CHAPTER 5

4 0 0
                                    

"Ano pa nga ba magagawa ko eh nagpromise tayo sa isa't isa na sa iisang school tayo papasok sa sr high" sagot niya sa tanong ko

"Yesss! thanks bhes" Sabay yakap ko sakanya

"Sa monday ieenroll na ako ni mommy sa VIA, mas better if you tell tita na sabay na sila ni mommy magpaenroll" dugtong ko pa

"Sige sasabihin ko agad kay mommy para naman din makapag usap sila na sa iisang dorm na lang tayo" sabi naman niya

"Kung gusto mo din sa monday mamili na tayo ng mga kailangan natin sa dorm, meron na lang tayong less than a month bago magsimula ang pasukan"

"Yeah that's a good idea" sagot naman niya saakin

If im not mistaken five hunfred thousand ang kada 2 months sa dorm na yon, at dalawang tao na ang pwedeng tumira don yun kasi ang narinig ko kila daddy nung nag uusap sila nung nakaraan

Pagkatapos ng konting chikahan namin ni raine nagyaya na rin siyang umuwi para daw masabi niya daw kay tita na gusto niyang mag aral sa VIA

Supportado naman sa lahat ng gusto ang mommy at daddy niya dahil iisang anak lang siya kaya lahat ng gusto niya nasusunod, pero hindi naman siya spoiled brat sa totoo nga lang bihira lang yan mamili ng mga luxury items dahil aniya bat niya daw bibilhin kung di niya naman daw kailangan

Nagpahatid na din ako kay manong rogel sa bahay, nagtaka ako kung bakit may kotseng di pamilyar saakin sa labas ng bahay, Tatanungin ko sana si manong rogel kung kaninong kotse yon kaso pinasok niya na sa garahe yung kotse na ginamit namin

Kaya naiwan na lang ako dito sa tapat ng gate na nagtataka

Pagpasok ko biglang sumakit ang tenga ko dahil may biglang sumigaw

"Sissyyyy!!"

"Ate?!"

Paanong nandito to? dapat eh sa susunod na buwan pa ang uwi niya, itatanong ko sana siya kaso bigla niya na akong dinamba ng yakap

"ahh a-ate parang hindi a-ako makahinga" hirap na bigkas ko

"ay sorry hahaha namiss lang kita sissy eto naman!" sagot niya saakin

"Can you please cut the sissy thing?! masyadong cheesy" inis na sabi ko sakanya

"Why you are like that? I just really missed you!" parang naiiyak na sabi niya saakin, sabay punta niya sa kwarto niya

Napabuntong-hininga na lang ako, wala pa ring pagbabago maarte pa rin

"Liana intindihin mo na lang ang ate mo, she just really missed you a lot kanina ikaw ang una niyang hinanap when she entered the house" paliwanag saakin ni mommy

"Naiintindihan ko naman po siya nabigla lang po siguro ako nung dinamba niya ako ng yakap" sagot ko kay mommy

Mahinang tumawa si mommy "You know what liana, I already told to your ate ellise that me and your daddy already enrolled you in VIA" sabi saakin ni mommy

Kaya pala ganon ang reaction niya, ayaw kasi ni ate na kaming dalawa ni fritz ay hahayaan niyang mag aral don sa school na yon

"Ok mommy i'll just go to her room and magsosorry na lang din po ako" pagpapaalam ko kay mommy

"Sige tatawagin ko na lang kayong dalawa kapag nakauwi na ang daddy niyo" pagsabi saakin ni mommy

Meron pa rin kasing nakalaan na room si ate dito sa bahay kasi kapag umuuwi siya dito sa pilipinas at nagpapahinga ng one month ,at umuuwi naman siya every six months kaya nagtaka ako dahil wala pang six months eh umuwi na siya

Tumungo na lang ako at dumiretso sa kwarto ni ate ellise. Nakita kong nakasarado yung pintuan niya at may naririnig akong paghikbi niya, so i decided to knock on her door

