38

1.5K 37 2
                                    


"How 'bout this? Diba pantay naman?" 


I asked Caeleb while I'm putting the star on the top of the Christmas tree. Sa sobrang pagkabusy namin, ngayon na lang namin natapos ayusin ang Christmas tree na 'to. Christmas is in 2 days, malapit na rin ang pag-alis ko ng bansa. Baka nga, hindi talaga lahat ng pasko, masaya.


"Move it a little bit to the right." Sabi ni Caeleb. Minsan nakakainis dahil sobrang perfectionist niya! But, fine! Okay, okay!


"Ayos na ba?" I asked again.


"Yes, come here." Sabi niya.


Agad din naman akong bumaba sa ladder at lumapit sa kaniya. "First Christmas together?" He chuckled. "To more Christmas with you, Manila." He kissed my temple. "Oh, bakit parang ayaw mo?" He asked.


"Wala, natutuwa lang ako. This is our first Christmas together." I sighed. "Sayang 'yong lumipas na halos tatlong taon.." 


"Sobrang sayang.." He looked at me. "Sana, mas nag sumikap akong pabalikin kayo sakin. Natakot kasi ako eh." He sighed. 


"Shh.. Everything is fine. Happy na rin si Faris para satin.." I smiled at him..


"Let's go to sleep na. Maaga pa tayo bukas for grocery." Tinapik ni Caeleb ang balikat ko, atsaka siya dumeretso sa taas at sumunod na lang din naman ako.


The next day, we woke up early and prepare ourselves for the grocery. We're just wearing a casual clothing dahil sa grocery lang naman ang punta namin today. Hindi ko alam kung paano ako bibili ng regalo ko para sa kaniya dahil lagi kaming magkasama. 


"Let's just buy kung ano nakasulat dito sa paper." Sabi ni Caeleb habang tinutulak ang push cart.


"I know. I'm the one who made that list no!" I rolled my eyes, nagmamayabang lang. 


"W-Wait! You're the one who'll cook for laters Noche Buena?" He asked, kind of confused.


Yes, because I wanted to have a dinner with you na pinaghirapan ko at ako talaga ang nagluto. Syempre, bago ako umalis diba?


"Hmm.." I nod. "Gulat ka ba? Wala ka na namang tiwala sa'kin when It comes to cooking talaga no? Nakakainis!" I sighed.


"I know Aling Luz will help you naman diba? I have nothing to worry about. Diba?" He chuckled, halatang nangaasar talaga.


"Oo," I rolled my eyes.


"Push this first, someone is calling me." Sabi ni Caeleb at ipinahawak sakin ang push cart.


Agad din naman akong pumunta sa mga sections kung ano ang kailangan ko, habang si Caeleb nakasunod sa likod ko at may kausap pa rin sa phone. Parang masyadong seryoso ang usapan nila. 

I'm Coming Back, ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon