BU 13: Misis

2 0 0
                                    

NAGISING ako sa walang pakundangang pagtunong ng cellphone. Padabog ko itong kinuha kahit nakapikit pa ang mga mata.

"Napakaaga naman! Magpatulog ka!" singhal ko. Hindi na mahalaga kung sino ang nasa linya, basta ko na lang iyon sinabi. Totoo lang naman ang sinabi ko, napakaaga pa at istorbo siya sa tulog ko.

"Alas dies na! Tanghali na!"

Mabilis kong nakunot ang noo. Hindi kasi pamilyar ang boses na narinig. Doon ay agad akong bumalikwas. Kung sino man marahil iyon, sigurado akong pagbabayaran niya ang ginawa niya!

Pagkaupo ay mabilis kong tinitigan ang cellphone. Sinasabi ko na nga ba! Unknown number kaya hindi ko kilala ang boses ng nagsalita.

"Teka, sino ka ba?!" pasigaw kong gagad. "'Pag ikaw prankcaller, ibigay mo address mo kakatayin kita-"

"Baliw! Si Axl 'to," sabi niya sa kabilang linya habang tumatawa tawa pa.

Natahimik naman ako agad. Saan niya naman nakuha ang number ko?!

Agad na naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa cellphone kung saan makikita ang numero ng nasa kabilang linya. "Anong kailangan mo?" sabi ko nang maibalik ko sa tapat ng tainga ang cellphone.

"Grabe ka naman," sabi pa nito. Hindi ko man siya nakikita pero alam ko nang nakanguso na naman ito.

Noong mga nakaraang araw kasi, pagkatapos naming magkita sa sementeryo ay madalas na rin ang mga pagkikita namin sa campus. Madalas na rin kaming sabay sabay na kumakain lalo na kapag hindi nito kasama ang mga kaibigan niya.

First year, mechanical engineering. Pabatak ang course, eh no? Mukhang iyon pa ikakamatay ng gago.

"Nasan kayo ni Liam? Samahan niyo ko, oh. Sagot ko, swear!"

Napabuntong hininga na lang ako. Gustuhin ko man ay hindi ko na magagawa ngayon. Para tuloy akong tinakasan ng kalayaan. Bwisit na The Odds!

Wala na ang inis ko kay Axl sa totoo lang. Mahilig lang naman kasi talaga siya mang-asar pero mabait talaga siya. Malayong malayo mula sa espiyang-

Halos manigas ako sa kinauupuan nang makarinig ng mahinang pagkanta mula sa baba.

"Nasa bahay kasi ako nila Tita ngayon, Axl. Babawi na lang ako pero dapat libre pa rin!" pasaring ko na lang kahit nangingilabot na ang buong katawan ko.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang kumakanta.

"Yayain mo si Liam, nasa bahay lang niya 'yun." sabi ko na lang. Kahit nasa HQ naman talaga si Lirik. Well, bahay rin naman ang turing namin sa lugar kaya parang hindi pa rin ako nagsinungaling sa lalaki.

"Sabi mo 'yan, ha! Sige, tatawagan ko muna si Liam."

"Teka," sabi ko nang may maalala. "'Di ba may friends ka? Sila yayain mo!"

Sinabi ko iyon ng patawa-tawa pero imbes na tawa rin ang marinig sakanya ay buntong hininga lang sagot niyq. "May mga jowa 'yun! Kanya-kanya ng date!"

Tinawanan ko na lang siya at umiling iling. Ang totoo, nakakaawa ang batang iyon. Totong mukhang hindi na siya napapansin ng mga kaibigan. Gusto ko pa sana patagalin ang pag-uusap kaya lang hindi ako pinatahimik ng kumakanta sa babang palapag.

Matapos makapagpaalam sa kausap ay dali-dali akong bumaba habang hawak ang bestfriend kong defender 90. Mariin ko muna itong kinasa bago nagtuloy tuloy sa pagbaba.

"Sino-" natigil ang pagsasalita ko at napalitan iyon ng sigaw dahil sa gulat. Tangama!

Wala sa sarili kong itinutok ang baril sa lalaki at mabilisang pinindot ang magazine release. Hindi iyon agad napansin ng kaharap ko kaya nang kalabitin ko ang gatilyo ay pumalahaw ito ng isang makalas na sigaw.

Napuno ang ilang segundong katahimikan ang bahay na iyon. Maski ako, ilang segundo ring nawalan ng hininga. Hindi ko maisip na makakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa makisig at matapang na lalaking nasa harap.

Ilang beses pa akong nagpakurap kurap. Hindi pa rin makapaniwala.

"Lintek ka, Luna!"

Doon. Doon na ako bumungkaras ng tawa saka kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto. Kung nabidyuhan lang saka ang nangyari, paniguradong pupwedeng i-submit iyon sa best vines na trending sa Facebook!

That was priceless!




"Tumawag pala sakin si Boss. Nanghihingi ng update, kaya sinabi ko 'yung nangyari nung isang araw. Positibo ngang sa The Odds galing ang ingay na iyon kaya nakaisip ako ng plano sa ngayon, Luna." dere-deretso niyang sabi pero hindi ko na muna pinagtuunan ng pansin.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hindi kasi mawala sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Kanina pa nagpapaikot ikot sa isip ko ang kagustuhang mahuli na ang The Odds.

Papatayin lang naman namin, hindi ba? We'll sneak there at night, sasaksakin namin ang mga tulog na miyembro o hindi naman kaya susunugin namin ang warehouse! Madali lang iyong gawin, eh. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit naririto kami at nagtatago. Ang lapit na namin sa kalaban, huli na para matakot!

Lumipas lang ang isang araw na wala kaming ibang napala. Hindi ko maaitim tanggapin na baka nga matagalan kami sa lugar na ito.

Gusto ko na sanang pakiusapan si Yvonne pero alam kong masyadong loyal kay Sinag ang lalaki.

"Alam mo mabait ka rin naman pala," sabi nito bigla. Doon nagsimula ang walang pakundangan ding kalabog sa loob ko. Kinakabahan na naman.

Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko rin kasi mapigilang hindi mag-isip. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi pupwedeng manahimik ako rito at mag-antay!

"Mabait kapag tahimik," nagsalita siyang muli. "Manahimik ka lang ha."

Wala talaga akong gana makipagsagutan, sa totoo lang. Kaya naman agad ko lang siyang inirapan at ibinaba ang tingin sa kinakain. As usual, luto na naman ng lalaki. Kahit meydo may kaalatan ay mapagtyatyagaan na rin. Kaysa naman mapait, hindi ba?

"-hay! Halika na nga rito, gawin na natin yung plano."

Hinila ako ng lalaki patayo. Sa ilanhg segundo ay gusto ko sanang magreklamo pero parang naubusan na rin ako ng lakas. Nakapokus ang utak ko sa pag-iisip kung ano pa ang posibleng gawin.

Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Gusto ko nang bumalik sa HQ. Gusto ko nang bumalik sa BU.

Nanlaki agad ang mata ko nang tuluyan kaming lumabas sa bahay. Dere-deretso lang ang lakad ni Yvonne at dahil hawak niya ang kamay ko ay madali rin akong nakakasunod.

Sa hindi kalayuan ay kita ko na ang mga babaeng mukhang magkakaibigan at panay ang kwentuhan sa tapat ng bahay. Madali kong hinawakan ang mukha ko gamit ang isang kamay, agad ko ring inayos ang buhok ko.

"Oh! Kayo pala 'yung bagong lipat!" magiliw na bati sa amin ng isang babaeng naroon.

"Ah, opo." magalang namang sagot ni Yvonne na bahagya pang yumuko kaya hindi na napigilan ng mga babae ang paghagikhik. Aba!

Sa isang iglap naman ay agad-agad silang napatingin sa direksyon ko, wala tuloy akong ibang choice kundi ang ngumiti. "Buntis na misis mo?"

Letsugas! Nanlaki agad ang mata ko pagkatapos ay napaubo naman si Yvonne sabay bitaw sa pagkakahawak nito sa kamay ko. Maya't maya ay biglang nag-ayos ng tayo. "Ah-"

"Busog lang po ako," marahan kong sabi. Ang totoo, gusto ko nang magwala. Mukha ba akong buntis?! Mukha ba akong may asawa?! Mukha ba akong misis ng Yvonne na 'to?!

Lintek! Aatakihin ata ako ngayon!

"Ah, opo!" halos mag-echo sa pandinig ko ang halakhak ng lalaking iyon. Nagsisimula na naman akong mairita. Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa ibang lugar kasama ang mayabang na lalaking ito!

"Busog lang po itong misis ko," sabi niya pagkatapos ay agad na bumaling sa akin. Nginitian ko ang mga kababaihan sa harap bago tinapatan ng tingin si Yvonne na nakangiting-aso. Siraulong 'to, gusto kitang bulagin.

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now