BU 14: Victim

3 0 0
                                    

"KURUTIN mo nga ako," dali-dali kong saad pagkapasok na pagkapasok sa bahay. "Kurutin mo ako!"

"Teka, bakit?" Matatalim ang mata ko nang sinubukan ko siyang tingnan. At ang loko, pangiti ngiti pa. Akala mo naman talaga kung sinong genius dahil naisip niya ang ganoong plano.

Walang sabi sabi ay agad na niya akong kinurot kaya mabilis ko rin siyang sinugod nang nakayukom na kamao.

"Luna, ano ba! Ang sabi mo kurutin kita–"

"Para 'yan sa fucked up mong plano!"

Pinulot ko ang cellphone na nahulog pa kanina dahi sa pagmamadali at agad na tumalikod.

"The plan was perfect! May nakuha tayong impormasyon. It is obviously a good one, malaking tulong na iyon para sa mga susunod pa nating plano. Come on! Just admit it, maganda 'yung plano ko. I deserve some recognition—"

Hindi ko na pinatapos pa ang pagyayabang niya. Dali-dali na akong umakyat sa kwarto at mabilis na naghalungkat sa gamit.

Kung hindi makikipagtulungan ang lalaking ito, ako na ang mag-isang kikilos. Naiinip na ako.

Hindi ko gustong mag-antay na lang ng mga susunod na mangyayari. Hindi ko gustong mag-aantay na lang palagi ng tyempo.

Kailangan kong kumilos! Kailangan kong agad na mabigyang hustisya ang ginawa nila kay Daddy. Tama na ang ilang taong pag-aantay.

I'll make my father proud... alone.

Kinuha ko ang duffel bag na dala ko papunta rito, nilabas ko ang iilang mga damit at pinaiwan sa loob ng bag ang limang baril na dala. Iba't ibang uri, iba't ibang laki. Sinigurado ko ring puno ang magazine ng bawat baril. Hindi basta basta ang makakaharap ko roon pero bahala na.

Come what may, MJ. Come what may, Luna.

"What are you doing?" Imbes na pansinin ang baritonong anas ni Yvonne ay itinuloy tuloy ko lang ang pagkilos. Umaga pa pero paniguradong hindi ko na hawak ang oras kapag nagawa kong makapasok sa teritoryo ng The Odds.

Iyon ay kung mapapasok ko nga ito.

"What the hell are you doing, Luna?!" Dali-dali itong lumapit sa akin, kinokontra ang bawat kilos ko. Habang pinapasok ko ang mga kailangan sa duffel bag ay inilalabas niya rin iyon agad.

"Ano ba?!" singhal ko. Mas lalo lang nadaragdagan ang inis ko. Bakit ba hindi na lang nila ako hayaan? Ano naman ngayon kung hindi ako makalabas ng buhay roon? Ano naman kung hindi ko kayanin? Ang mahalaga rito, lumaban ako. Ginawa ko ang lahat para sa pangarap namin ni daddy.

Imbes na ubusin ang oras sa pakikipagtalo ay mas binilisan ko na lang ang pagkilos. Kung ngayon ko na sisimulan ang paggalaw ay siguradong mamamanmanan ko ng matagal at malapitan ang lugar.

"Luna, please... listen. Hindi mo naiintindihan–"

"Ikaw ang hindi nakakaintindi! Kayo ang hindi nakakaintindi!" Tuluyan na atang napigtas ang kahibla kong pasensya — sa kaharap! Maging sa sitwasyon!

"Hinding hindi niyo ako maiintindihan kasi hindi naman kayo ang nawalan. It was may father! Pinatay ng The Odds ang tatay ko! Pinatay nila ng walang kalaban laban, ng walang ginawang kahit ano! Kaya bakit hindi niyo 'yun maintindihan? You need to help me! Hindi tayo pwedeng mag-antay na lang. Hindi pwede—"

"Luna..."

Ilang hakbang na lang makakalabas na ako ng pinto nang malamig na kamay ang pumalibot sa braso ko. Hindi ko siya maintindihan! Kung ayaw niya akong samahan, edi wag! Pero bakit pa niya ako pipigilan?!

"Yvonne, hayaan mo na ako. I'll make my father proud. Magiging masaya rin siya para sakin, his efforts will be paid off! I... I miss him and it hurts. A-Ang sakit kasi wala akong ibang magawa para sakanya," I nearly broke down pero sinikap kong ayusin at mas patalimin ang pagsasalita. "And now, you are expecting me to follow Sinag's order? Na mag-antay? Yvonne! Malapit na ako! Andito na ako so let me. In fact, hindi naman kita pinipilit na samahan ako."

