CHAPTER 7

2 0 0
                                    

Nakatanaw ako ngayon sa hindi pamilyar na daan saamin. Siguro hindi lang talaga ako nage explore kaya hindi ko alam ang daan nato

"Daddy ilang oras ba bago tayo makarating sa VIA?" tanong ko kay daddy habang nagdra-drive siya

" We will be there in just thirthy minutes" sagot niya saakin habang ang mata niya ay nasa daan pa rin

Kanina ay tinanong ko si mommy kung nandon na ba sila raine sa VIA at ang sabi niya naman saakin ay paalis palang daw sila

Ang daan na to ay halatang hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan at napansin ko din kasi na habang tumatagal yung kalsada ay pataas ng pataas kaya nagkakaroon ng mga fog sa dinadaanan namin

Habang papalapit kami sa school na yon napansin ko na katabi nito ang mga nagtataasan na mga puno para bang gubat

Hindi ko namalayan na pumasok na kami sa isang malaking gate na may nakalagay na "Vista Intellegentia Academy" Kulay puti ang gate nito at ang loob ay puno ng mga magagandang halaman

Sa gitna nito ay may isang puting malaking fountain. Pagkababa ko naramdaman ko kaagad ang malamig na hangin sa balat ko buti na lang at nakasuot ako ng denim jacket

Kung makikita mo ang lugar na ito akala mo ay nasa ibang bansa dahil sa ganda nito

Nagtataka tuloy ako bakit nila tinatago ang magandang paaralan na ito

Di rin nagtagal nakita nanamin ang sasakyan nila raine. Pagkababa ni raine ay agad naman siyang lumapit saakin

"Hi elliana" bati saakin ng mga magulang ni raine

"Hello po" bati ko din sakanila at nakipag beso-beso

Ganun din ang ginawa nila mommy at daddy sa parents ni raine

Lumapit saakin si raine at bumulong

"Bhes ano kayang meron at bakit sobrang tago nitong school na to noh?"

"Sa friday meron tayong orientation malay mo masagot ang tanong mo don"

May dalawang lalaking kumuha ng gamit namin ni raine sabi ng mga to dadalhin na yon sa dorm namin

"Althea ito na akong susi ng dorm niyo ni elliana, pumunta agad kayo sa office ni Ms. Lyrica makikita niyo ang nag iisang maliit na building doon sa bandang kanan nadon ang kaniyang office ibibigay niya sainyo ni elliana ang mga phone niyo" mahabang paliwanag saamin ni tita sabay abot kay raine ng tatlong susi

Tig isa daw kami doon at yung isa naman ay duplicate para daw pag nawala ang isang susi may ipapalit

Wala kaming dalang kahit anong gadgets ni raine dahil hindi daw ito ina-allowed sa loob ng school na yon

May ibibigay naman daw na phone saamin at binayaran na ito ng mga magulang namin

"Take care of yourself when you are in there elliana and althea ok?" tumungo naman kami kay tito

"Don't hesitate to call us if you need anything girls ok" tumungo din kami sa sinabi ni daddy

Pagkatapos non eh nagpaalam na kami sa kanya kanya naming magulang at sabay na kaming pumasok ni raine sa malaking school na to

Sinunod muna namin yung sinabi saamin ni tita na pumunta muna kami sa office ni ms. lyrica para kunin ang phone namin

"Bhes parang nasa ibang lugar tayo no? Hindi ko inaakala na may ganto palang lugar malapit saatin mas lalo tuloy akong naexcite"

"Well yan din ang napansin ko nung pumasok tayo dito, mamaya na tayo magchikahan kunin muna natin yung phone natin dun kay ms. lyrica"

Sabay kaming pumasok sa office na to hindi ito kalakihan at hindi din ito kaliitan

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon