CHAPTER 47

269 33 0
                                    

Zhoe's POV

Buti nalang at walang checking ngayon sa Hotel dahil mabibisto kami kaagad kapag nagkataon.

"Why are you trembling?" tanong ko kay Allie.

"Gutom na ako." sagot niya.

Tss! Mainipin parin talaga ang tiyan niya.

"Bibilisan lang natin." sabi ko.

"Bibilisan daw."

"Wag kang greenminded baka may pinag-uusapan lang sila."

Napalingon kami ni Allie sa mga nagsasalita na nakaupo sa may bench. Nagkatinginan kami sa isa't isa saka palang naisipang pumasok sa elevator papunta sa taas.

"Mga tao talaga." dinig kong bulong ni Allie.

Gusto kong matawa dahil nakasiksik siya sa dulong bahagi ng room samantalang ang dami namang space sa gilid ko. Talagang inisip niya pa yung mga yun.

"Hey, Zhoe." tawag niya bigla saakin.

"Hmm?"

"Magagalit ka ba kung......may gawin ako sayo?" tanong niya.

Hindi naprocess kaagad ng utak ko kaya nagtaka ako sa sinabi niya. "Depende sa gagawin mo, ano bang gagawin mo saakin?"

"Yung sa movie na ano.......k-kiss ganun." sabi niya.

"Friendly Kiss?"

Mabilis siyang umiling. "In sexual way of kiss."

Hindi ako sumagot. Bigla nalang kasi pumasok sa isip ko ang ginawa ni Kevin nung magkita kami. Hindi man ako gumanti ay sobrang lakas ng impact nun sa puso ko.

"Zhoe."

tawag niya.

"Hindi. Hindi ako magagalit. Pero papatayin kita." sagot ko.

"Sabi ko nga magagalit ka." sabi naman niya.

Ng tumunog ang elevator ay bumukas na ito sa 11th floor. Walang tao sa hallway kaya naglakad na kami ni Allie papunta sa pinakataas ng Hotel.

Nilock namin ang rooftop saka palang inihanda ang mga gagamitin.

"Kung tuluyan mo nalang kayang pasabugin ang kinaroroonan nila?" suhestiyon ni Allie.

"Si Clyde muna ang uunahin ko." sagot ko naman.

Nakakatawa lang na pangyayari. Akala siguro nila hindi ko magagawan ng paraan kung paano sila papatayin.

Inilabas ko ang sniper rifle saka pinatayo sa maliit na barcade ng rooftop. Malapit na rin namang sumapit ang gabi kaya malawak ang pwede naming gawin dito.

Mula rito ay kitang kita ko ang pagsasaya ng mga tauhan ni Clyde habang siya ay may hawak na champagne glass.

May ilang building muna ang pagitan namin sakanila. Bali tatlong bomba ang naikabit ko ng hindi nila malalaman. Dalawa sa likod at isa sa lamesa na kung saan ngayon nakaupo si Clyde at nakikitawa sa mga kasamahan niya.

"Wala siyang kwentang ama, wala siyang ideya na patay na ang pinakamamahal niyang anak na si Freya." sabi ko habang ang tingin ay sa isang building.

Hindi ako kinibo ni Allie. Naupo lang siya sa tabi ko habang kumakain ng lollipop kaya nagtaka ako.

"Saan mo nabili 'yan?" tanong ko.

"Kanina ko pa 'to binili, gusto mo?" alok niya pero hindi ko siya pinansin.

"..Bilisan mo na kasi nagugutom na ako." reklamo niya.

The Mafia's Daughter | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon