BU 9: Scarred Girl

2 0 0
                                    


"THANK you for helping me that time, Ate." nginitian ko lang muli siya saka kumagat sa inorder kong kwek-kwek.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nagpasalamat. Pero para sa akin, hindi naman big deal iyon. Natural lang na tulungan ko siya lalo pa at nakita ko siyang umiiyak. Kahit sino naman siguro gagawin iyon.

"Ulrica, stop talking to that psycho—"

"Kuya!"

Bago ko pa maitusok ang stick na hawak ko sa braso ng lalaking iyon, naunahan na ako ng babae dahil mabilis na niyang hinampas ang kuya.

"Paano niya ako kakausapin if you keep on bullying her?!" padarag nitong sabi.

Kanina pa ako tahimik, ni hindi na nga ata ako makapagsalita. Bukod kasi sa kasama ko itong animal na lalaking ito, mas lalo ko lang nakikilala si Ulrica.

Mas lalo ko lang napapansin ang mga kilos nito.

Para bang lagi itong takot. Kung hindi naman, parang sobrang hyper. Dalawa lang iyong papalit palit sa kanya. Ilang minuto, parang naiiyak at nanginginig nginig ito dahil sa takot pagkatapos ay magiging sobrang saya.

"Ate! You know what–"

"MJ na lang," sabi ko. Iyon halos ang unang beses kong nagsalita simula noong magdesisyon akong sumama sakanila.

"P-Po?"

Ang totoo, alam kong may mali. Alam kong may hindi okay sa babaeng kaharap ko. Itinuro na sa amin ng ADU iyon. Mas gamay ko na ngayon ang pag-oobserba sa isang tao.

"MJ itawag mo sakin," sagot ko pa.

Alam kong hindi ako naaawa. Alam kong hindi naman dapat because I know she's fighting. Hindi ko man alam kung ano ang laban na iyon pero malakas ang tiwala ko sa babaeng makakaya niya.

I... I just know that she deserves all the love in the world.

"Really? Thank you, Ate!" hindi niya ako maabot pero alam kong gusto niya akong yakapin. Hinawakan na lang nito ang kamay ko at pinisil pisil iyon.

She's actually a good girl. Malayong malayo sa kuya nito.

"I've always wanted to have a big sister, kaso itong si Kuya ayaw naman maggirlfriend. I'm happy, I have you!" wala akong ibang masabi kaya ngumiti na lang ako. But then, hindi iyon nakaapekto sa kasiyahan niya.

Hindi na halos bukas ang mga mata niya sa sobrang lawak ng ngiti. She's too pure and precious. Ang malas niya lang na iyan ang naging kuya niya. Pwe!
"Oh!"

Umalis ang lalaki sandali at pagbalik nito, dala na ang maiinit pang kwek-kwek. Mabilis na nanubig ang bibig ko kundi lang sana biglang hinagis ni Yvonne ang dala sa akin. Buti na lang madali kong nahawakan iyon kaya hindi natapon.

Mabilis akong tumayo, nag-uupos lang ng galit. Hindi sana ako magpapapigil kung hindi lang ako lumingon kay Ulrica na ngiting-ngiti pa rin sa akin ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta! Hindi ko lang gustong masaktan ang batang babae sa harap ko.

Kaya ko namang umaktong maayos, eh! Kung hindi lang nangdedemonyo kong lalaking kaharap ko.

"Kuys!"

Swerte niya na lang rin at may dumating pang kakilala niya kaya minabuti ko nang maupo at magpokus sa pagkain.

"Teka, ayan yung chicks na—"

Hindi na natuloy ng kadarating lang na lalaki ang sinasabi niya nang sinamaan ko siya ng tingin. Naalala ko ang lalaking ito at alam ko na kung anong pwede niyang sabihin.

Siya iyong pinagtanungan ko ng pangalan ni Yvonne pero kung ano lang ang sinabi!

"Dirk! Si Ate MJ, my new gal!"

Sa sobrang inis ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari, gusto kong magwawala pero hindi ko rin magawa. Kapag naiisip ko kasing nakatingin si Ulrica ay walang umaatras ang kasamaan ko sa katawan. Ang bait bait kasi, parang nirerequire rin akong maging mabait.

Ang bait ni Ulrica tapos si Yvonne may sa demonyo. Heaven and hell lang ampeg.

Nginitian ko lang ang lalaki. Huli na nang napagtanto naming may mga kasama pala itong mga babae.

Nagtatawanan pa ito nang biglang bumagsak ang paningin nila kay Ulrica.

"I can't do this," sabi ng isang babaeng morena at matangkad bago ito tuluyang magwalk-out na labis na ipinagtaka ko.

Anong nangyari doon?

Mabilis ding kumilos ang babaeng mukhang sosyal na nakaitim at hinila na iyong Dirk papalayo roon.

Naiwan naman ang isa pa nilang kasama na mukhang nahihiya pa sa amin dahil sa inasta ng mga kaibigan. Sa huli, bahagya siyang yumuko at pinilit na ngumiti bago tuluyang umalis doon.

Binalot ako ng labis na pagtataka. Bakit nagkaganoon bigla ang babae? Ex ba nito sa Yvonne? O baka naman may masamang ginawa ng lalaking ito sakanya?

"Don't mind them, Ully. Kain ka pa."

Mas lalo tuloy akong hindi papatulugin ng curiosity ko mamaya dahil sa mga nalalaman.

Sino iyon? Bakit parang gusto biglang makipag-away ng babaeng nagwalk-out kanina?

Imbes na pairalin ang pagiging tsismosa, minabuti kong manahimik. Gusto ko na sanang umuwi pero mukhang wala rin naman akong gagawin sa headquarters kaya saka na lang siguro.

Pero nang magpaalam na ang dalawa para umuwi, wala akong naging ibang choice dahil wala na akong maisip na puntahan.

Well... wait, maybe I know a place. Alam kong matagal na rin siyang nag-aantay.

Siguro, tama na ang oras para bumalik ulit.


Ilang minuto lang, natagpuan ko na ang sarili kong harap na ng puntod ni Papa. Matagal na akong nakatulala. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan ko maaaring simulan.

"Dad, malapit na sila samin..."

Totoong malapit na ang mga The Odds. Pero hindi ko alam kung bakit natatagalan pa kami ngayon. Kung bakit hanggang ngayon wala pa ring pagbabago.

Hindi pa rin namin malaman laman kung sino ang utak ng The Odds na iyan.

Hindi ko talaga ginugustong magpunta sa puntod ni Daddy. Wala naman kasi akong ibang ginagawa rito kundi magreklamo at magalit.

Gustong gusto ko nang maipaghiganti sa Daddy pero wala akong ibang magawa. Dahil nasa ADU ako at kailangan ko rin ng tulong nila, hindi ako maaaring gumalaw kung kailan ko lang gusto dahil posibleng sila naman ang mapahamak dahil sa akin.

"We'll overcome, Dad. Mapapatay ko rin 'yang mga hayop na 'yan... and when the time comes? Sisiguraduhin kong tinatawag nila ang pangalan mo habang sumisirit ang dugo nila kung saan." Pinilit kong patatagin ang boses ko. Hindi man ako nakikita ni Daddy ay alam kong andyan lang siya at paniguradong aasarin ako ng lalaking iyon sa panaginip.

"Nakakatakot naman 'yun."

Halos mahiwalay ata sa akin ang sariling kaluluwa dahil sa gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko. Ayon sa sinabi niya, mukhang kanina pa ito nakikinig.

Matalim kong nilingon kung sino ang tsismosa at bumulaga sa akin ang bulto ng isang pamilyar na lalaki.

"Teka? Axl!" Nginitian ko siya ng pagkalawak lawak kaya ngumiti rin siya pabalik. Pero hindi alam ng lalaking ito na kapag nakalapit ako, paniguradong hindi na niya gugustuhing gulatin ako ng ganoon ulit.

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now