24

1.4K 39 16
                                    


"Happy 3rd, love." 


I greeted her with all my heart. It's been 3 months since I said I love her and my feelings for her are real. Time goes by, onti-onti rin akong naniniwala sa pag-ibig and what love truly is. May mga tampuhan, the good thing is I have my understanding partner since day 1.


"May problema ba sa niluto ko?" I looked at her, she's vomitting. 

Sumagi rin sa isip ko na baka buntis siya, hindi ko lang sinabi sa kaniya. Handa naman akong buhayin siya, sila. Graduating na 'ko, pero maganda rin sana kung wala pa, para makapagtapos din siya ng pag-aaral niya. 



"Bakit hindi mo sinabi sakin?" I looked at her eyes. Hinahanap ko pa rin ang mga sagot sa mga mata niya, pero mukhang takot lang ang nakikita ko.


"Ang ano?" Tanong niya pabalik.


"Amanda naman," I sighed. "I saw the pregnancy test. Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Halos puro tuwa lang ang nasa puso ko. Hindi ko man nakita ang resulta, pero she's trying PT pa rin. May chance na may anak na 'ko.


"Natatakot ako," She looked down. I'm confused now. Takot dahil baka hindi ko panagutan? o hindi siya makapagtapos agad?


"Amanda," Umiwas ako ng tingin para humingang malalim. "Hindi ako ganong lalaki. Tatanggapin ko naman." I swallowed hard. Ang saya ko lang.


"I-I know. But, It's not just that." 


"Eh ano?" My heart started to crumble. I don't know what to do or to react. Gusto ko lang umiyak, pero bakit parang ang hina ko? "Sigurado naman akong akin 'yan diba? Kapag nag positive." I nervously smiled.


"Yun nga, Cae eh!" Sagot niya sakin. Upon hearing what she just said, para 'kong napako sa kinatatayuan ko. That hurts. "Ayon ang kinakatakot ko! Sana nga sayo talaga 'to!" She started crying.


"W-What do you mean?" My voice is shaking right now. I'm telling myself not to cry, but It really hurts. "D-Did you cheat on me?"  


"I didn't!" Galit pero mahinhin niyang sabi, sounds defensive. "I didn't, Cae. Believe me!" Hahawak sana siya sakin pero lumayo ako ng kaonti.


Ganito pala 'yong sakit na binigay ng ama ko sa nanay ko. This really hurts. It hurts as hell. I didn't imagine, how Mama survived this pain. Ang hirap huminga dahil ang sakit sakit.


"Tangina, Amanda. Alam mong mahal na mahal kita. Alam na alam mo ring ayaw ko ng niloloko ako dahil alam ko kung anong pinagdaanan ni Mama!" I lost my strength. Nanghina ang tuhod ko at bumagsak na lang ako sa sahig while covering my face with my hand. I can't stop my tears, ang sakit sakit. "Amanda, bakit?" Nagagalit ako. Gusto ko siyang gantihan pero hindi ko magawa at ayokong gawin dahil mahal ko siya. Hindi ko siya kayang saktan.


"Cae," Lumuhod din siya sa harapan ko at magkabilang hinawakan ang pala-pulsuhan ko. "I didn't cheat on you, Cae."

I'm Coming Back, ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon