32

1.5K 40 9
                                    


"W-What?!"


Siningkitan ko siya ng mata pagkatapos kong marinig 'yon. Sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang panahon para magpakasal kami. I mean, hindi pa kami fully healed sa pagkawala ni Faris. Kaya siguro, naisip kong hindi pa ito ang tamang oras.


"No pressure, love. I can wait. Sinasabi ko lang..." He looked at me. "Para alam mong reserved ka na. Okay?" He pat my head. Ano 'ko aso? Argh.


"Anong reserved? Baliw amp!" I shook my head. 


When we arrived at his house, agad na rin naman kaming nagayos bago matulog. The next day, we woke up at  9 am. After lunch pa naman ang gawaan namin ngayon. Buong week kaming ganon, puro kami trabaho at wala nang ibang inatupag dahil patapos na rin ang 3rd floor ng bahay ni Caeleb. Sa sumunod na linggo, ganon pa rin.


Halos kapag gabi na lang kami nakakapagusap ni Caeleb dahil busy nga kami. Ganon ang ayos namin hanggang matapos ang 3rd floor and the polishing of the whole house.


"Hayy, tapos na rin." Sabi niya habang nagpapalit ng damit. 


"Ang bilis no?" Umiwas din ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ko rin ramdam na ang bilis." Sagot ko sa kaniya. 


"Gusto mo makaramdam ng bilis?" He fiercely looked at me. That's hot. Ang seductive. Naglalakad siya palapit sa'kin at kada hakbang niya, lumalayo rin ako.


"Tumigil ka! Isa!" I pointed his face. 


"Hmm," He sighed before pouted. "Edi wag. tsaka na." He winked. 


Humiga na rin kami right after that 'harutan', parehas din kasi kaming pagod. Ngayon, naisip ko lang wala na 'kong ibang pagkakaabalahan at tapos na rin kasi 'tong bahay ni Cae. Maaalala ko lang lagi 'yong anak ko pag wala akong pinagkaabalahang iba.


"I want to start a new job." I opened the topic. Caeleb looked at me. Ako, nakatingin pa rin sa kisame.


"What do you mean? Edi mawawalan ng Architect sila Andy?" Sagot niya sakin.


"Gusto ko ng ibang pagkakaabalahan. Naaalala ko sa trabaho ko si Faris. Lagi na lang." I sighed.


"Anong naisip mo?" He asked.


"I want to paint, siguro as a tribute for my son na lang din." Sagot ko sa kaniya. "I don't know where. But, I want to."


"Where?" He asked.


"I don't know. I'm thinking of going back to my parents.." I swallowed hard. 


"I-Iiwan mo 'ko?" He whispered.


"I want to heal fast, Cae."


"Hindi ba pwedeng... kasama ako?" He sighed. "A-Amanda, ikaw na lang pinanghahawakan ko.." Mahinhin niyang sabi. "Hindi ba natin kayang mag heal together?"

I'm Coming Back, ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon