BU 17: The rain is falling

0 0 0
                                    

NANGINGINIG kong hinalughog ang loob. Hindi katulad ng inaasahan ko bago pumasok, wala na ni isang tao pang naroon. Siguro ay nakatunog na sila sa biglaang paglusob ni Yvonne kaya nagsitakas na ito.

Kasama si Yvonne.

Marami pang naiwang gamit at napakarami ring kwarto. Sinubukan kong buksan ang kada pinto pero hindi ko na ito nagawa. Nakaagaw agad ng atensyon ko ang nakaawang na pintong nasa pinakadulo ng isang pasilyo.

Tinakbo ko ang distansya saka sumambulat sa akin ang naglalakihang mga baril at kahon kahon pang mga hinihinala kong droga.

We already have an answer to all these. Mananalo na rin kami pero hindi iyon ang nagtagal sa utak ko.

Si Yvonne.

Hinalughog kong muli ang buong bahay. Kilala ko ang lalaki, imposibleng magpunta iyon dito ng walang plano kaya pilit kong tinatalasan ang paningin at naghahanap ng bagay na posibleng naiwan niya rito.

"Come on, Yvonne. Kahit isang bagay lang–"

Agad akong nahinto sa paglalakad at nagkukumahog pang pinulot ang isang baril.

"KEL-TEC PMR 30..."

Sakanya ito, tama. At sa sobrang kadesperadahan kong makahanap ng kahit anong tip, pinagbalibaliktad ko na ang hawak hanggang sa may nahulog na papel mula sa espasyo kung saan magazine ng mga bala dapat ang nakalagay.

He left this on purpose.

Nang maibukas ko ang papel ay rumagasa lahat ng pangamba at takot ko para sa ADU maging sa University.

They're in danger.

"Ulan..."

•••

"Bossing, pick up the phone!"

Sa sobrang panggigigil ko kulang na lang ay maihagis ko na ang hawak na cellphone. Paanong hindi? Nagpunta ako sa lugar na hindi ko alam kung paano makakauwi.

Dali-dali akong bumalik sa tinutuluyan at saka kinuha ang iilang gamit na kailangan pati na ang pera at saka nagbakasakali — habang patuloy na tinatawagan si Sinag. Nagtanong na rin ako sa iilan naming 'kapitbahay' kaya kahit papaano may lead naman na ako sa dadaanan.

Dala ang samu't saring baril na pagmamay-ari sa loob ng isang backpack, cellphone sa nanginginig na kanang kamay at pitaka naman sa kabila.

Paulit-ulit ko silang tinatawagan pero wala man lang sumagot.

Malayo ang lugar na iyon kaya inabot ako ng ilang oras para makabalik sa ADU Headquarters.

Grabe ang galit na nararamdaman ko. Nasa labas pa lang ako ng building pero halos pagkakalampagin ko na. Agad-agad kong tinungo ang daan papasok. Kinuha ko ang maliit na papel na pinagsulatan ni Yvonne ng pangalan ng ugat ng lahat ng ito — ULAN.

Ang tagal tagal kong naghangad ng hustisya para kay papa. Ilang beses komg sinuong ang pamatay ng training g ADU pero ni minsan hindi ko man lamang nagawang paghinalaan ang Alpha na iyon!

"Boss Sinag!" Ilang beses kong narinig ang sarili kong boses dahil sa echo sa napakatahimik nang lugar na iyon. Walang mga tao na parang natutulog ang lahat.

Imposible iyon ngayon lalo pa't sabado at walang pasok ang mga agents.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa papel na hawak. Nautakan nila kaming lahat–

"Agent Luna..."

Iuungkos ko pa lang ang kamao ko upang mapuruhan sana ang lalaking ugat ng lahat ng ito nang mapigilan ako ng dalawa pang malalaki ang katawang mganlalaki sa likuran ko. Hindi ko iyon ininda at patuloy lang na nagpumiglas.

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now