Ayen's POV
Pangalawang araw na ni Zhoe sa Colton University. Medyo close na namin siya pero ganun parin siya katahimik. Dumating na si Maam Kate at wala pa si Zhoe, hanggang sa bumukas ang pinto ay iniluwa nito si Zhoe na humakbang papasok at nagpaumanhin sa pagiging late niya. Ngayon ko lang nakitang may naglakas loob na hindi magpakita ng takot kay Maam Kate, I mean talaga naman ngang nakakatakot siya dahil sa mataray itong magsalita. Nakakabilib na hindi man lang natakot si Zhoe sakanya.
Pagkaupo niya ay naagaw ng atensiyon ng ilan ang benda niya sa kanang braso ng itaas niya ito sa lamesa niya. Maging ako ay nagtaka kung napano yung benda niya. Gulat ding napatingin sina Kevin at Zimmy sakanya at isa ring nagtataka kung paano niya nakuha yun. Wala naman siya niyan kahapon tapos ngayon ay meroon na?
"That's all for today, Goodbye!" sabi ni Maam Kate saka lumabas ng classroom. Tumayo kaming tatlo para lapitan si Zhoe at itanong ang benda niya. Tahimik lang ito sa pwesto niya at para bang sa kinwento ni Justine ay may malalim nanaman siyang iniisip.
"Zhoe, bakit ka late at...napano yang benda sa likod ng pulsuhan mo?" tanong ni Zimmy ng makalapit kami.
"Wala ito, galos lang." ngiting sagot ni Zhoe sakanya. Nakapaikot kami sakanya at pinagmamasdan ko ang kamay niya.
Hindi ko masabi kung talagang galos lang ang mga ito pero ayaw naman namin siyang tanungin ng sapilitan.
"Buti wala siyang parusa sayo kanina, late ka eh." sabi ko.
"May parusa ba kapag late?" tanong niya. Tumango ako at tumango rin siya bilang pagsang-ayon.
Wala akong masabi sakanya. Nakakamangha kung paano niya natatanggap ang parusa kahit hindi naman niya alam kung ano anong parusa yun.
"Bakit ka nga pala late, Zhoe?" si Justine.
"Nalate lang ako ng gising." dahilan niya.
Sumulyap ako ng tingin kay Kevin na nakamasid lang kay Zhoe. Tinabig ko siya gamit ang siko ko kaya napatingin siya saakin.
Natutunaw na si Zhoe kakatitig niya...tsk! hindi pa kasi aminin na may gusto siya kay Zhoe, ang gusto ay tuyain pa namin siya ni---------
"Zimmy at Ayen, pinapatawag kayo sa Gym!" biglang sigaw ng kaklase namin.
"Huh, akala ko ba after breaktime?" taka kong tanong. Ganun din si Zimmy pero sumunod nalang kami.
"Punta lang kami sa Gym ni Ayen, guys!" paalam ni Zimmy saka kumaway kina Justine at Zhoe bago kami lumabas sa classroom.
Habang papunta sa gym ay napaisip ako.
"Ano kayang nangyari sa kamay ni Zhoe?" napapaisip na tanong ko.
"Ano kaba, sabi niya nga galos lang, wag kanang mag-alala sakanya." sabi ni Zimmy. Hindi naman sa nag-aalala ako, ang bilis naman niya makakuha ng galos. Saan naman niya nakuha ang galos nayun?
"Sana lang maging maganda ang plano natin this year, nung nakaraan daw kasi ay boring hahahaha!" pag-iiba ko ng usapan.
"And since booths lang ang sikat last year ay hindi na natin pwede alisin yun, magdagdag nalang tayo ng iba pang games o kakaibang plano." sabi niya.
"Bahala na."
Narating namin ang gym, nandoon na nga ang mga kasali sa Plans Club. Ang totoo ay sampu lang naman kaming nandoon, pero hindi kami nahihirapan sa pagbuo ng plano at pagkuha ng pagbabantay sa mga ibang Club.
-GYMNASSIUM-
"NANDITO NA SILA!" salubong saamin ng Leader ng Club.
Lumapit kami sa pulong nila, at dahil sa mga lokong nagbabasketball ngayon ay syempre medyo maingay.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Daughter | ✔
ActionYears ago, Zhoe's mother died because she was killed by a leader of the syndicate father of her best friend Allie, she wanted to kill him but when she found out the truth it was Allie himself who helped her find the hidden syndicates. But a terrible...