BU 5: Ball

4 0 0
                                    

"Hoy, wala namang biruan dyan!" natatawa tawa ako habang nagsasalita. Paano kasing nandidito kami sa conference hall at lahat sila ay nakabihis na — ng nagkikintabang mga gown?!

"Hindi naman kami nagbibiro, Luna." seryoso akong nilapitan ni Ligaya, pagkatapos ay nag-abot ng puting damit sa akin. Nagdali dali akong tiningnan at bumungad sa akin ang nakapaiksing peasant dress.

Inis ko iyong naibagsak sa mahabang mesa ng confe hall. "I am not wearing that—"

"Yes, you are." naputol ang sinasabi ko noong pumasok si Bossing Sinag. Seryoso ang mukha nito at parang abang na abang na sa misyon namin para mamaya.

"I'll be attending the ceremony. Kapag nagsimula na akong magsalita sa unahan, iyon na ang magiging hudyat ninyo para kumilos." bumaling naman ito sa akin.

"That's a ball, Luna. Ano ang gusto mong isuot? Pants at oversized shirt? O baka naman ball gown pa ang gusto mo? Ako mismo ang pumili ng damit na 'yan. Alam kong hindi kayo mahihirapan kumilos unlike that ball gown," dagdag pa niya. Muli ako nitong tiningnan kaya tumango na lang ako.

Wala naman akong choice, hindi ba? Lalo pa dahil galing kay Bossing ang desisyon.

Madali akong nakapagbihis, hindi na rin ako naglagay ng kung anong kolorete katulad nila at nilugay ko lang ang buhok ko.

Sa madaling oras lang, nasa BUCENG Gymnasium na kami. Bumungad agad sa amin ang sandamakmak na estudyante. Mga estudyanteng madadamay kapag hindi namin napigilan ang The Odds na iyan.

Peasant dress ang suot na pinaresan ko na lang ng Lita boots, tama nga si bossing. Hindi nga mahirap makagalaw sa damit na ito at marami pang pwedeng pag-ipitan ng mga gagamitin.

"May nakaupo ba rito?" pinili kong maupo sa grupo ng mga engineering students. Anytime now magsisimula na ang mga napag-usapan, kailangan ko lang mas maging handa ngayon. I mean, we shouldn't fail now! Napakalapit na sa amin ng kalaban, hindi pa namin magawang mahuli.

"Wala naman po," sagot ng isang lalaking mukhang freshman kaya dali-dali na rin akong umupo.

"I'm Axl." nilingon ko muli ang katabi kong iyon matapos nitong makapagsalita. Pormal na pormal ang suot niya at wala naman itong kasamang ibang babae bukod sa iilan pang kasama niya sa mesa na parang mga kaibigan at kaklase niya lang.

In-obserbahan ko nang mabilisan ang kilos nito. He's a student, wala namang balak na masama.

"MJ," tipid kong sagot pagkatapos ay inilibot ko na ang paningin sa lugar. Mula rito, tanaw ko sila Lirik, Ligaya at Sinta na nasa iba't ibang colleges nakapwesto.

Namataan ko rin si Ulan na nakikipag-usap sa iilang admin ng eskwelahan. Sa misyon kasing ito, ang Alpha, Supreme at Elite ang magtutulungan. May hiwalay na misyon rin kasi ang mga Patrols.

"MJ? Short for?" binalingan ko siyang muli, naiinis na. Kaya rin siguro wala akong ni isang kaibigan sa labas ng HQ ay sa madali akong mainis.

"Just MJ," I said in a dismissive tone. Makiupo lang naman talaga ang layon ko rito, hindi ko naman inihanda ang sarili kong makipag-usap.

Hindi na rin umimik ang lalaki, siguro ay nakuha na niya ang gusto kong iparating.

Nang magvibrate ang gadget na nasa tainga ko, iniluwa noon ang boses ni Lirik. "In three, two, one.."

Agad na umakyat si Boss Sinag sa stage, hudyat para simulan na namin ang pag-iikot. Iniwan ko ang upuan ko at minabuting magtungo sa pwesto — nursing students. Dito ang tinumbok ko dahil pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi ng kalbong nasa impyerno na ngayon. They want fun and excitement..

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now