"Bukas yan" sagot niya

Unti-Unti kong binuksan ang pinto at nakita ko na nakatalikod siya sa pintuan at nakatalukbong sakanya yung kumot niya

"Ate? Ate?" yinuyugyog ko na din siya

"Ate im sorry" sabi ko na nagpalingon sakanya

Umupo siya ngayon sa harapan ko habang mugto pa rin yong mga mata niya

"Di ba sabi ko ayaw ko na mag aaral kayo sa school na yon? bakit bigla ko na lang nabalitaan na enrolled ka na pala don? kung di pa saakin sinabi ni mommy di ko pa malalaman" tanong niya saakin

Kaya pala biglaan ang pag uwi niya dito sa pilipinas atska sasabihin ko naman sana sakaya naunahan lang ako ni mommy ehh

"Ate sinabi sayo ni mommy na enrolled na ako don pero di niya manlang sinabi yung dahilan?" sagot ko sakanya

"What do you mean lian?" bigla siyang umayos ng upo na at takang tumingin saakin

Bumuntong hininga muna ako at umayos din ng upo

"Ate ang totoo niyan si fritz talaga ang gusto nila mommy at daddy ienroll sa VIA kaso humingi saakin ng favor si fritz na kung pwede daw muna ang mag enroll sa VIA imbes na siya dahil nga mukha daw boring ang school na yon" pagpapaunang paliwanag ko sakanya

"That little boy tsk" iling iling na singit ni ate sa pagpapaliwanag ko

"Kaya wala akong nagawa kundi pumayag sa favor niya besides tapos na rin naman ang magenjoy sa highschool life ko at gusto kong maranasan yon ni fritz dahil alam ko mahirap mag aral don at maaga siyang mahihiwalay kila mommy at daddy. Kaya kahit ayaw ko pumayag ako para kay fritz" dugtong kosa pagpapaliwanag ko

Bigla na lang akong niyakap ni ate ellise pero sa pagkakataon na yon hindi na mahigpit ang yakap niya kundi mararamdaman mo ang pagmamahal sa yakap niya

"You are really strong liana, I know that you don't want to go to that school but because of fritz pumayag ka at i admire you for doing that decision" pagkasabi saakin ni ate ellise non mas lalong humighpit naman ang yakap ko sakanya

Ayaw na ayaw ko talaga sa school na yon dahil una dahil sa mga kinwekwento saamin ni ate ellise sa school na yon pangalawa mababawasan ang pag eenjoy ko ngayong darating na pasukan at ang pinakakinalulungkot ay mahihiwalay ako kila mommy at daddy ng ten months at ganon katagal

Kaya talagang di ako pumayag na si fritz ang ienroll don eh imagine two months lang kaming pwedeng magbakasyon how stupid is that?

Pagkatapos ng pag uusap namin ni ate ellise bumaba na din kami dahil nga diyan na si daddy nagtaka pa si daddy kung bakit daw namumugto ang mata ni ate elllise tawa lang ang sagot namin sakanya nagkamustahan din sila ng kaunti

Maya maya naman binigyan kami ni ate ng tig isa-isang balikbayan box kasama ang mga kasambahay at si manong rogel

Pagkatapos non sabay sabay na kaming kumain ng dinner, wala talagang tatalo sa saya kapag sabay sabay kayong kakain ng pamilya mo

Bigla tuloy akong nalungkot dahil sigurado isa to sa mamimiss ko kapag nandon na ako sa VIA

Pagkatapos namin kumain umakyat na kami sa kanya kanya naming kwarto, naligo muna ako bago ko binuksan ang balikbayan box na binigay saakin ni ate

Halos ang laman nito ay mga damit at mga tsokolate, bukas ko na lang aayusin yon dahil masyado akong napagod sa araw na to

Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil kailangan kong mag ipon ng lakas para sa darating na pasukan

Huwag kalimutang mag VOTE,COMMENT AND SHARE my story! SEEYAA IN MY NEXT UPDATE!

NAGMAMAHAL UnexpectedEscritora




Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon