CHAPTER 33

173 30 0
                                    

Ayen's POV

Habang nakaupo sa sala ay nakapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa. Dala-dala ko ito hanggang sa makidnap ako, buti nalang at hindi nila ito kinuha.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, laking gulat ko naman ng makitang si Papa iyun.

Kahit kinakabahan ay sinagot ko ang tawag habang nasa harap pa ang mga kaibigan. "H-Hello?" tugon ko.

[Ayen, where are you?] he asked.

"Friend's house, b-bakit po ba?"

[Are you okay?]

Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Alam niya kayang nakidnap ako?

"I-I'm fine, Dad." napapatingin ako kina Kevin habang sinasagot ang tanong ni Dad.

[Magstay kana muna diyan, bukas ng umaga ay may pupuntahan tayo.] sabi nito.

"Where?!" interesadong tanong ko.

[I can't tell you right now, basta sundin mo nalang ako.]

Wala akong nasabi kundi ang 'opo' sakanya, hindi ko alam kung anong tinutukoy niyang pupuntahan namin pero may masama akong kutob duon.
Kung anuman ang bagay na yun....yun ang kinakatakot ko.

Matapos kong ibaba ang tawag ay napatitig lang ako sa cellphone ko saka nag-isip.

_________________________________

Zhoe's POV

Nakakaramdam ako ng kirot.

Kakaibang amoy ng paligid.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko saka ko nalamang hindi ito ang kwarto ko.
Habang nakahiga ay inilinga ko ang paningin saka ko pinagmasdan ang mga gamit na nasa loob nuon.

Nakahiga ako sa puting kama na may gray na kumot. Hindi pa man kaya ay pinilit ko ng bumangon.

Kumikirot parin ang sugat ko, pero may benda na nakalagay duon. Nagbago na rin ang damit ko.

Sinubukan kong lumabas ng kwarto para alamin kung nasaan ako.

"Zhoe." bungad saakin ni Ayen.

"Ayen, b-bakit----nasaan ako?"

"Nandito ka sa bahay nina Kevin...okay kanaba? hindi ka muna dapat bumangon." sabi niya.

"I'm fine, malayo sa bituka ang sugat ko..kaya ko." sabi ko saka naglakad papunta sa ibaba.

Nakasunod saakin si Ayen. Ng makababa ako ay bumungad saakin ang mga mukha ng tatlo.

"Zhoe, thank goodness gising kana." bakas ang pag-aalala ni Allie.

Si Sec. Tina ang unang hinanap ng mata ko. "Nasaan si Sec. Tina?" tanong ko.

"Tumawag ang daddy mo, kinausap lang siya ni Mama." sagot ni Kevin.

Umupo naman ako sa maliit na couch. Natahimik lang kaming lahat habang hinihintay na dumating si Sec. Tina.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Allie asked.

"Okay na ako, May mahalaga akong sasabihin." sabi ko dahilan para magbago ang mga reaksiyon nila. Hindi ko alam kung natakot o kinabahan bigla.

The Mafia's Daughter | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon