"Hindi ko napansin na nandon kayo dahil bihira lang naman ako lumabas" sabi ko na kay halimaw ang tingin ko
"Bihira? but i saw you yesterday on the coffee shop having a date" matabang na sabi niya
"So what? Why do you care?" feeling ko inuubos ko lang ang lakas ko sakanya
Umiwas lang siya ng tingin saakin, what the hell is wrong with him
Para akong nauupos na kandila ngayon nanghihina ako
"Guys awat na oks na yan, atleast di ba magkakasundo na tayo dahil magkatapat lang ang dorm natin" ngiting tingin saakin ni jared
"You wish!" feeling ko anytime babagsak na ang tuhod ko kaya napahawak ako kay lawrence
"Are you ok?" nag-aalalang tanong niya saakin kaya tumango na lang ako at bumitaw din sakanya
"Bhes let's go, baka malate na tayo" nanghihinang bulong ko sakanya
"Uhm liana if you don't mind sasabay na din kami sainyo" nahihiyang sabi saakin ni jared
Tumango na lang ako dahil gusto ko ng umupo talaga, napatingin ako kay halimaw na masama ang tingin saakin
Kung di lang talaga masama ang pakiramdam ko baka kanina pa kita tinadyakan diyan dahil sa inaasta mo
Inirapan ko lang siya at sumabay na ako kay lawrence na inaalalayan ako
Si raine naman ay kausap si jared sa likod namin, habang ang halimaw naman ay nasa likod nila raine
"Liana are you really okay? Parang may lagnat ka eh"
"Im okay,may sinat lang ako" bahagya akong lumayo sakanya baka mahalata niya ang init ng balat ko
Habang naglalakad kami sa hallway naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante saamin
"Bakit nila kasama sila jared?"
"Myghad new student palang marunong nang mamingwit"
"Who are they? bakit nila kasama sila lawrence?"
Iilan lang yan sa mga naririnig ko, yung iba naman sinasamaan ko ng tingin
Artista ba to ha? Artista ba to? tadyakan ko kayong lahat diyan eh
"Tignan mo sis ang sama ng tigin niya saatin"
"Oo nga akala mo naman may ibubuga"
Sinamaan ko lalo sila ng tingin, bugahan ko kayo diyan eh
"Tara isumbong natin sa TMI girls"
"Tsk ang baho ng pangalan ng grupo" inis na bulong ko
"Wag mo na lang silang pansinin, hindi kasi nila ako malapitan katulad ng ginagawa mo" mahinang tawa niya
"Hindi naman ako ganong malapit sayo eh, anong kinagagalit nila tsk!"
Natawa naman saakin si lawrence
Biglang may sumingit sa gitna namin ni lawrence
Bwiset na halimaw yon kalaki-laki ng daan sa gitna pa talaga siya namin dadaan
Dumiretso siya don sa pinakalikod sa gilid ng bintana
Tumawa na lang si lawrence sa ginawa ni halimaw
Nang makapasok na kami sa room napansin ko na air-condition din pala ito
Hindi pa ba sapat sakanila ang lamig sa labas at talagang naka aircon pa hanggang dito?
Dalawang upuan ang magkatabi kada column
Umupo kami ni raine sa pinaka likod, sa gilid nila halimaw
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
General FictionSi Elliana ay isang babae na naniniwala na "Always have a plan, and believe in it, because nothing happens by accident" Ni hindi niya manlang alam ang ibig sabihin ng "Coincidence" dahil ang alam niya ay lahat ng nangyayari ay naka takda. Nasira an...