Note: very sorry about the typos, didn't have the time to proofread. ii-edit ko na lang lahat as soon as possible. Happy reading!
☀️
🌙
NAKAKAILANG hakbang pa lang kami mula sa kwartong nilabasan, halos manlumo na ako sa putukang naririnig. Hindi ko na kailangan pang makita ang nangyayari. Alam na alam ko nang natunton kami ng ADU at nakikipaglaban na sila kaya mas lalong hindi dapat kami matagalan sa pagsunod.
Hindi ito basta bastang labanan dahil alam kong eto na ang pinakaaantay ko. We need to win this, pero hindi ko hahayaan na makulong lang ang kambal na iyon.
Ayon kay Sol, nakita niya ang mga pangalang iyon sa mismong kwartong iyon. Malinaw na alam niyang Matthew ang pangalan ni Ulan kaya iyon na ang naging suspetsa niya. Hindi siya naging handa sa katabi pa nitong pangalan. Kambal pala ang kalaban namin kaya rin daw malaki ang koneksyon ng mga ito.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa kasama ay mas lalo lang sumeryoso ang mukha niya. Madalas ang pag-igting ng panga nito, halatang-halatang ready na sa patayan.
"Maybe you need to calm down. Siguradong tumawag na rin ng pulis ang ADU kaya mas lalong lalaki ang laban natin."
Hinarap ako nito at umiling-iling kayanmas lalong naging malinaw sa akin ang panginginig ng mga kamay nito — siguro sa sobrang panggigigil.
Gustong-gusto ko rin silang mapatay dahil sa ginawa nila kay daddy kaya paniguradong triniple pa ang kagustuhan ni Sol. Pamilya niya ang kinuha sakanya.
"No. Hawak nila ang kapulisan–"
"What?! What do you mean?!"
Kinukuha namin ang mga baril ng makita naming taong nakahilata na sa sahig at mukhang wala ng buhay. Bawat makuha ay talagang iniipit nito kung saan, samantalang ako ay nakuntento na sa dalawang baril na hawak.
"Kaya hindi sila mahuli-huli dahil hawak nila sa leeg ang mga pulis na 'yan. Sabi ko sayo, malaki ang koneksyon ng mga hayop na 'yan. We can't win against them. Mananalo lang tayo kapag yung mismong may pakana ang natumba natin," seryoso nitong sabi. Deretso lang ang tingin nito sa dinadaanan.
Wala naman akong ibang magawa kundi mamangha. Iba pala ang Sol na kilala ng lahat kapag seryoso. Parang nakakatakot. Napangiti na lang ako sa mga naiisip.
Tama siya, hindi kung sinong tao lang ang pakay namin dito kundi ang totoong dahilan ng lahat ng pagkawala ng mga mahal namin sa buhay.
"Ano na?" Naulunigan ako nang biglaan nitong pagsasalita. Sa sobrang pag-iisip ay napahinto na pala ako sa paglalakad.
"May plano na ako," taas-noo kong sabi.
"Kaya nga dalian na natin!" Tinawanan ko na lang ang pagiging masungit niya saka sumunod.
Tingnan na lang natin kung sino ang hindi nag-iisip ngayon, Ulan.
•••
Nanlalambot ang mgan tuhod ko nang pilit naming dinadaanan ang mga bangkay na tauhan ng ADU. Karamihan sa mga ito ay Patrol at mga Elite kaya hindi ko na maiwasang kabahan.
Pamilyar ang mga mukha ng mga ito pero hindi ko naman alam ang mga pangalan. Ang iilan dito ay paniguradong gustong makapagtapos ng pag-aaral at makabalik sa mga magulang pero nasirang lahat dahil sa mga hayop na The Odds.
Hindi ko mapigilang mapahiyaw ng makita ko sa hindi kalayuan si Boss Sinag. Marami ang naroon pero alam kong hindi maganda ang nangyayari. Nandoon si Ulan at paniguradong hindi pa alam ni Sinag ang lahat kaya halos takbuhin ko ang distansya namin nang bigla akong pigilan ni Sol.
YOU ARE READING
Lost In My Daydream
ActionBook 3 of 6 End: September 26, 2020 Updated: July 4, 2024