"GOOD MORNING!" Masiglang anas ko nang nagawa kong salubungin si Yvonne, gulo-gulo pa ang buhok nito at halatang nagulat na ako ang nakita. Hindi siguro siya sanay na naunahan ko ito magising.Walang ekspresyon niya akong saglit na tiningnan saka nilagpasan. Agad akong nakaramdam ng inis na agad ko ring iwinakli. Nanunuyo nga ako, dapat hindi ko sukuan agad.
"Nagluto ako," sabi ko habang patuloy ko pa rin siyang sinusundan. Huminto ito sa mesa at saka umupo. Maigi pa ring tinitingnan ang cellphone. Parang may inaalisa roon na hindi niya makuha-kuha.
"G-Y-D... K-C-C-W..." Napalingon ako at mabilis na itinuon ang atensyon sa mg letrang kanina pa nito binabanggit.
"The Odds," malinaw kong pahayag dahilan para tuluyan itong mapatingin sa akin.
"A-Anong ibang mong sabihin?" bulalas nito na sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata.
Agad akong nagkibit-balikat at itinuloy ang pagsandok. Ako na ang bahalang kumuha ng makakain niya para naman makabawi.
"Luna, anong sabi mo? The Odds? Para saan 'yun?" Pilit nitong niyuyugyog ang mga balikat ko kaya wala akong choice kundi ang lingunin ang lalaki.
"Tanggapin mo muna sorry ko," deretsahan kong sabi. Alam kong maling magsorry ng ganito pero kasi naman, ang hirap-hirap niyang makausap.
"Ano? Eh, hindi ka nga nagsosorry!"
Aba! Mabilis kong ibinaba ang hawak kong plato at saka mabilis na ipinagitna si Yvonne sa mga braso ko. Sa sobrang panggigigil, huli na nang mapansin kong dahil sa ginawa kong aksyon, nagmukha tuloy ikinulong ko si Yvonne sa pagitan ng mga braso ko.
May katangakaran ang binata, ang kaso medyo matangkad rin naman ako kaya ka-lebel na ng mukha ko ngayon ang mga labi niya.
Para akong biglang nanghina. Hindi ko iyon sinasadya, alright? Nakakairita lang! Nakakaubos ng pasensya.
Mabilis na parang kinapos ako ng hininga. Bukod kasi sa naaalibadbaran ako sa lalaking kaharap ay parang may kung ano pang pumipigil sa akin para makaalis, mas diniiin pa ako nito sa lalaki.
"S-Sorry... Sorry, Yvonne. I didn't mean to say that," sabi ko na lang. Ibinaba ko ang tingin ko para hindi makaramdam ng kung anong kahihiyan.
Pagkatapos ng sagutan na iyon, hindi ko na magawang maalis sa utak ko ang nangyari sa pamilya nila ni Ulrica. Hinding-hindi naalis sa utak ko kung paano manginig dahil sa takot ang dalaga. Sa kung paanong napapansin kong madalas itong tulala at parang palaging may iniisip.
Bahagyang kumilos si Yvonne dahilan para maiwala ko ang kung ano-anong naiisip at bumalik sa kasalukuyan — sa awkward na posisyon namin ng kaharap.
Mabilis niyang inalis ang mga kamay ko sa nagawa nitong pagpapagitna sakanya pinagdikit iyon at ginilid ako. "Fine. Apology accepted, Luna."
Natataranta kong binalikan ang platong hawak ko kanina at nagpatuloy sa pagsasandok na parang walang nangyari.
"So, mind telling me kung anong ibig sabihin ng sinabi mo? May kinalaman ba 'yung mga letters na 'yun sa The Odds?"
Mabilis kong natapos ang paghahanda ng pagkain. Nilapag ko iyon sa mesa bago ko siyang balingan muli.
"It was the ADU code. GYDKCCW means The Odds. Ano ba 'yun? Paulit-ulit mo ng sinasabi. Wait, don't tell me you are not familiar with the ADU code. Tinuturo 'yun sa training ha! Sinasabi ko na nga ba espiya ka–"
Agad akong natigilan noong inabot sa akin ni Yvonne ang cellphone niya kaya nagawa kov maaninag ang isang text messsage roon na mula sa isang contact na Erl ang pangalan.
Wala roong ibang nakalagay kundi ang mga letrang paulit-ulit na niyang binabanggit kanina.
"Who's this?" tanong ko nang tuluyan akong balutin ng pagtataka. Imposible kasing random na tao lang ito dahil paniguradong mga miyembro lang sa ADU ang nakakaalam ng mga code na iyon.
"Pamilyar ako sa ADU code, Luna. Hindi ko lang inexpect na sa kaibigan kong mismong 'yan manggagaling ang mga letrang iyon. Hindi siya miyembro ng ADU, Luna..."
Bahagya akong napipilan sa biglaang pagtatapat nito. Kung hindi siya kasabi ng ADU, paano niya magagawang malaman ang code? Paano nito malalaman ang tungkol sa The Odds?
"Sino si Erl?"
"He's a student from the University. Nasa Med school na siya and we often see each other twice a month. Normally nasa mga gigs siya since bassist siya ng banda nila—"
"Med student..." Biglang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari noong nakaraang Freshmen's Welcome Party parade. "'Y-Yung mga nahuli naming The Odds na nagmamanman sa parade nu'ng nakaraan, nakatambay sila sa College of Medicine! Doon sila nagbantay at doon din namin sila nahuli."
Nakita ko ang biglaang pag-igting ng panga ni Yvonne sa kung anong naisip.
"No... minsan lang namin niya nakakasama pero mabait siya. I can prove that! Minsan na niyang nailigtas si Ulrica when she attempted suicide."
Marahas akong napailing. Labis pa ring naguguluhan sa nangyayari. "Hindi porket mabait siya sa'yo... sainyo, mabait na siya sa lahat."
Deretso akong napaupo sa upuang nasa tapat niya. Medyo natatakot na rin sa kung ano-anong naiisip.
"He's the spy?" bigla kong sabi. Nagsisimula nang ma-blanko ang utak
"No... ang sabi ni Sinag, galing sa loob. Impossibleng nasa ADU–"
"Posibleng kasali siya sa ADU, Yvonne!"
"What did you just call me?"
Nahimigmigan ako sa tanong niya. Magtataka siya panigurado kung saan ko nalaman ang totoo niyang pangalan kahit malinaw na Sol ang tawag sakanya ni Sinag.
"Forget it! Nalaman ko lang 'yan kay Ulrica," palusot ko na lang. "So anyways, posibleng kasali nga siya sa ADU peri hindi mo lang siya natatandaan dahil parati ka namang wala."
Kinarir ko ang pagiging seryoso samantalang ngumingisi pang parang manyakis si Yvonne. "First name basis na pala tayo ngayon, Misis ko?"
Agad-agad niyang binitawan ang nakasisilaw na ngiti habang itinataas baba ang dalawang kilay.
"Can you just, atleast, focus?!"
Nang magseryoso ang mukha nito ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Siguro ay nag-iisip na ng pupwedeng gawin.
"Pero kung espiya siya sa ADU, bakit niya ako binigyan ng code? May gusto siyang ipahiwatig rito, eh. Using the ADU code, nagpadala siya sa akin ng mensaheng may kinalaman sa The Odds... kung gano'n..."
"Kakampi natin siya! Siya ang espiya sa The Odds!" Hindi ko napigilan ang paghiyaw dahil na rin sa pagiging excited sa mga susunod na mangyayari.
"Alright, so, we need to figure out his reason. Para saan ang code na 'to? Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan pero hindi na ako nakakuha ng sagot," sabi niya saka muli na namang tinawagan ang lalaki.
I am getting too sure about this. Nakakakuha kami ng mga kakampi, mas madali naming matatalo ang The Odds. Kailangan ko na lang mag-antay ng kaonti pa, pagkatapos nito matutupad ko na ang pinangako ko kay Daddy.
May kaonting takot mang nanananig sa sistema, mas pinipili ko itong talikuran. Walang magagawa ang takot ko ngayon. Walang magagawa na panghinaan pa ako ng loob.
Nahinang napahampas si Yvonne sa mesa saka umaliwalas ang mukha. Nagawa na atang sagutin ng Erl na iyon ang tawag.
"Hello? Hello... Erl!"
Ang mga ngiting lumatay sa mukha ni Yvonne kani-kanina lang ay naglahong parang bula. Agad iyong napalitan ng takot na mga mata.
YOU ARE READING
Lost In My Daydream
ActionBook 3 of 6 End: September 26, 2020 Updated: July 4, 2024