"SIGURADO ka ba talagang hindi na kita kailangang dalhin sa ospital?"Sinubukan kong tabihan siya at umupo rin sa damuhan. Yakap niya lang ang bag niya pagkatapos niyang uminom ng mga gamot.
Akmang susuntukin ko na sana siya kanina noong bigla siyang dumaing sa sakit. Noong una, hindi ko agad pinansin ang mga iyon dahil akala ko nagbibiro lang para makatakas sa mga sapak ko pero nang nagsimula nang manginig ang mga kamay niya, doon na rin ako nagpanic.
Pagkatapos noon ay dali-dali ko na lang siyang tinulungang makaupo. Saka niya pa lang nahanap ang backpack na nahulog kung saan at uminom ng gamot.
"Okay... lang ako," nanghihina pa nitong sabi.
Marami sana akong gustong itanong. Kaya lang hindi ko naman kilala ang lalaking ito lalong lalo na hindi kami close kaya bakit ko naman gagawin iyon.
Pero kasi, hindi mawala sa isip ko ang mga gamot na ininom nito kanina. Marami iyon para sa sakit ng ulong sinasabi niya.
"Don't tell this to anyone," seryoso niyang sabi kaya napairap na lang ako sa kawalan. At kanino ko naman maaaring sabihin? Ni hindi ko ng kilala ang taong ito at wala rin naman akong pakealam.
"May kotse ka ba?" napatingin ito sakin, mukhang nagtataka.
"Ihahatid kita. Amina susi mo," I said cooly. Syempre! Baka kung ano pang isipin ng lalaking ito no.
Pasalamat siya nasa mood ako para maging mabuting bata ngayon.
May kinuha siya sa bulsa niya pagkatapos ay agad na inabot sa akin ang susi. Akmang tutulungan ko na sana si Axl ng dumating doon si Lirik.
"What the hell?" bungad ko rito.
"What?" pangisi ngisi pa ito na parang demonyo. "Liam at your service," sabi niya pa.
Well, hindi na ako magtatanong kung paano ito napunta rito. Uso na ngayon ang GPS. Kaya hindi na rin uso ang privacy.
Paniguradong pinahanap ako ni Bossing Sinag kaya andito itong epal na to. Akala niya, hindi ko pa nakakalimutan iyong hindi niya paggising sakin kanina kaya ako late? Manigas siya.
Hindi niya kilala si Axl pero mabilis pa sa alas kwatro niya itong inalalayan hanggang makasakay kami sa sasakyan.
Hindi ko na rin nagawang bitawan angg susi at nauna nang pumasok sakanila. Mabilis kong ini-start ang sasakyan hanggang sa marinig ko ang katok ni Lirik mula sa labas. Nailapag na niya si Axl sa uupuan nito.
"Sumakay ka na, sigurado hinahanap na ako ni Tatay." sabi ko na lang habang nakababa pa ang bintana noon.
"Umalis ka, ako ang magmamaneho." mabilis kong inilabas ang dila ko at ginamit iyon pang-asar sakanya.
Sa huli, wala itong nagawa kundi ang umupo sa likuran na mukhang pikon na pikon na.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Paminsan minsan tumitingin ako kay Axl na nakatingin lang sa labas ng sasakyan.
Ilang beses ko ring inisip na kausapin ang binata pero hindi ko na pinilit. Mukhang problemado at ayaw ko na makadagdag sa inis. Palihim kong tinawanan ang sarili.
"I'm Liam. Ikaw, pare?"
Gusto kong bumungkaras bigla ng tawa sa pagiging friendly ni Lirik. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa lalaking ito.
Una basta basta na lang ang punta sa sementeryo, tapos biglang ang bait bait. Nakihithit ata ito sa The Odds, eh.
"Axl," sabi ng lalaki at binalingan pa siya saka nginitian.
YOU ARE READING
Lost In My Daydream
ActionBook 3 of 6 End: September 26, 2020 Updated: July 4, 2024