"I CAN'T believe this! Nakapagtapos si MJ!" Mabilisang batok ang binigay ko sa kaharap na si Liam. Ang hunghang na ito, akala mo naman napakagaling niya sa academics eh pumapasok lang iyan ng maaga para mangopya ng assignment sa classroom.Hindi katulad niyang naglilibot-libot na sa lugar, nanatili ako sa kinauupuan. Hindi pa naman tapos ang ceremony pero dahil tapos na kaming matawag, parang sinisilaban na ang pwet ni Liam kaya deretso sa paglilibot.
Sa totoo lang, pareha kami. Hindi rin talaga ako makapaniwala pero sigurado akong naging turning point na sa buhay ko ang nangyari noong nakaraang taon. The truth is, I want to live longer. Nang magising akong nakaratay sa ospital, nakaramdam ako ng takot. Doon ko lang narealize kung gaano kadelikado ang ginawa — lalo na noong hindi tumigil si Sinag na pagsabihan ako.
Hindi na raw ako nakinig at pinapahamak ko raw ang sarili ko.
But it's all worth it, right? Nagawa naming patayin ang kambal at nailigtas na namin ang Bicol University sa The Odds na yun.
It's all over now.
Mabuti nga't nabuhay ako at may mga pagkakataon pang maitama ang mali. Pagkagaling sa ospital, hindi ko na sinayang ang oras at agad na nagpakabusy sa school. Itinuloy ko ang kurso pero sa ibang-ibang pag-iisip na ngayon.
Nakakuha kami ng incentives galing sa University dahil sa ginawa namin kaya kasabay ng naipon kong allowance ay nakapagtayo ako ng sarili kong shop sa tapat lang ng BUCBEM campus. Well, maliit lang naman pero pasalamat na rin akong tinatao.
At dahil magkakaiba naman ang schedule ay tinulungan na ako ni Ligaya, Sinta at Lirik sa pagbabantay. Minsan lang naman kami lumalagi sa headquarters — hindi na katulad ng dati pero pagpatak ng alas nuebe gawa ng nakagawian at batas ni Boss Sinag ay nandoon na kami.
Ginawa kong mapagkakitaan ang pagkahilig ko sa pastries. Noon akala ko, magaling lang akong kumain ng mga ganon kaya hindi rin ako makapaniwala sa sarili noong sinubukan ko.
Sa una, ramdam na ramdam ko ang pagiging magastos pero nang madiskubre nila ang shop ay lumagi na rin ang iilang estudyante roon.
Hindi na rin ako naghire ng iilang kasama dahil sapat na ang skills ng mga kaibigan. Bukod kasi sa nakaready na ang mga paninda bago ako pumasok ay hindi naman sabay-sabay ang mga customer sa pagpunta.
Oh, di ba? Sabi ko sainyo, I've changed alot. Hindi na katulad noong wala akong ibang gusto kundi maipaghiganti si daddy — katulad ng sinabi ni Yvonne.
That guy! Nasaan na kaya marahil ang lalaking iyon? Noong nasa ospital ako ay madalas ko pa siya makita. Minsan nga nakikita ko siyang tulog doon at nagbabantay. Pero nang tuluyan akong makalabas at makabalik sa HQ ay wala na siyang paramdam.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang lalaki pati na ang kapatid niya. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na nakumusta man lamang ang babae. Hindi na tuluyang nagsink-in sa isip ko ang lahat pero wala na rin akong kakayahan pa para magreach-out at kausapin sila. Tama nga ang sinabi ni Yvonne noon, pagkatapos ng lahat, babalik din kami sa dati naming mga buhay.
Pati nga si Axl, hindi na nambubulabog. Ilang beses ko rin siyang tinawagan pero wala akong nakuhang sagot. Siguro ay nagpalit na nagsim? Hindi ko na rin kasi magawang makita sa University. Busyng-busy siguro sa klase.
Madalas ko na lang din pinagdadasal ang kaligtasan ng lahat.
"Para talagang siraulo." Naiwala ko ang iniisip nang biglang nagsalita si Sinta na nasa tabi ko na pala ngayon.
"Mahal mo naman," natatawa kong sabi. Namayani ang biglaang pagtahimik ni Sinta na sinundan nang paglaki ng mata dahil sa ngayon lang ata pumasok sa sistema niya ang sinabi ko.

YOU ARE READING
Lost In My Daydream
ActionBook 3 of 6 End: September 26, 2020 Updated: July 4, 2024