MAHIGPIT ang hawak ko sa baril na kanina pa nakatapat sa anim na lalaki.
"Hinahanap mo pa si Boss, nandito naman kami."
Tatlong segundo.
Tatlong segundo na lang ang tinagal ng paghinga ng kalbong lalaki matapos itong makapagsalita.
Bigla na lang itong bumagsak sa daan habang umaagos ang mapupulang dugo mula sa ulo nito. Tinawanan ko ang sarili, bull's eye!
"Pasensya na kayo, mga bossing. Maiksi ang pasensya ko." aakma pa lang kumuha ng mga baril ang mga lalaki noong isa isa ko na silang pinaputukan. Lahat ay mga tama sa balikat.
Dahil sa pagpapanic ay mabilisang tumayo ang mga ito at aamba nang tumakbo nang muli kong paputukan ang isa sa binti nito kaya ito lang ang naiwan muli sa mga kasama.
"Wala akong alam! Wala akong alam!"
Gusto ko pa sanang habulin ang apat na nakatakas pero tama na muna ang isa sa ngayon. Kahit naman gusto ko silang paputukan lahat, kahit gusto ko silang patayin ay hindi naman ako pupwedeng kumilos ng ganoon. Labag pa rin sa batas ng ADU.
"Luna!"
Thank God at agad nang dumating si Lirik, ginamit nito ang Sleep para tuluyang mawalan ng malay ang lalaking naiwan.
Ang Sleep ang bagong imbensyon ng ADU at syempre si Agent Sinta ang nakadiskurbe noon. Sa anyo nitong parang baril ay kaya nitong anim na oras patulugin ng sino mang paggagamitan noon.
Sobra sobra na para madala sa HQ ang lalaki.
"I can't believe tinakbuhan ka ng mga iyon dahil sa takot." nagkibit balikat na lang at ako at hindi na pinansin ang sinabi ng kasama. Dumating na rin kasi ang sasakyang pinadala ni Sinag para makaalis kami sa lugar na hindi nahahalata ng iilang taong malapit doon.
Nang muling maalala ang nangyari sa ama ay labis lang ang naging galit ko. Dapat ay tinuluyan ko na, mabawasan man lang ang mga galamay ng The Odds na iyon.
"Oh, Luna. Busangot ka?" itinaas ko ang tingin ko sa lalaking naroon — si Ulan.
Kakatapos ko pa lang kumain at dederetso na ako papasok sa headquarter ng harangin niya.
"Dapat pinatay ko na, eh."
Isa si Ulan sa dalawang Alpha at dahil kami ang nasa baba nito ay pwede ko na rin itong matawag na boss.
"Hinay hinay lang, bata. Baka ikaw naman ang matuluyan niyan at magaya ka pa sa tatay—"
Hindi na niya muling naibukas ang bibig niya para makapagsalita noong idinikit ko ang nguso ng baril ko sa nguso niya.
"Ayoko sabing dinadamay ang tatay ko."
Matalim ang mga titig ko sa lalaki pero nakuha niya pa ring ngumisi. "Luna, hindi mo 'yan kayang gawin."
Tinutukoy nito ang tuluyang pagpaslang ko sakanya.
"Pumasok ka na sa loob at ikaw na raw ang bahala sa kalaban sabi ni Sinag."
Sa pagkakataong iyon ako naman ang ngumisi, mabilis na ibinaba ang baril at tinapat sa gitnang espasyo ng kanyang mga paa bago ito paputukin.
"Tangina, Luna!"
Iniwan ko na siya roong nanggagalaiti dahil sa gulat at pumasok na sa maliit na kwarto kung nasaan ang lalaking nahuli namin.
Nakatulog pa ako sa sobrang bored dahil sa paghihintay sa lalaking tulog pa rin hanggang ngayon.
Sumilip ako sa maliit na bintanang nakaharap sa BU Commencement Grounds. Nakarating na ang mga estudyante at nagkalat na doon. Maingay na rin dahil sa nakikisabay ito sa taong nagsasalita sa stage.
Hindi tuloy ako makanood! Hindi tuloy ako makapaglibot libot dahil ngayon pa pinili ng mga The Odds na ito ang kumilos at manggulo.
"Ano ba ang kailangan niyo?"
Boses pa lang ng higanteng iyon ay napangisi na ako. At last! Tapos na ang mga boring kong sandali.
"Simple lang," lumapit pa ako ng kaonti rito. Nakaupo siya sa upuan na pinalibutan namin ng makakapal na tali.
"Sino ang boss mo?"
Alam kong mali ang paraan ng una kong pagtatanong pero hindi ko na gusto ang mag-aksaya ng panahon. Gusto ko na iyong malaman! Gusto ko nang patayin ang kung sino mang poncio pilato ang pumatay sa ama ko.
"At bakit ko sasabihin sa'yo?"
"Because you have no choice. Sasabihin mo o papatayin kita."
Ilang taon ko nang ginugusto ang mapabagsak ang The Odds at kung kakayanin ko lang ang mga iyon ay siguradong hindi na ako mag-aantay ng ganito katagal na panahon.
Naiinip na ako!
"Bakit Bicol University naman ang pinuntirya ninyo? Nananahimik ang mga tao rito!"
And that's a fact! Libo-libong mga estudyante ang madadamay kapag nagpatuloy pa ito.
"Because it's fun? Isa pa, hindi ba gano'n naman ang mga estudyante sa kolehiyo? They want something new and exciting?"
Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko. Anong new at exciting? Kung upakan ko na lang ito ngayon?
"Sino ang boss ninyo?" madiin at mas seryoso ang pag-ulit ko sa tanong na iyon.
Gusto ko na itong tapusin. Ang totoo, matagal na.
"Come closer then I'll tell you." so I did.
Unti-onti akong humakbang papalapit sa lalaki bago ito tuluyang makawala sa pagkakatali niya sa upuan at agad na sinakal ako gamit ang dalawa niyang kamay.
Inasahan ko na ito. Iyan ang posibleng galaw ng isang lalaking walang isip at timang!
"Hindi ko sasabihin sainyo kung sino ang boss ko at wala ni isang makakapigil sa The Odds."
Ngumisi lang ako, pinilig ko ang ulo ko pakanan at inipit ang isang kamay niyang naroon. Tama lang para makawala ako sa mga sakal nang nagsimula akong iikot ang katawan ko.
Iyon na ang dipensa niya? Napakahina naman.
Mabilis kong kinuha ang baril na nasa loob ng boots na suot saka walang awang pinaputukan ang lalaki.
Tatlo sa ulo at dalawa sa dibdib. Hindi mo sasabihin kung sino ang boss mo, ha? Edi magkita kayo ni Satanas sa impyerno.
"Agent Luna," humahangos na sabi ng babaeng tumatakbong papalapit sa akin. "Anong nangyari?"
Nagkibit balikat lang ako saka nilinis linisan ang pa paboritong baril na hawak. "Ipalinis na 'yan, Ligaya. Matigas ang ulo."
Iniwan ko na ang babae sa loob at nagpunta na sa sariling kwarto sa HQ. Naabutan ko si Sinta na nag-aayos rin ng mga gamit. "Nasaan na?"
Tinutukoy nito ang nakuha naming lalaki.
"Ayun, winewwelcome na sa impyerno." bahagya itong natawa na siyang ipinagtaka ko. Matagal ko na rin silang kasama sa HQ. Magkakasama pa nga kami sa kwarto pero ngayon ko lang ito nakitang tumawa.
Inlove siguro. Umiling na lang ako at nahiga muna sandali bago rin siya tuluyang lumabas.
Inlove. Ngayong naisip ko iyan, ano kaya marahil ang pakiramdam noon?
Hindi ko naman sinasabing may oras pa ako sa bagay na iyan pero ang sabi kasi ni Daddy, balang araw raw ay mahahanap ko rin ang lalaking magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal nito kay Mommy.
My mom's from Japan, si Daddy naman ay dito na talaga sa Bicol. Nagkataon lang may misyon ang ADU noon sa Japan kaya nagkaroon sila ng tsansang makilala ang isa't isa. Noon nga ay nahirapan pa daw si Daddy sa pakikipag-usap dahil magkaiba sila ng lenggwahe ni Mommy pero iba raw talaga ang nagagawa ng pagmamahal.
Hinila ako ng antok sa ganoong kaisipan.
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang madali na naming magagapi ang The Odds. Magiging masaya na tayo, Daddy. Malapit na po, sigurado.
YOU ARE READING
Lost In My Daydream
ActionBook 3 of 6 End: September 26, 2020 Updated: July 4, 2024