CHAPTER 36

157 32 0
                                    

Kevin's POV

"M-Mom, ano daw pong balita? Malapit ng maghapon, kailangan na naming umalis." sabi ko.

Nandito na si Zimmy at nakabihis na, nakabihis na rin ako at inaantay nalang namin sina Zhoe at Ayen na hanggang ngayon ay wala parin.
Hindi ko maiwasan ang kabahan sa mga oras na yun, alam kong hindi nalilate si Ayen...kung may malate ng dating, yun ay si Zhoe o di kaya yung kaibigan niya.

"Natawagan mo naba si Ayen?" Zimmy asked.

Tinanguan ko siya. "Nagriring lang ang phone niya eh, nakailang tawag ako tapos biglang nakapatay na." Pero.....bakit?

Bigla namang lumabas ng kwarto si Manang. "O, di pa kayo nakakaalis hanggang ngayon? Nasaan na yung mga kasama ninyo?" tanong niya.

"W-Wala papo eh, inaantay papo namin." si Zimmy na ang sumagot.

Tinanggap na rin ni Manang ang sagot niya. Nakatingin lamang ako sa magkasunod na number nina Ayen at Zhoe. Hindi maganda ang kutob ko.

"Anak, m-may pro-----------"

*BLAG!*

Nagulat kami sa biglang bukas ng pinto at pumasok si Allie. "Allie!" salubong ko sakanya. Hindi pa siya nakabihis..at para bang hingal na hingal siya.

"A-anong nangyari sayo?"takang tanong naman si Zimmy.

Nakatingin lang kaming lahat sakanya.

"Teka, bakit hindi kapa nakabihis, nasaan ang kaibigan mo at si Ayen?" tanong ko pa.

Lumapit siya saakin saka ako hinawakan sa magkabilang braso.

"W-Wag na kayong tumuloy sa party, n-nakidnap si Ayen..at pupuntahan siya ni Zhoe."

Kusang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi aki makapaniwalang nakidnap nanaman si Ayen. Pero, paanong si Zhoe lang ang pupunta? "T-Tara na, iligtas na nati------"

"No, you can't do that...It's not that easy." sabi niya.

Anong-----sinasabi niya, kailangan na naming kumilos!

"Ano bang sinasabi mo diyan?! kailangan nila ang tulong natin? paano kung dalawa silang mapahama------------"

"Hindi pababayaan ni Zhoe si Ayen, makinig ka saa----"

"Anong makinig?! nasa panganib ang kaibigan ko...mag-isa lang si Zhoe---h-h-hindi ko kakayanin k-kung-----"

"Magtiwala ka sakanya pwede? hindi niya pababayaan si Ayen....a-also, makakalabas sila ng buhay."

Hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinasabi niya. Ngayon palang ay kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari. "Sana nga.....sana nga makaligtas silang pareho." sabi ko sakanya.

Niluwagan ko kaagad ang necktie ko, nahihirapan akong huminga lalo na sa mga balitang nataggap ko.
Kaya ba hindi sinasagot ni Ayen ang tawag ko? Pero....sinong pumatay ng cellphone niya?! Nagriring ito at alam kong may pumatay nun...hindi kaya yung mga kidnapper din? Hays, ang bobo ko mag-isip! malamang yung mga taong yun ang pumatay! pero teka...."N-Nasaan si Zhoe ngayon? h-hindi niya sinasagot ang tawag namin." nauutal na tanong ko.

Napayuko lang si Allie na hindi ko alam ang dahilan.

"Naghahanda siya, kailangan niyang maghanda dahil Devilla ang pupuntahan niya." sagot niya.

"O my gosh, that's terrible." dinig kong kumento ni Mom.

Anong terrible? s-sino si Devilla na tinutukoy niya?!
"S-sinong Devilla?" Wala pa akong alam sa mga taong ganun.

The Mafia's Daughter | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon