Kevin's POV
DUMAAN ANG MAHABANG ORAS na pag-aayos. Napunta naman kami sa field kung saan itatayo ang mga booth kasama ng Horror House. Pinagtuunan namin ng pansin ang Horror house dahil malaki ito at kailangan namin ng maraming kagamitan para magmukha talaga siyang maganda, samantala ay hindi nawawala sa paningin ko si Zhoe, sa tuwing nawawala naman ay siya kaagad ang hinahanap ng mata ko..sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay natutuwa akong kasama siya sa pagdecorate at maging sa pamimili ng iba pang gamit ay kasama ko siya.
Ngayon. Lima kaming nagpapalobo ng mga lobo na ilalagay sa upuan dito sa Cafe house..ginamit namin ang Class 3-B dahil ito ang mas maayos at hindi masyadong maliwanag. Gusto namin na medyo madilim dahil balak nilang lagyan ito ng iba pang ilaw bukod sa nakakabit na ilaw dito sa ceiling.
"Tapos kana diyan?" tanong ni Renzo kay Zhoe na itinatali ang lobo na hawak niya..Tsk, may oras talagang hindi niya maiwasang hindi kausapin si Zhoe. Kaasar!
"Guyyyyyyssss! Kain muna!" bigla ay sigaw ng leader ng kabilang club dala ang isang maliit na box.
"Galing ito sa Food Club, nilutuan nila tayo ng spaghetti tapos may mga coockies pang kasama." sabi pa niya ng ipatong niya ito sa lamesa.
Natigil naman kaming lahat sa ginagawa saka lumapit sa iisang lamesa.
Binuklat niya iyun at bumungad saamin ang saktong bilang ng bottled water maging ang puting supot na patong patong doon..at ang coockies na sinasabi niya."Ang sweet naman, tara guys! break muna!" aya ng assistant leader namin kaya naman nagsipaghanap ng mauupuan ang iba. Kinuhanan ko ng supot si Zhoe na hindi naman nagpatalo si Renzo at kinuhanan din siya kaya nahuli ko. Sakanya ang nakuha maging ang tubig na sana ay ibibigay ko.
"Tara dit------"
"Dun tayo." putol ko sa sinasabi ni Renzo. Binawi ko ang braso ni Zhoe sa pagkakahawak ni Renzo kaya naman mabilis ko siyang nahatak palayo rito saka naupo sa set ng table na wala pang dekorasiyon.
"Kumain kana, lalamig yan." sabi ko. Binuksan ko narin ang saakin, bagaman ay nakakailang pero wala akong pakialam, pwede naman akong magdahilan para lang hindi niya isipin na nagseselos ako.
"What's wrong with you?" bigla ay tanong niya. "You seems weird, did something happened?" dagdag niya. Seryoso siya at malumanay, pero nandun yung maotoridad niyang tono na kailangan niyang makuha ang sagot.
"Wala, kumain ka nalang." Geez, sinabi ko naman kasi sayong wag kang lalapit sa Renzo nayun eh!
"Sorry."
Natigil ako sa pagkain ng magsalita siya...bigla bigla!
"S-Sorry saan?"
"Sorry kasi lumalapit ako sakanya kahit sinabi mong wag akong lumapit." sabi nito saka sumubo ng spaghetti. What now?! Naririnig niya ba ang isip ko?!
"W-Wala yun, h-hindi naman big deal eh..w-wag ka lang masyadong malapit sakanya, baka kasi....."
"Baka ano?"
Crap, hindi ko masabi.
"Kasi--------"
"ZHOE!"
Naputol ang balak sana'y sasabihin ko ng biglang dumating si Justine at humakbang papasok.
Lumapit siya kay Zhoe at naupo sa tabi niya."Nagustuhan niyo ba yung luto namin, galing saamin ang mga yan." masayang sambit niya habang nakatingin saakin.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Daughter | ✔
AcciónYears ago, Zhoe's mother died because she was killed by a leader of the syndicate father of her best friend Allie, she wanted to kill him but when she found out the truth it was Allie himself who helped her find the hidden syndicates. But a terrible...