CHAPTER 16

2 0 0
                                    

Dala-dala ko ang paper bag na may laman pa ring pagkain doon, iniisip ko na ba si raine ang naglagay doon don kaso ni kahit kailan hindi niya pa ginagawa saakin yon kaya parang imposible

Pumasok na ako sa room at agad na hinanap si raine

Nakita ko siyang nakaupo na sa kanyang upuan habang katawanan sila jared at lawrence kaya lumapit agad ako sakanya

"Raine ikaw ba ang naglagay nito sa locker?" tanong ko sakanya

"Ha? ano ba yan?" tinignan niya ang laman nito at nakita ang isang burger at isang drinks na nakalagay doon

"Hindi ako naglagay niyan teka sino at bakit naman may magbibigay sayo niyan? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh kaya nagulat ako na may nakalagay sa locker ko dahil hindi ko naman nailock" nagtatakang saad ko pa

Napatingin naman ako kay lawrence "Baka naman may secret admirer ka na liana hahaha" mahinang tawa niya

Umiling naman ako sakanya tsaka sinimangutan

Nakita kong umiwas ng tingin si jared

Weirdo talaga ang magkaibigan na yon tsk

Kung nandito na si jared ibig sabihin nandito na din yung halimaw na yon, paglingon ko kay halimaw ay nakayuko siya sa desk na parang pagod na pagod

"Wag mo ng isipin yon liana malay mo may namali lang ng lagay sa locker mo" hindi pa ring makatingin si jared saakin

Tumango na lang ako sakanya dahil may punto naman siya

"Kainin mo na lang yan dahil mukhang gutom ka na din oh, mamaya bumalik nanaman ang lagnat mo sige ka" panakot saakin ni raine kaya natawa na lang yung dalawa

Bumalik na lang ako sa upuan ko, magkalayo pa rin distansiya ng upuan namin ni halimaw sa isa't isa

Nakayuko siya ngayon at may earphones siya sa tenga niya, kahit medyo malayo kami ay amoy na amoy ko ang pabango niya

Bihira lang ako magkagusto sa amoy ng pabango ng lalaki dahil ang iba ay sobrang tapang ng amoy

Pero yung sakanya ay tama lang yung amoy yung tipong gusto mong singhutin hanggang sa maubos ang amoy sa damit nito

Napailing ako sa naiisip ko, tsk gutom lang talaga siguro to

Wala pa naman ang teacher namin at may less than ten minutes pa naman ako kaya kumagat muna ako sa burger dahil na rin sa gutom ko

"Hmm, ang galing naman pumili ng bumili nito, buti na lang talaga at may nagkamaling naglagay sa locker ko" parang tanga kong bulong sa sarili ko

"Do you like it huh? Our chef send that earlier for you and that's not a mistake"

"Chef? ahh kaya pa-" naputol ang pagkain ko ng nakita ko kung sino ang kausap ko

"Wait-t ibig bang sabihin i-ikaw ang nagbigay n-nito?" nauutal na tanong ko kay halimaw

"Yep, nagpagawa ako ng burger kay chef kay-"

"Chef?! bakit?!" mahinang sigaw ko dahil ayaw ko namang pagtinginan kami ng mga fan girls niya

"Anong bakit? hahaha?" mahinang tawa niya at umayos na ng upo

"Bakit ka naglagay nito sa locker ko?" nagtataka pa ring tanong ko sakanya

"Nagpadala kasi ang ng pagkain kanina eh sobra ang binigay saakin kaya i randomly open a locker then put that burger inside" nasa harapan ang tingin niya na para bang wala siyang pake sa sinasabi niya

Randomly? eh ang sabi niya saakin kanina that's not a mistake eh

"Where's my thank you?" makangising saad niya

"Thank you your face! hindi ko naman alam na galing sayo to eh atska kung gusto mo babayaran na lang kita" nakapout na sinabi ko para naman maawa siya at hindi niya na ako pagbayarin mukha pa namang mahal to huhu

"Tsk you don't need to do that" umiwas siya ng tingin at napansin kong namula ang tenga niya nilagay niya na lang ulit ang earphones niya at hindi na lumingon saakin

Hindi ko na kinagatan ulit ang burger at itinabi na lang ito dahil dumating na din ang teacher namin na si miss tiangco

Siya pala ang dahilan kung bakit kami nalipat ng upuan tsk

Hindi siya katangkaran na babae morena din siya pero ang kulay niyang yon ang nagdala ng kagandahan niya, kung titignan mo siya ay mukhang kaunting taon lang ang agwat niya saamin

Mukha siyang masungit dahil sa salamin niyang suot

"Goodmorning class"

"Goodmorning miss tiangco"

Nag-discuss lang siya ng kaunti dahil may ibibigay daw siyang seatwork saamin

Maya-maya ay natapos na din ang kanyang discussion tungkol sakanyang lesson

"Class you need to share the paper i will give to you cause the papers are not enough to your class, is that clear?" masungit na tanong niya

"Yes miss" natutuwang sabi nila dahil alam ko naman na magkokopyahan lang naman sila tsk

Imposibleng magkulang ang mga papers na ipapamigay niya dahil alam niya naman kung ilan kami sa classroom tsk muhang lugi kami sa tuition fee namin dito ah

Eto na ba talaga ang ayaw ko eh kapag may mga gantong activities ay wala akong choice kundi itong halimaw na to ang magiging partner ko palagi hayst

"Ayaw mo ba ako maka-share? kung gusto mo ay ako mismo ang mag papa-xerox kung ayaw mo ko kashare" saad nitong katabi ko

tsk gusto niya bang pagalitan ako ni miss tiangco? baka mamaya sabihan pa ko ni miss tiangco na maarte dahil ako lang ang nagreklamo sa sinabi niya

"Wag na" iwas na tingin ko

Kami ang huling bingyan ni miss ng papers dahil kami ang nasa hulihan

"Mr. alcaraz do you want another paper?" umiling naman si halimaw na ikina-irap ko

tsk may special treatment pala ang teacher na to

"i'll just give you thirty minutes to finish that seatwork"

Wala na siyang ginawa kundi ilapit ang upuan niya saakin dahil nga magka-share kami ng papers

Para nanamang may kabayo na nagkakarera sa puso ko, kailangan ko na talaga magpacheck-up sa nurse dito

"Do you want to answer first?" wahhh ang lapit ng mukha naminnn

Lumayo ako ng kaunti dahil parang di ako ako makahinga, napansin ko nanaman na namumula ang tenga niya

"Bakit ba namumula ang tenga mo?" wala sa sariling tanong ko sakanya

"tsk" mas lalo tuloy namula ang mukha niya kaya tumayo siya atsaka nagwalk-out bigla ng hindi nagpapaalam kay miss

Hindi na lang ito pinansin ni miss ganon din ang iba pero sila jared,lawrence at raine ay nakatingin saakin kaya naman sinamaan ko sila ng tingin

Tinanong ko lang naman kung bakit namumula ang tenga niya ehh

Huwag kalimutang mag VOTE,COMMENT AND SHARE my story! SEEYAA IN MY NEXT UPDATE!

NAGMAMAHAL UnexpectedEscritora

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon