Pagbukas ko ng mata ko nakita kong wala ako sa dorm namin at nasa clinic ako
Nakita ko si raine na nakayukong natutulog sa tabi ko
Sinubukan kong umupo pero sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang katawan ko
"Bhes! Gising ka na!" gusto ko siyang irapan sa pagiging oa niya kaso nga lang nakita kong sobra siyang nag-alala
"Bhes anong oras na ba? May klase pa tayo baka mapagalitan tayo ng susunod nating subejct teacher"
Tatayo sana ako kaso nga lang di ko maitago ang sakit sa mukha ko ng ipilit kong itapak ang paa ko sa sahig, sumasakit lahat ng bahagi ng katawan ko
"Bhes excuse ka sa lahat ng subjects, pinag-paalam ka na ni sir luciano sa kanila kaya ok lang na di ka pumasok"
"Ok na nga ako bhes , nagugutom na din ako eh" nakangusong sabi ko sakanya para di na siya magpumilit na mag-stay pa kami dito
"Sigurado ka ba na okay ka na?" tumango naman ako sakanya habang sinusuot ko ang sapatos ko
"Sige magpapaalam muna ako sa nurse then kakain na din tayo."
Yun nga ang ginawa ni raine bago kami lumabas ng clinic, buti na lang at hindi na ako chineck ng nurse kung ok na ako.
Kumain na lang kami sa dun sa mas maliit na canteen ang pequeña cantina dahil mas konti ang tao don
Mas marami kasing kumakain don sa may la cantina dahil mas maraming choices don at chefs din ang nagluluto doon
Apat na tao lang ang nakita namin ni raine na kumakain dito
Mukha silang nerd kaya siguro dito sila kumakain
Umorder lang si raine ng dalawang beef steak at dalawang orange juice
Habang kumakain kami nag-uusap kami ni raine tungkol sa mga estudyante dito
"Grabe noh isang araw pa lang tayong pumapasok ang dami ko ng nalaman sa mga estudyante dito" saad niya habang mabagal kumain
Sakto naman kasing lunch ngayon kaya meron kaming one hour para kumain
"Bakit ano ba nalaman mo" nanghihina pa ring tanong ko sakanya
"Narinig mo naman siguro ang grupo ng TMI di ba? binubuo daw ito ng tatlong mean girls sila Teresa,Mia, at Ivy. Ang pamilya nila ay sikat dahil sakanilang malalaking kumpanya sa pilipinas"
"At bhessy alam mo bang sila jared, lawrence at aziel ay sobrang sikat na grupo dito dati, meron pa silang isang member eh ano nga bang pangalan non? roel? robert? richard? ano ba yun?" takang hula niya
Tsk ang halimaw na yon
"Razel ba?"
"Oo yun nga! Sobrang sikat daw nila dito sa school dahil nga bumuo sila ng banda, hindi ko nga lang alam kung bakit hindi na sumasama si lawrence kila jared eh. Wait pano mga pala nalaman na ang pangalan nung isang member nila ay razel?"
"Wala hula ko lang" tamad kong sabi sakanya dahil alam kong nasa madaldal na mood siya ngayon kaya ayoko ng maraming tanong
"Marami pa daw sikat na mga tao at grupo dito sa school at halos lahat sila ay kumakain don sa kabilang canteen dahil daw mas mahal at mas masarap ang pagkain don dahil chefs ang nagluluto"
"Masarap naman ang pagkain dito ha, maarte lang sila" sabay subo ko pa ng beef stake, totoo naman kasing masarap ang mga luto dito mas feeling home ang lasa
"Well tama ka diyan bhes, at alam mo bang ang iilan daw dito ay hindi naman pala matatalino nakakapasa lang daw sila dito dahil ginagamit nila ang pera nila para makakuha ng kodigo para sa entrance exam" mala tsimosang saad niya saakin
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
General FictionSi Elliana ay isang babae na naniniwala na "Always have a plan, and believe in it, because nothing happens by accident" Ni hindi niya manlang alam ang ibig sabihin ng "Coincidence" dahil ang alam niya ay lahat ng nangyayari ay naka takda. Nasira an...