CHAPTER 17

3 0 0
                                    

Natapos ang klase namin ng hindi na siya bumalik, hindi ko na din siya nakita sa sumunod na mga subject

Tsk may topak talaga ang isang yon

Ang dalawang huling subject namin ay hindi na natuloy dahil may meeting daw ang teachers namin don kaya maaga kaming nakauwi

Sabay na kaming naglakad nila lawrence,jared,raine at ako sa field sakto naman at kaunti na lang din ang tao dahil padilim na

"Ah liana bakit pala nagwalk-out kanina si aziel" tanong ni lawrence saakin

Napatigil naman ng lakad silang tatlo habang hinihintay ang sagot ko

"Ewan ko don tinanong ko lang naman kung bakit namumula yung tenga niya eh" naka pout na sabi ko sakanila

totoo naman eh, tinanong ko lang naman siya kaya nagulat din ako na bigla siyang umalis

Narinig ko na lang na humagalpak na ng tawa si jared habang sila lawrence at raine naman ay mahinang tumawa saakin

"Bakit ba kayo tumatawa ha?! may mali ba sa tanong ko ang arte niya!" nakasimangot na saad ko

Buti na lang talaga at bihira na lang ang dumadaan dito sa field kung hindi ay baka nasugod na kami ng fans nitong mga to

"Wala namang mali sa tinanong mo liana, kaso bakit mo pa kasi tinanong yon? HAHAHAHA" tawang tawa pa ring saad ni jared

"Ano naman kung tinanong siya ng ganon?" masungit na tanong ko kay jared iling lang ang sinagot niya saakin

"Yung burger kanina bhes bakit pala hindi mo inubos?" pag-iibang usapan ni raine saakin

"Eh pano galing pala yun kay halimaw eh, baka mamaya singilin pa ako" iwas na tingin ko sakanila

"Yon sisingilin ka? posible ba yon? hahaha" singit ni jared saamin

"tsk" nauna na akong naglakad sakanila dahil ayoko nang magtanong pa sila saakin

Pag-akyat ko sa sa dorm namin dumiretso agad ako sa kama

Bakit niya nga ba ako bibigyan ng pagkain sa locker?

Sinabi niya na pala na randomly niyang inilagay yon tsk

Eh bakit naman naman niya kailangan magwalk-out kanina dahil lang sa pamumula ng tenga niya?

tsk ano bang pakialam ko

Naligo na muna ako dahil gusto kong magbasa ng libro para mag-advace reading dahil mukhang mahihirap ang mga lessons nila dito

Pagkatapos ko maligo nakita ko si raine na nakaupo na sa sofa sa sala

"Iniwan mo naman ako don kanina bhes" nakangusong saad niya

"Sumakit lang ang tiyan ko dahil sa kakatanong niyo kanina kaya nauna na ako" pagsisinungaling ko

Di rin nagtagal kumain na din kami ng hapunan ni raine at nag usap-usap sa mga lessons na tinuro ngayong araw

Pumunta na rin kami ng kanya-kanya naming kwarto pagkatapos naming mag kwentuhan

Nagbasa lang ako ng para sa mga subject namin bukas at natulog na din ako

Kinabukasan nakita ko si raine na naka-ligo na kaya nag-ayos na din ako

Sabay na kaming nag-almusal ni raine ng niluto niyang sinangag

"Bhes meron ka na bang club?" tanong niya saakin habang kumakain kami

"Oo ngayon ko makukuha kung pasok ba ako kaya kailangan ko pang dumiretso don"

"That's great dahil sa linggo na imi-meet na natin ang mga club members and club moderators" tumango naman ako sakanya

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon