BU: Prologue

24 1 0
                                    

"LUNA, ikaw na raw muna ang bahala." Marahas ang naging pagbagsak ng mga balikat ko na sinundan ng mabilis na pag-ikot ng mga mata.

Wala akong choice.

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang tumungo sa kwartong kinalalagyan ng mga bagong Patrols.

"Good morning," panimula ko. Iilan lang ang nandito. Ibig sabihin, sa lagpas isang daang nagpasa ng application ay siyam na lang ang umabot sa puntong ito.

Hmm. Nerve cracking.

Masyado pang maaga para magtrabaho, mabuti sana kung nasa labas iyon at may kung anong puruhan pero wala! Stock lang!

"I expect you're here and you got something in mind. Marami kayong sumubok pero iilan lang kayong natagumpay." Pinagkrus ko ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Prove them."

"I won't take this long," dahil talagang tinatamad ako. "Rules are rules. Whatever happens, you must obey dahil kung hindi-" Iilang segundo lang ang nagawa nang paghugot ko ng Python sa tagiliran at mabilis na ipinutok iyon sa bulletproof na dingding ng HQ.

Lahat nang nandoon ay napasinghap kaya napangisi ako. Hindi ka pa rin talaga pumapalya, MJ.

"Madali lang tumapos ng bago. Walang challenge," pagpapatuloy ko.

Ilang minuto pang natahimik ang lugar bago kami sabay sabay na napatingin sa babaeng nagtaas ng kamay. Woah there. Now, I'm interested!

Agad kong ibinuklat ang manual na iniwan ni Ligaya pagkatapos ay hinanap ang bansag na pangalan ng babae. "Agent Malaya."

Mabilis itong tumayo, "Question."

"You're free."

Naningkit ang mga mata nito, binabasa ang ekspresyong ibinibigay ng mukha ko pero hindi ako nagpatinag. Eksperto ata ako rito! "Where's our room?"

Muli kong binalingan nang tingin ang babae. Well, hindi mo mahahalata ang trabahong kinuha. Pwedeng pwede siyang ibala sa mga misyong undercover.

Maamo ang mukha nito at maputi. Kung makakasalubong ko siya sa daan iisipin kong pagmomodelo ang gusto niya, eh.

"Oh!" Napalatak ako sa tagal nang pantititig ko sa babae. Sa sobrang antok ko ay nakalimutan ko na sabihin ang tungkol sa bagay na iyon. "About that, Agent Sinta will then give you the keys to your rooms. Apat na tao sa isang kwarto katulad ng nasa kontrata. The rest of the rules and guidelines, nandyan na sa manual na hawak niyo. Make time to read."

Kinuha ko ang sariling kopya at naghanda sa pag-alis. "Got no time for y'all!" sabi ko habang binabagtas ang daan palabas.

Wala naman kasi akong oras para sa mga ganyan!

Ulan is really testing my patience! Alam niya namang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mag-welcome at mag-discuss ng mga guidelines pero iyon pa ang binigay niya sa akin ngayong araw. Oh, come on!

Pwedeng pwede akong isabak sa paghahanap sa founder ng The Odds at bumalik kasama ang pugot na ulo nito sa opisina.

Napahalakhak ako sa sarili. I'm getting to cocky the past few days — not really sure if that's a good idea though.

Sa pasilyo pabalik sa kwarto ko kanina ay nakaabang na si Lirik. As usual, with he's stupid-creepy smile again. "Teacher Luna, eh?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nilagpasan. "Kura bare." fuck you.

Nang makarating sa silid ay mabilis kong isinukbit ang school bag. Tutal iilang minuto na rin lang naman bago ang klase ko, might as well leave and go. Para naman maramdaman ko ring hindi malate kahit isang beses.

Kaya lang, kung minamalas ka talaga ay parehas pa ata kami nang naisip ni Lirik. Muntik pa nga kaming magkagulatan sa labasan.

"Lirik, please! Hindi na maganda ang umaga ko. I don't think I can take your stupid jokes this time." Umirap pa ako, dumagdag sa emosyon pinapakita.

Lirik just shrugged, kapagkuwan ay sinasabayan ako sa paglalakad. "Hindi tayo dapat makampante, Lu—" natigil lang ang pagsasalita ng kasama noong tuluyan na kami makapasok sa campus.

Nilakad lang namin ang distansya lalo pa dahil nasa likod lang naman ng University ang HQ. Tago iyon at sinadyang magmukhang isa sa mga building na naroon.

Malaki ang natulong ng ADU sa akin, una pa lang. Dahil bukod pa sa tinitirahan ay wala na rin akong dapat problemahin pa sa eskwelahan.

Ang kailangan ko na lang talaga ay mag-aral at gawin ang mga susunod pang misyon sa ADU.

Hindi iyon madali. Siguro nasanay na lang rin ako sa ilang taon ko na rito.

Third year, BS Entrepreneur.

"Hindi dapat tayo makampante, MJ!" My eyes darted to the man beside me. Seryoso iyon at hindi mo makikitaan ng kahit anong pantitrip.

Isa pa, Lirik is my bestfriend — kahit hindi iyon halata.

Nang inulit nito ang sinasabi, isa lang ang kahulugan noon. Balik kami sa pagiging estudyante.

"Malakas ang hinala ni Sinag na may nakuha na rin ang The Odds sa University." Titig lang ang naibato ko sakanya. Nag-aantay pa ng mga gusto nitong sabihin. "Malaking threat 'yun dito, MJ. Maraming madadamay. Mas malaki ang populasyon ng BU ngayon kaya kung iisipin ay malaki laking gulo 'yun. Paano ang freshmen?"

Napa-iling na lang ako sa pinapakitang pagpapanic ng kaibigan. Wala pa nga ay hindi na halos siya magkandaugaga.

Kinuha ko ang Mint strips na nasa bulsa at saka inilagay ang isa roon sa bibig. Wala namang dapat ika-panic dahil teritoryo ito ng ADU, walang magagawa ang The Odds patungkol doon.

"After this day dapat makapagplano na. I...I overheard it from Ligaya and Sinta and I don't think I can panic more!"

Ang huling salita niya ay naging pasigaw, sapat na para marinig ng mga estudyanteng nasa pasilyo ng CBEM building. Sinasabi ko na nga ba. Kung makapagpanic itong si Lirik ay daig pa ang kung sinong lampa.

Nilingon ko si Liam — Lirik ang pangalan nito sa ADU. At dahil nasa loob na ng University, kailangan ko na iyong gamitin. Natahimik ang kasama at mukhang nagpadala na sa maraming naiisip bago ako nagsalita.

"Don't you think it's a perk?"

Mabilis ang sumunod na pagbaling nito sa akin, nagtatangis ang mga bagang. Alright? Masyado ata akong chill para sa problema.

"What?! Perk pa 'yung maraming estudyante ang madadamay? Look, MJ. I know what you're thinking pero hindi ito basta patayan. Malaki ang bilang ng taong pwedeng madamay—"

Napasinghap na ako, dahilan para tumigil siya sa pagsasalita. "Of course not! Gusto ko 'yang sinasabi mong patayan but I really think it's an advantage. Can't you see? Kalaban na mismo ang lumalapit. Do you think hahayaan ng ADU na may madamay? Liam, justice is there! Mas malapit mas magiging madali!"

Ilang taon na akong sumubok kaya baka ngayong taon na ako suswertihin at ako pa mismo ang habulin ng hustisya.

Hindi ho ako titigil, Pa.

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now