"AKIN na kasi! Ibibigay mo lang naman andami mo pang drama!" hindi na ako nagulat sa nakita. Lahat naman siguro ng eskwelahan mayroong bully at binu-bully.
"E-Eh wala naman talaga—"
"Bobo! Ilabas mo! Sabi ni Arnold nasa sa'yo raw!" nang nagsimula nang yugyog yugyugin ng maskuladong lalaki ang mahinhing babaeng nasa harapan ay doon na ako umaksyon.
"Bossing." naniningkit ang mga mata nitong tumingin sa akin. Tumingin sa likuran ko at tumaas ang gilid ng labi noong napagtantong mag-isa lang din ako at tatlo lang kaming nandirito sa tagong lugar sa CBEM.
"At 'pag sinuswerte ka nga naman, dalawang magaganda pa ang kaharap ko." ani ng lalaki bago ngumiti. Awtomatikong napatiim ang bagang ko.
Kita mo tong walang hiyang lalaking ito? Kala mo gutom na leon kung makatitig.
"Miss, alis na." mataman kong sabi, hindi winawaglit ang titig sa bastos na lalaki sa harap.
"P-Pero—"
"Alis na sabi, eh!" agad ko siyang hinila papaalis sa pagkakahawak ng lalaki. Mabilis siyang tumakbo, namataan ko pa ang panginginig ng tuhod dahil sa hindi maayos na paglalakad.
Doon ay mabilis na umungkos ang kamao ng lalaki papunta sa akin na agad ko ring nasalo. Hindi na ako nagdalawang-isip, ginamit ko ang buong lakas para sumuntok sa lalaking agad ding tumumba sa lapag.
"Tapos na? Walang challenge," nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nangyari.
Nauna na kasi si Liam dahil kailangan siya sa groupwork kaya kahit ayokong maglakad ng mag-isa na parang baliw rito ay wala akong choice.
Sa kagustuhang maglibang ay dumerecho ako sa main campus, siguro ay matutulog na lang muna sa grandstand o hindi naman kaya magjojogging. Wala rin naman kasi akong gagawin pa sa HQ dahil sa puro meeting naman nila Boss Sinag ang ginagawa roon.
Wala rin naman si Sinta o Ligaya kaya wala rin akong makakausap.
Nang makarating ako roon ay sumakto ang pagkalam ng tyan kaya umupo na muna ako at bumili sa famous Gracianas. Bihira lang akong magpunta rito pero sulit naman.
"Aray–"
"Nako, Ate. Sorry po," tinitigan ko lang babaeng nakabunggo sa akin dahilan para matakot ang mga iyon. Tatlo silang magkakaibigan kaya tatlo rin ang mga babaeng natakot ko pa ata.
Bakit naman sila matatakot? Ganon ko na ba kamukha si Shomba?
"Ayos lang."
Madaling madali sila sa pag-alis, narinig ko pa ang bulungan nila. "Si Jae kasi hindi nag-iingat!"
"Teka, hindi ko naman sinasadya ah!"
Napailing na lang ako. Pretending not to hear those giggles and laughs — pretending not to be shaken by them — friends.
I wonder what it feels like to have friends.
Alam kong andyan naman si Lirik pero kasi hindi iyon normal na pagkakaibigan na gusto ko. Iyon bang sabay kayong kakain ng ice cream habang nagkukwetuhan tungkol sa pinaka nakakatawang nangyari sa buhay ninyo.
Sharing each other's thoughts about something, political views, opinions. Love advices.
Simula bata kasi ay hindi ko naranasan ang mga iyon dahil kapag weekends ay sa HQ na ako namamalagi.
Yup, my father is a member too.
Isa siya sa mga Alpha ng ADU, matagal na siya sa serbisyo. Limang taong gulang pa lang ata ako noong nagsimula na niya akong dalhin sa headquarters.
YOU ARE READING
Lost In My Daydream
ActionBook 3 of 6 End: September 26, 2020 Updated: July 4, 2024