Kevin's POV
-CLASS ENDED-
Sa apat na oras na nagdaan ay natapos din ang klase, natapos ang meeting namin. Wala akong gaanong narinig na salita mula kay Zhoe, tahimik nga lang talaga siya at para bang ang laway ko lang ang naubos kaysa ang sakanya. Hindi siya masyado nagtanong tungkol sa mga task na pwede naming gawin so inaasahan kong hindi siya magrereklamo doon, Maging si Justine ay nabigla ng puro lang siya pagsang-ayon. Samantalang nung ako ay bago palang sa Club na ito ay ang dami ng reklamo ko sa buhay, ang dami kayang gastos dahil sa design. Pagpipintura rin ay nahihirapan ako, minsan kasi ay umiiwas ako sa dumi kahit na hindi naman talaga maiiwasan yun..sinabi ko narin kay Sir na kung pwede sa darating na friday na paghahanda ay P.E uniform nalang ang suotin ng Special Club, sumang-ayon din naman siya para na rin sa Food Club.
Pauwi na kami. Hindi kami sabay sabay lumabas, lumihis ng daraanan ni Zhoe kaya naman si Justine nalang ang kasama namin maglakad pauwi.
"Naninibago ang klase sayo, Justine..simula nung dumating si Zhoe sa classroom ay naging active kana sa klase, samantalang dati ay nahihiya ka pang pumunta sa harapan para sumagot hahahah!" sabi ni Zimmy. Napatingin din kami ni Ayen kay Justine at bakas sakanya ang masayang ngiti. Simula nun ay naging maingay na rin si Justine sa buong klase.
"N-Napansin ko rin yun, nung una ko siyang nakilala at sinabi niyang 'sobrang tahimik mo, buti hindi bumabaho ang hininga mo' ay nalaman ko ng ang ayos niyang kausap haha!" sabi niya. Ginaya niya pa ang pagkakasabi ni Zhoe ng salitang yun. "..Nung tinanong niya yung pangalan ko ay doon ko rin nakuha yung tsansa na makipagkaibigan sakanya, ang ganda niya nung ngumiti siya saakin..kahit tipid ay nakita ko yung pagkasinsiredad niya. " dagdag pa niya.
Si Zhoe ngumiti? Hindi ko siya nakitang ngumiti simula nung nakita ko siya sa iskinita. Yun ang unang tingin ko sakanya at simula pagpasok sa classroom ay doon ko lang siya nakitang ngumiti pero tipid lang.
"Baka hindi talaga siya palakaibigan, I mean..wala pa siyang masyadong kilala kaya naman ay malamang maninibago din yun dito." sabi ko.
Ang totoo ay hindi ko rin siya maintindihan, hindi naman bago saakin ang ganung uri ng tao, gaya sa mga napapanuod ko ay tahimik talaga ang mga bago lang sa klase. Kinatagalan ay mag-iingay rin, gaya rin sa mga bagong salta lang.
"You think? Pakiramdam ko nga ay ang weird niya, para bang may sarili siyang mundo haha." si Justine.
"Anong ibig mong sabihin?" si Zimmy.
"Nung mga oras na magkatabi kami, para siyang may malalim na iniisip..minsan ay nakakailang tawag na ako sakanya pero parang wala siyang narinig, papansinin niya ako kapag kinalabit ko na siya ng ballpen ko." paliwanag niya.
"Ah, nga pala, ano nga palang pinagusapan niyo kanina ni Zhoe, Ayen? diba sabi mo ay sasabihin mo saamin?" pag-iiba ni Zimmy. Mabuti naman at pinaalala niya, nawala din sa isip kong itanong sakanya ang bagay nayan.
"Hindi ko kasi alam kung paniniwalaan ko ba siya pero..." bumuntong hininga siya saka umangat ng tingin. "Nung tinanong ko siya kung may boyfriend na siya, sabi niya Oo..pero...pinatay niya."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming tatlo sa narinig namin. Sino namang maayos na tao ang papatay ng kapwa niya tao.
"P-Pinatay niya? sinabi niya talaga yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Justine. Tumango si Ayen dahilan para mapagtanto naming hindi siya nagbibiro.
"Baka naman ayaw niya lang ipaalam sayo." sabi ni Zimmy.
"Baka nagbibiro lang din siya." ako.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Daughter | ✔
ActionYears ago, Zhoe's mother died because she was killed by a leader of the syndicate father of her best friend Allie, she wanted to kill him but when she found out the truth it was Allie himself who helped her find the hidden syndicates. But a terrible...