"Anong we know each other ka diyan?! Di nga kita kilala eh!" Sigaw ko sa halimaw na yon
Napatingin tuloy saamin yung nasa cashier kaya kumalma ako ng kaunti kahit gusto ko ng tadyakan siya sa ilalim ng upuan
"bhes relax ka lang" bulog saakin ni raine
"Di mo ko kilala eh pinakilala na nga ako ni jared at pinakilala ka din saakin ni althea kaya kilala natin ang isa't isa" natatawang sambit niya
"Oo nga naman elliana" umiwas na lang ako ng tingin don sa jared
"Liana na lang ang itawag niyo sakanya masyado kasing mahaba kung elliana pa"
Pagkatapos sabihin yon ni raine ay sabay-sabay na kaming kumain kahit labag sa loob ko na kaharap ko tong halimaw na to
Ako lang ang tumatawag sakanya ng raine kaya hindi niya sinabi sa dalawa na yon din ang itawag sakanya dahil sabi niya saakin dahil bestfriend niya ako, ako lang daw ang pwedeng magtawag sakanya nito
Nag-uusap sila raine at jared, minsan kung may itanong si jared ay tipid akong sumagot masyado kasi siyang madaldal
Hindi ko nga inaakala na natagalan yan ni raine dahil hindi naman siya gaanong friendly dahil mahiyain siya saakin lang natuto magkulit ng kaunti yan
Nalaman ko na simula highschool palang pala eh nandito na nag-aaral sila ng kaibigan niyang halimaw
Kaya siguro ganyan ang ugali niyan dahil minsan lang makalabas sa outside world tsk
Pagkatapos naming kumain niyaya ko kaagad si raine na umuwi na sabi ko eh napagod ako sa orientation
Hindi ko nga alam kung kapani-paniwala yon eh
Habang naglalakad kami papunta sa dorm hindi ko iniimik si raine dahil naiinis ako na pumayag siyang isabay yong madaldal na yon at ang halimaw na yon
Nang makapasok kami sa dorm umupo agad ako sa sofa ng maramdaman ko na kinalabit ako ni raine
"Uy bhes galit ka ba saakin?" naka pout na tanong niya
"Hindi naman ako galit bhes bakit mo kasi pinayagan na makisabay yon saatin siniko na nga kita para sabihing wag kang pumayag"
"Eh kasi kanina siya yung tumulong saakin para makahanap ng upuan dahil halos lahat ng upuan eh may nakaupo na"
"Bakit ba bhes parang galit na galit ka don lalo na sa kasama ni jared?" takang tanong niya pa saakin
"Pano ba naman siya yung kumuha ng upuan mo na dapat katabi ko!" napasigaw na saad ko
"Ha? akala ko ba mukhang halimaw yon? bakit parang baliktad naman yung sinabi mo?" takang tanong niya
"Seriously? Mas nag concern ka pa sa mukha niya kaysa sa inagaw niya yung upuan mo na imbes katabi kita kanina eh siya ang naging katabi ko atska isa pa halimaw siya sa paningin ko kahit anong mukha niya pa"
"Hindi naman sa concern ako pero natatawa lang ako sa reaction mo" mahinang tawa niya pa
"Okay fine bati na tayo basta sa susunod please wag mo na siyang isabay sa pagkain natin dahil nakakawalang gana" irap pa na saad ko sakanya
"No problem bhes"
Pagkatapos ng araw na yon eh balik nanaman kami sa normal linis ng dorm dahil may mga parte pa dito na hindi pa masyadong ayos at nalilinis
Sa lunes na pala ang umpisa ng pasukan namin kaya kailangan nanamin kunin ang libro namin sa library
"Bhes kunin na natin yung libro natin sa library" sabi ko kay raine na tulog pa hanggang ngayon, maaga kasi ako nagising ngayon at nakabihis na din
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
General FictionSi Elliana ay isang babae na naniniwala na "Always have a plan, and believe in it, because nothing happens by accident" Ni hindi niya manlang alam ang ibig sabihin ng "Coincidence" dahil ang alam niya ay lahat ng nangyayari ay naka takda. Nasira an...