Nakalipas na ang tatlong araw simula nung dumating kami sa school na to
Mabilis lang din namin naayos ang dorm, meron kaming tig-isang kwarto ni raine kaya magkaiba kami ng style na ginawa dito
May maliit din kaming sala, bago kami dumating dito ay nakita nanamin ang isang grey sofa set at center table na nakalagay rito
Ang sabi saakin ni mommy binili niya daw ito dahil nakita niya na mayroon kaming maliit na sala
Nagkakausap naman kami ni mommy kaso madalas ay busy siya sa kumpanya ganon din si daddy
Si ate naman ay nakakausap ko din minsan at binabalitaan ako tungkol sa aming restaurant
Si fritz naman ay naenroll na sakanyang gustong school nung nakaraang araw lang
Minsan eh gumagala kami ni raine dito sa school
Sobrang lawak pala nito kaya hindi sapat ang isang araw para ikutin ito
Kakagising ko lang dahil ngayon ang orientation namin
Nag almusal lang kami ng mabilisan ni raine dahil mala-late kami ng gising
Mabilis ang lakad namin ngayon sa field dahil 15 minutes na lang at magsisimula na ang orientation
Medyo malayo kasi kami sa primer building kaya kailangan naming magmadali
Napansin ko din na marami na kaming nakakasalubong na mga estudyante hindi katulad nung unang araw namin dito ay iilan palang ang nakikita ko
"Bhes naiihi ako" bulong saakin saakin ni raine
"Nako naman raine yung pantog mo di nakikisama"
"Mauna ka na nasa pangalawang room daw yung orientation narinig ko yon kanina sa mga estudyanteng nagbubulungan"
"Eh pano ka?"
"Sasabay pa rin ako sa pag-akyat sa 4th floor dahil may cr naman don nasa dulo nga lang, mauna ka na lang at ireserve mo ako ng upuan"
Tumango na lang ako at sabay kaming tumakbo sa elevator
Nagkahiwalay na kami ni raine dahil pumasok na ako sa sinabi niyang room
Sakto at pagkapasok ko don eh, papunta palang yung magsasalita sa platform sa harapan
May nakita akong dalawang magkatabi na bakanteng upuan kaya umupo na ako don
Ilalagay ko na sana yung bag ko sa tabi ko para malaman nilang reserve yon ng may biglang umupo sa upuan na yon
Tinitigan ko yung lalaki at di rin siya nagpatinag at tinaas niya pa ang kilay niya
He is wearing a gray jogger with and a black tshirt and a black nike airmax 97
Pagtingin ko kaagad sakanya napansin ko na ang malalalim niyang light brown na mata, ang kilay na makapal, maninipis na labi at ang kaagaw-agaw na atensiyon niyang adams apple na mas matangos pa sa ilong niya
"Excuse me pero nakareserve na kasi yang inuupuan niyo sa kaibigan ko" mahinahon kong saad sakanya kahit gusto ko na siyang sapakin
"Then where's your friend?" mayabang niyang usal at nakataas pa ang kanyang kilay
"Nag cr lang siya kaya nga nireserve ko yang inuupuan mo ngayon?" taas na kilay ko ding sagot sakanya
"Well miss that is not my problem anymore,besides there is no seats available kaya nga kuya manong will take some chairs so your friend can still sit" saad niya habang ang mata niya ay nasa harapan pa din
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
General FictionSi Elliana ay isang babae na naniniwala na "Always have a plan, and believe in it, because nothing happens by accident" Ni hindi niya manlang alam ang ibig sabihin ng "Coincidence" dahil ang alam niya ay lahat ng nangyayari ay naka takda. Nasira an...