CHAPTER 21

0 0 0
                                    

Hindi ko na namalayan na nakalapit na ang dalawa saamin

Jared is wearing a black collared shirt samantalang ang halimaw naman na to ay naka white t-shirt lang pero ang lakas ng dating. Parehas naman silang naka-jeans magkaiba nga lang ng kulay

Nabalik ako sa sarili ko ng magsalita si jared

"Kanina pa ba kayo nandito?"

"Hindi kakarating lang namin" si raine ang sumagot sakanya

Nakatingin lang ako sa malayo dahil ayaw kong magtama ang mata namin ng halimaw na yon dahil para akong hinihigop

"Let's go may ni-reserve na akong upuan don" ani ni jared kaya sumunod na kami sakanya

Naglalakad kami sa park na to na tanging mga poste lang ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan namin

Hindi ko pa rin tinitignan yung halimaw sa likod namin nasa nilalakaran lang namin ang tingin ko

"Hoy bhes baka naman matunaw na yang lupa at titig na titig ka, ganon ka ba talaga katakot madapa?" Sinamaan ko ng tingin si raine sa tanong niya na ikinatawa niya

Napatingin tuloy saamin si jared habang si halimaw ay nasa likuran pa rin namin ni raine

"The both of you look so gorgeous halatang sanay kayo sa mga party hahaha" tumatawang saad ni jared saamin

"Hindi nga namin alam na may club dito kaya di kami prepared" mahinhin na sagot naman sakanya ni raine na ikinairap ko

Kung makapag-usap siya saakin ay parang sundalo yung boses niya pero kapag si jared ang kausap niya ay parang dumadapang sundalo ang boses niya tsk

Hindi ko na lang namalayan na wala na pala si raine sa tabi ko nakita ko na lang na katabi niya na si jared at nag uusap na yung dalawa

Walangyang babae yon wala pa kami sa club iniiwan na ako

Lalapit na sana ako kila jared at raine ng may humawak sa braso ko

Nakatingin siya saakin na para bang may atraso ko sakanya

"Are you avoiding me?" Nakakunot na noo na tanong niya saakin

Bakit ganon akala ko ilaw ng poste ang nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan ko pero parang ang mukha niya pala ang liwanag na yon

Nasisilaw akong tumingin sa mukha niya juskoo mas fresh pa ang isang to kaysa saakin

"Bakit kita iiwasan? Tsaka ano ba close ba tayo may pahawak-hawak ka pa ng braso ko diyan bitaw nga!"

Hindi ko na hinintay na bitawan niya ang braso ko dahil ako na mismo ang nagtanggal non sa kamay niya pero mas lalo niya itong hinigpitan

Namalayan ko na lang na naka-dikit na ako sa katawan niya dahil sa pagtulak niya saakin

Ang bango niya huhu

Pero nanlaki ang mata ko sa ginawa niya
Hinayupak to! Pag ako natalisod sa kaabnuan niya babatukan ko to!

"There, close na tayo is that mean ba na that i can already hold you arms na" mapang-asar na saad niya

"Hoy! Anong ginagawa niyo jan bhes?! Wala pa tayo sa club pero naglalampungan na kayo?!" Malakas na saad ni raine
Kaya natulak ko si halimaw kaya nawalan siya ng balanse ngunit nakatayo pa rin

"H-hoy! Anong l-lampungan ha! H-hinatak ako ng halimaw na to noh!" Sigaw ko din sakanya at sinamaang ko siya ng tingin habang lumalapit sakanya

Lumapit din ang kaibigan ni halimaw na si jared sakanya at sabay silang tumawa

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon