CHAPTER 10

1 0 0
                                    


"Nako mukhang galit si aziel"

"Bakit naman siya magagalit? tsaka hayaan mo na lang siya"

Sabay na kaming naglakad papuntang third floor para ilagay na yung mga libro ko sa locker ko

Hindi ko na rin nakita ang halimaw na yon pero ang alam ko nasa building na ito siya pumunta

"By the way hindi pa pala ako nagpapakilala im lawrence clinton and you are?"

"Im elliana jae collins new student"

"ahh kaya pala ngayon lang kita nakita sa campus, kailan ka pa lumipat sa school na to?" tanong niya saakin habang nilalagay pa ang natitirang libro

"Nung monday lang, hindi rin kasi ako pala labas kaya imposible ding makita mo ko sa laki ng campus na to" mahinang tawa ko sakanya

"Kaya pala ngayon ko lang nakita ang maganda mong mukha" pagkaharap niyang sinabi saakin dahil tapos na naming ilagay lahat ng libro

"Bolero ka din pala noh hahaha" tawa kong sambit sakanya

"Ehem" may biglang umubo sa likuran namin at nakita kong may bitbit na libro ang halimaw na to

"You are blocking my way" diretso niyang tingin kay lawrence kaya tumabi na lang ito

"Sorry bro"

"Don't call me bro we're not related"

Sasagutin ko na sana yung halimaw na yon ng biglang hawakan ni lawrence yung pulso ko at umiling kaya tumahimik na lang ako

Bigla niya na lang malakas na sinara yung pintuan ng locker niya at tumingin muna saakin bago umalis

"Abnormal talaga ang isang yon, kung di mo ko pinigilan baka sinagot ko na yon" inis na sambit ko kay lawrence

"hahaha sanay na ako don tsaka di ba sabi mo saakin kanina hayaan mo na lang siya" ngiting saad niya

Pasalamat talaga siya at mabait itong si lawrence naiinis lalo tuloy ako sakanya!

"May iba ka pa bang gagawin" tanong niya bigla saakin na para bang walang nangyari

"Wala naman, by the way thank you pala sa pagtulong saakin ha kung gusto mo ililibre na lang kita nag-almusal ka na ba?"

"Hindi pa nga eh, libre mo ba?" tumawa siya ng bahagya

"Suree tinulungan mo naman ako eh, san ba gusto mo canteen or coffee shop?"

"Kahit sa coffee shop na lang"

Sabay kaming naglakad sa gusto niyang coffee shop

Nagkwekwento siya tungkol sakanya na matagal na daw siya dito

Parang si jared lang din pala at yung halimaw na yon

Ang pamilya niya ay may ari ng isang wine company kaya daw siya pinag aral dito para daw siya na ang sunod na humalili sa company nila dahil iisang anak lang daw siya

Nagkwento din ako tungkol saakin para naman di unfair atska masaya naman siyang kausap pero minsan ako lang nagsasalita at madalas taga tawa lang siya at taga tango

Hindi namin namalayan na nasa coffee shop na kami

Umorder siya ng espresso at bagel then saakin naman ay capuccino at croissant

Pinilit niya pa na siya ang magbabayad at binibiro niya lang daw ako pero hindi ako pumayag sabi ko bawi ko na lang sakanya yan dahil tinulungan niya ako sa pagbubuhat ng libro ko

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon