BU 12: Near

2 0 0
                                    



"FINE! Kung ayaw mong kumain, edi 'wag mo!" banas kong paratang sa kaharap na halos hindi na makahinga sa kakatawa.

Sa sobrang gutom kasi namin — lalo na ako, napilit ko ang sarili kong magluto. At dahil sa sobrang talented akong tao, tinatawanan na niya ako ngayon dahil sa sobrang pangit daw ng lasa ng luto ko.

Grabe naman siya sa sobra. Pwedeng pangit ang lasa pero sobra naman iyong gumamit pa siya ng 'sobra'. Nakaka-offend na iyon ha!

Hinila ko ang isang upuan papalapit lalo sa mesa at ako na mismo ang tumikim sa sariling niluto.

"Ano ba 'to?! Sobrang pangit ng lasa!" singhal ko sa katapat na parang siya ang may kasalanan ng lahat.

"Been telling you," nakaismid pa nitong pahayag.

Umakyat ako sa susunod na palapag. Sabi ko na nga ba, this situation wouldn't do me any good. Ako lang ang mapeperwisyo rito! Ako lang ang tutubuan agad ng puting buhok.

But I need to try. It's for my dad afterall. Sisiguraduhin kong dito na matatapos ang lahat. Sisiguraduhin kong lagpak na ang The Odds sa pagkakataong ito.

Hindi ako mag-eeffort ng ganito kung hindi lang pala. Bwisit! Ilang linggo rin akong hindi makakapasok sa school, that means walang learning— wala naman talaga akong learning kahit nasa school? Bakit kasi hindi ko inaayos ang pag-aaral ko? Ngayon tuloy, stuck ako sa lalaking bwisit!

Sa boring gutom at pagod, nakatulugan ko na ang ganoong posisyon. Nakaupo ako at nakasandal sa pader, nakapikit ang mga mata.

Doon na rin ako nadatnan ni Yvonne dahil sa ginising pa ako ng kutong lupa na ito.

"Kakain na," sabi niya.

"Talaga? Luto mo?" sarcastic kong pahayag. Syempre, hindi ako naniniwala! Kung marunong naman pala siya mqgluto, bakit pa niya ako pinagluto kanina?

"Hindi! Ikaw, ikaw 'yung nagluto. Halatang pagod na pagod ka nga, oh."

"Ah, oo. Nakakapagod kaya nagpahinga ako," nagmamaang-maangan kong sabi. I knew all along na sarcastic ang sinabi niya pero kunwari hindi ko nakuha iyon dahil I swear! Sobrang priceless ng itsura nito nang maisip na hindi ko na-gets ang sinasabi niya.

Hindi na niya ako pinansin at nagtuloy sa pababa kaya doon na ako bumungkaras ng tawa.

"Pikon," natatawa tawa ko pang sabi bago tuluyang sumunod.

Hotdog at sinangag lang ang nailuto niya pero yung pagod niya, para siyang siyang nagtrabaho ng alas nuebe hanggang alas singko. Gulo gulo ang buhok at pawis na pawis pa ang t-shirt na suot.

Gusto ko pa sana siyang asarin pero naunahan na ako ng gutom. In fact, masarap naman ang luto niya. Wala talagang panama adobong sitaw na niluto ko kanina. Ang pait-pait kasi! Nagmukha atang adobong ampalaya.

"Pangarap ko talagang maging chef, eh."

Sabay kaming nagtawanan. Hindi ko tuloy napansin kung seryoso siya. Natawa kasi dahil malayo layo pa ang hotdog at sinangag sa pangarap niya.

"Entrepreneur?" Tumango lang ako sa tanong niya habang busy pa rin sa pagkain. Grabe! Gutom na gutom talaga ako tapos si Boss Sinag nagkuripot pa dahil hindi man lang kami binilhan sa drive-thru.

"Why entrep?"

"Kasi ibebenta kita," sabi ko saka bumungkaras ng tawa dahilan para magtalsikan ang iilang butil ng kanin mula sa bibig ko. Bakas naman agad ang gulat sa mukha ng lalaki kaya agad ko ring binawi.

"Hoy! Nagbibiro lang ako! Wala namang bibili sayo, eh."

Seryoso lang siya pagkatapos ay umiling. Wala man lang epekto ang mga jokes ko, duh! Pang-international kaya ang mga iyon.

"Don't tell me nag-enroll ka dyan kahit 'di naman talaga iyan qng gusto mo."

I was caught off guard by his question. Pangatlong taon ko na sa kursong iyon kaya kahit papaano ay nagugustuhan ko na. Katunayan, maganda rin naman talaga ang bagay na iyon dahil sobra sobrang kaalaman ang nalalaman namin lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa mga negosyo.

Kung yayain ko kaya si Boss Sinag magnegosyo ng shabu, baka inatake pa iyon.

Agad akong natawa sa naisip.

"Okay, sige. Hindi ko sasabihin," sabi ko saka nagkibit-balikat.

Nang dumilim ang awra niya, hindi ko rin alam kung bakit ko pa ginustong magpaliwanag. "All I ever wanted was to give my dad justice. Iyon lang ang plano ko sa buhay."

Natawa ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Woah there, buddy. That's not nice! Dapat mas alam mo ang gusto mong marating ngayon lalo pa't wala na ang dad mo. Matatapos rin naman ang lahat ng ito, Luna. Pagkatapos nito, babalik din tayo sa kanya-kanya nating buhay. And if that happens, paano ka? Habangbuhay sa HQ?"

Ang totoo, gusto ko siyang singhalan dahil sa sinabi nito. Sino siya para pangunahan ang desisyon ko? Para pagsabihan ako ng kung ano-ano... but I found reality in his words. Totoo ang lahat ng sinabi niya. Iyon ang reyalidad. Pagkatapos ng lahat, pagkatapos kong makuha hustisya para kay Daddy, saan ako pupulutin? Tatlong taon kong hindi sineryoso ang pag-aaral kaya parang sinayang ko lang ang tatlong taon sa buhay ko.

Ang totoo, gusto ko rin namang makapagtapos. Paniguradong matutuwa si Daddy pagnagkataon. Kaya lang, itong mga nangyayari sa ADU sa nakalipas sa mga taon halos nawala na rin ako sa focus. Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagpatay sa miyembro ng The Odds.

Nang matagal ay naisip kong kantyawan na lang siya sa pagdadrama niya pero agad din naming nakarinig ng mga kalampag. Mukhang galing sa mga kapit-bahay kaya madali kaming sumilip sa mga bintana.

Madilim na sa labas pero kitang kita ko pa rin mula rito ang may tatlong palapag na gusali na ilang bahay rin ang pagitan mula sa amin. May kakaiba at malalakas na ingay na nanggagaling doon. Kaya agad kaming nagkatinginan ni Yvonne.

Alam kong pareha kami ng iniisip. Malawak akong napangiti. Isa lang ang ibig sabihin noon.

Malapait na kami. Malapit na naming matapos ang laban.

Malapit na, Dad. Mas bantayan niyo po ako. Pakisabi po muna sa kasama mo dyan, pa-extend ulit. Ayokong mawala ng hindi pa natin nakukuha ang hustisya.

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now