ELLIANA POV
"Liana! Gumising ka na diyan at malapit ng kumain!" boses yon ni mommy, hayst narinig ko na alarm clock ko
Tamad akong gumising sa kama ko, at pumunta agad sa banyo para maghilamos at magsepilyo dahil ayaw ko namang layuan ako ng mga tao na kakausapin ko ngayon.
Pagkababa ko handa na ang almusal namin at nakaupo na din doon si mommy nicole ko, si daddy Eli at ang kapatid ko na si fritz.May isa pa akong kapatid si ate nicollete na nasa ibang bansa nagtra-trabaho. Sabay-sabay kaming kumakain ng almusal at mukhang maganda ang gising lahat.
Habang kumakain kami biglang nagsalita si Mommy "Fritz ipapasok ka nanamin ng daddy mo sa VIA this school year, maganda na dun ka magsimula sa highschool para mahasa agad ang pag-iisip mo"
Bigla akong napatigil sa pag nguya dahil sa narinig ko "What?! He is young para ipasok doon sa school na yon,besides kapag dun niyo siya pinag-aral hindi niya maeenjoy yung kabataan niya doon" Bigla kong sagot kay mommy
Vista Intellegentia Academy o VIA ay isang tagong paaralan para lamang sa mga matatalino at mayayamang estudyante.Napakahirap naman kasi ng entrance exam don at kailangan mo rin ng malaking pera don. Kilala ang paaralan na ito ng mga kilala at mayayamang tao dahil sa husay ng mga guro dito.
Bihira lang din kasi makapasok ang mga estudyante dito dahil kailangan mo ng napakalaking pera dito, nung nakaraan araw narinig ko sila mommy at daddy na 1 million per grading don at di pa kasama ang dorms na titirahan mo.
Kaya talagang mga mayayaman lang ang nakakapasok dooon at syempre kailangan mo din ng talino dahil sa hirap ng entrance exam. Sa oras na pumasok ka daw doon hindi kana daw pwedeng lumabas hanggat hindi natatapos ang buong school year, kaya may mga dorms doon.
Nalaman ko lang ang school na yon sa ate ko na nasa ibang bansa na. Nakapagtapos kasi siya doon, kaya ngayon pinag-aagawan siya ng mga companies dahil sa galing niya sa trabaho niya. She is one of the famous chef in the world.
"Mommy I agree with ate, ayoko doon that's school look so boring besides I can enroll in every school you want wag lang don sa boring na school na yon" dugtong saakin ni fritz.
Umiling-iling si mommy saamin kaya mukhang imposible yung gusto ni fritz. Kung meron lang akong magagawa para matulungan siya, then im willing to do it.
"Ok, your mom and I will talk about it." Sabi ni dad na umiiling din.
Nung natapos na kaming kumain, naligo na ako dahil nagpromise ako kay fritz na pupunta kami sa mall ngayon dahil gusto ko siyang ipasyal, dahil two months na lang and the school year will start.
Im just wearing a basic white vneck shirt and a denim black shorts paired with my white converse shoes, I don't know how to put a make up kaya nagsuklay na lang ako at pinatuyo ang buhok ko.
Nag pababa na ako ng hagdan nakita ko na yung kapatid kong mukhang nakaidlip na sa sofa kakahintay saakin
"Hey fritz" dahan dahan ko siyang inuga para gumising siya. Kaya bigla namang bumukas ang mata niya at kinusot-kusot pa ito.
Well masasabi kong talagang proud ako sa mukha ng kapatid ko
Mamula-mula ang kanyang kutis na nagmana kay mommy, ang buhok niyang inaayos dahil sa pagkahiga niya at maliit niyang mata na nagmana kay daddy samantala ang kanyang maliit na ilong at labi ay kay mommy naman nagmana.
Hayst kawawa namin si daddy mata lang ang nagmana sakanya. Well idagdag mo na din ang charisma niya para naman hindi magtampo si daddy.
Nagpaalam lang muna ako kila mommy at daddy na ipapasyal ko muna si fritz, pumayag naman sila kaya nagpahatid na kami kay manong rogel sa malapit na mall saamin.
Si manong rogel ay matagal na naming driver, pamilya na rin ang turing namin sakanya well kahit naman pati sila manang delia, ate mila, at ate eloi ay pamilya na rin ang turing namin.
Tatlo lang talaga ang kasambahay namin dahil ayaw ni mommy ng marami masyadong kasambahay besides sila lang din naman akong mga nagtagal saamin.
Namalayan ko na lang nasa entrance na kami ng mall, bakit kaya di ko naramdaman na naglakad ako?
Naghanap muna kami ng movie na pwedeng panoorin, well action yung trip niya ngayon kaya mukhang yon ang papanoorin namin mamaya.
Pagkatapos namin maglaro may 2 oras pa kami para maglakad-lakad kaya pumunta kami sa arcade para maglaro.
Pero bago kami pumasok don, pinigilan ako ni fritz
" Ate can i have a favor?" pagpigil saakin ni fritz sa paglalakad.
Mukhang kinakabahan ako sa favor-favor na yan ha.
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please excuse some typographical and grammatical errors that you may encountered, thanks. -UnexpectedEscritora
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
General FictionSi Elliana ay isang babae na naniniwala na "Always have a plan, and believe in it, because nothing happens by accident" Ni hindi niya manlang alam ang ibig sabihin ng "Coincidence" dahil ang alam niya ay lahat ng nangyayari ay naka takda. Nasira an...