"YVONNE John Funtelar, Agent Sol... Bicol University College of Law, twenty-three—""Luna."
"Bossing!"
Halos paliparin ko ang mga papel na nasa harapan sa sobrang gulat. Bwisit naman, oh! Ito na nga ba ang sinasabi ko, malakas na ang kutob kong mahuhuli ako itinuloy ko pa.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi pa bumabalik sa ayos ang mga mata ko. Nanlalaki pa rin ang mga iyon lalo pa at wala akong choice kundi ang magpaliwanag kay Boss.
"Ah, ano... kasi, n-naghahanap ako ng scratch! Oo, tama. Scratch paper, boss. May assignment lang sa school," sabi ko habang patuloy na nagkakamot sa ulo. Lumusot ka naman, please!
"Naghahanap ka ng scratch sa Agent Informations?" nakangisi niyang tanong kaya napalunok na lang ako.
"Teka, boss. Tinatawag ako—"
"Nino?"
"Ng kalikasan! Bye, goodnight!"
Nagdere-deretso ako sa banyo. Sa totoo lang, hindi naman talaga. Palusot ko lang para makaalis na. Hotseat!
Pagkaraan ng ilang minuto, minabuti ko namg bumalik sa kwarto. Palilipasin ko muna kay Bossing Sinag ang nangyari. Panigurado, tatlong araw lang limot na niya iyon.
Yvonne John... hulaan ko, mama neto Yvonne. Tatay niya, John.
Natatawa ako sa sarili nang binalingan ko ang tulog na tulog ng si Ligaya. We actually don't know each other. Ang alam ko lang, siya si Ligaya. Ganoon rin kay Sinta. Well, ganoon naman talaga siguro rito. Nagkataon lang na magkaklase kami ng kutong lupang Lirik kaya nagkakilala.
But I wonder kung ano talaga ang pangalan nila. Nakakatawa rin ba katulad ng kay Yvonne?
Nakatulog ako ng may ganoong iniisip. Mukhang napasarap din ang tulog kaya as usual, late na naman kinaumagahan.
Pagdating ko sa campus, nandoon na ang mayabang na si Lirik na ngumingisi ngisi pa dahil nalate ako.
Pwede niya naman akong gisingin, di ba?
Sa huli, wala akong ginawa kundi samaan siya ng tingin at maghanap ng upuang malayo rito. Kinunsumo ko lang ang oras sa pag-iisip, hindi tungkol sa lesson kundi sa Yvonne John na iyon.
Malaki ang duda kong siya ang espiya ng The Odds – hindi! Hindi lang iyon basta duda dahil sigurado ako. Siguradong sigurado ako.
Napangisi ako kaagad sa naisip pero napangiwi naman sa akin ang teacher kong saktong sakto pang tumingin sa akin.
"Oh, MJ. Mukhang may isasagot ka ata sa tanong ko, eh. Kitang kita ko pagkislap ng mata mo," sabi nito agad. "Sige na nga, tayo ka na."
Talaga nga naman, oh! Anong kislap sa mata? Ako ata ang kikislapan ng kung ano rito dahil maski tanong niya ay hindi ko alam.
"Ah... Ma'am, naiihi po kasi ako. Kaya ako kinikilig," nagmamadaling sabi ko at mas piniling mag-excuse na lang at hayaang magtawanan ang mga blockmates ko.