30

1.7K 41 23
                                    


"This one is good." 


Caeleb pointed the blue crib and It fits the nursery room for Faris.


"Mukhang mahal eh." Sagot ko sa kaniya.


"Magugustuhan naman ni Faris. Hayaan mo na 'kong bumawi sa kaniya." He smiled at me. 


After buying the crib and other baby stuffs for Faris, agad na rin naman kaming umuwi para ayusin at iassemble ang mga binili namin duon. 


"Magugustuhan 'to ni Faris paguwi niya." 


I smiled while looking around the small nursery room for our child. Binili na rin kasi ni Caeleb ang crib na nakita namin sa mall 'nong kailan at halos kakauwi lang namin dahil bumili nga kami ng crib pati na rin mga design ng room.


"We can visit the ICU na raw." Sabi ni Caeleb habang nakatingin sa phone niya.


"Let's go?" I looked at him.


Nagmamadali kong sabi kay Caeleb. After 2 days, ngayon na lang kami ulit makakabisita kay Faris dahil ngayon na nga lang daw pwede. Kinuha na agad ni Caeleb ang susi ng kotse niya at umalis na rin kami agad. 


Nang makarating kami sa hospital, sinalubong kami ng isa sa team ni Doc. Siya rin ang nagturo samin kung saang ICU room si Faris. Sumakay na rin naman agad kami elevator.


"K-Kamusta 'yong anak ko?" I asked the nurse. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Halong kaba at takot din.


"Mas mabuti pa pong si Doc na lang po ang magsabi sa inyo ng condition ni baby boy niyo po." The nurse nervously smiled.


I looked at Caeleb at agad din naman niya 'kong inakbayan. He also gave me a warm smile to calm me down. 


"Everything's fine.." He rubbed my shoulder. 


When we reached the floor where the ICU is, patuloy pa rin kaming sumunod duon sa nurse. When she opened the door, I really don't know what we should react. I don't want to panic or what because I'm sure that my angel is strong and brave.


"Miss, stay here for a while.." Agad ng sabi nong nurse.


"W-What's happening?" My eyes widened when I saw the nurse ran towards the hospital bed where Faris' lying on. 


I was about to ran also but Caeleb grab my shoulders to stop me. "C-Cae, 'yong anak ko." Pagpupumiglas ko sa hawak niya. 


"Hayaan mo sila, Manila. Wala naman tayong magagawa." Nakahawak pa rin siya sa magkabilang balikat ko. Malumanay niyang sabi pero alam ko ring kinakabahan siya sa nangyayari.


"Ano bang ginagawa nila?" Tumulo na ang luha ko at pumipiglas pa rin ako sa hawak ni Caeleb. "Cae, hayaan mo 'kong lumapit, Cae." Pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya. "Anong ginagawa nila?" I'm panicking now. 

I'm Coming Back, ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon