ang babae dahilan para mapalingon siya sa mga kasama.
Pero may biglang naisip si Zhoe na gawin kaya habang abala ang mga ito sa pagsasaya ay kinuha niya ang pagkakatao na pumunta sa rooftop.
Mukhang hindi niya inaasahan na pupunta sa Pilipinas ang matandang tumulong sakanya sa America.
Ng makarating na siya sa rooftop ay ganun nalang ang pagtigil niya ng tutukan siya ng baril ng isang pamilyar na lalaki.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Daughter | ✔
ActionYears ago, Zhoe's mother died because she was killed by a leader of the syndicate father of her best friend Allie, she wanted to kill him but when she found out the truth it was Allie himself who helped her find the hidden syndicates. But a terrible...