"I... I can't let you. Mapapahamak ka! Mapapahamak ang buong ADU, pati iyong mga patrols na nagsisimula pa lang o hindi naman kaya mapapahamak ang buong University!"

"Kapag pumalpak lang ako," deretsahan kong sabi.

"No. Hindi ka aalis ng bahay na 'to." Sa sinabi ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso kaya nakipagbuno na ako.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para mapakawalan ang mga braso ko mula sa pagkakahawak niya, may mga pagkakataon ring hinihila ko na siya mismo pero walang panama iyon sa kabuuang lakas niya.

"Fine, ayaw mo?" deretso lang ang tingin niya. Ni hindi man lang nakatingin at hindi ko man lang ata nakukuha ang atensyon niya kahit ilang beses akong magpumilit na kumawala. Para lang siyang posteng nakatayo roon at ako naman ay ang mahigpit na nakatali sa poste.

Nanginginig man ang mga kamay dahil unti unti na akong binisita ng takot. Kinuha ko iyong defender 90 sa duffel bag na nakasuot lang sa kaliwang balikat ko, kinasa at itinutok sa leeg ng lalaki.

"Let me go," sabi ko sa malamig na boses.

Pero imbes na kumislot o kaya matakot, wala man lang naging epekto sakanya ang ginawa ko kaya ilang segundo rin kaming natahimik. Ganoon na lang ang gulat ko noong sa dating blankong mga mata ay biglang nag-unahan ang mga luha sa paglabas.

Doon pa lang, gusto ko nang umatras. Doon pa lang gusto ko nang ibaba ang baril ko at tanungin kung ayos lang ba siya o kung bakit siya umiiyak pero mas pinanindigan ko ang ginawa ko. Inayos ko lang ang pagkakahawak ko sa harik na dumudulas dahil sa pagpapawis ko na ngayong mga kamay.

"My sister, Ulrica, is a rape victim." Huli na para matakpan ko pa ang aking tainga. Hindi iyon ang gusto kong marinig. Hindi iyon ang dapat na malaman ko.

Agad akong sinalakay ng sakit. Ilang beses ko lang nakita at nakasama ang dalaga pero alam kong may mali. Kaya pala...

Kaya pala parang palagi itong takot at kung minsan naman ay pinipilit nitong maging makulit at masaya.

Napakabata niya pa.

"She was sixteen that time. Wala kaming kaalam alam. Kahit ako hindi siya naprotektahan. Kinuha siya ng The Odds, pinagpasapasahan at plinano rin for human trafficking. Mabuti na lang, noong kinuha siya ng isang lalaki... nakatakas siya. Tumakbo siya nang tumakbo. Ilang araw siyang nawala but now she's back... malaki rin ang nawala sa akin. S-She's there but I know I have already lost my sister." Tuloy tuloy lang ang agos ng mga luha niya habang nagsasalita, doon ko pa lang rin tuluyang naibaba ang pagkakatutok ng baril sakanya.

Hindi ko na nga namalayang bumagsak na ang duffel bag na nakasabit sa balikat ko. Nanatili lang akong nakatayo, dismayado. Hindi makapaniwala sa naririnig.

"Nagsumbong kami sa awtoridad, sinuyod namin ang buong kapulisan. We wanted justice pero alam mo kung anong binigay sa amin ng The Odds?" binalingan ako nito ng mga malulungkot na mga mata. Hindi na siya ngayon nakatingin sa kawalan. Matiim na ang titig nito sa akin. "Malamig na bangkay nila mommy at daddy..."

Bahagya akong napaatras sa gulat. Awtomatiko rin akong napahawak sa bibig. I... I didn't know.

"But of course," panimula nito saka pagak na tumawa. "Of course, you'll feel that it's all about you. Sasabihin mong hindi ka naiintindihan dahil namatayan ka ng magulang pero halos mamatayan rin ako ng kapatid at kahit alam kong nakaligtas siya mahirap nang maibalik sa dati ang kapatid ko kaya kung mayroon mang gustong ihalin ang mga 'yan sa impyerno... ako 'yun."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang nagsimula siyang tumalikod at dumeretso sa kusina. Nag-uunahan lang ang kung ano ano kong naiisip. He... lost everything. Pero bakit nag-aantay lang siya?

Doon biglang pumasok sa isip ko ang palaging sinasabi sa amin ni Sinag, "Luna, hindi porket gusto mo ang isang bagay ay makukuha mo na agad. There are times that we need to wait. Mag-aantay muna bago magpatuloy. Life isn't a race so is your mission. Kapag minadali, mas marami ang mapapahamak."

Mukhang kailangan ko ata mag-sorry. Hay.

Lost In My DaydreamWhere stories live. Discover now