Natapos ang araw yon ng hindi ko na nakita si halimaw, tinanong ko pa nga si rence kung anong nangyari sa isang yon pero tinawanan niya lang ako
Sumabay na saamin si rence sa lunch at mga break time namin
Si jared naman ay hindi nanamin nakikita kapag mga lunch break siguro ay kasama niya ang halimaw niyang kaibigan
Sabay-sabay na din kaming nakauwi nila jared at heto ngayon si raine sa tapat ko na naka pantulog na habang nagbabasa ng lesson namin para bukas
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganon ang reaksiyon nila rence at ang halimaw na yon kanina
Hindi na nga ako nakapag-focus sa lessons namin kanina dahil parang sasabog na ang utak ko kakaisip don
Nakita kong nakatingin saakin si raine kaya umayos na ako ng upo
"Bhes ayos ka lang ba?" pagtatakang tanong niya saakin
"Oo naman bhes kita mo ngang nagbabasa pa ako eh" tumawa pa ako ng mahina para hindi niya mapansin na lutang ako
"Bhes yung libro mo nakabaliktad, ganyan ka ba talaga magbasa?"
"Ahh oo bhes bagong technique hehe"
Kumunot naman ang noo niya sa inasta ko
"Arghh! naiinis ako bhes! bakit ba kasi ganon umasta ang halimaw na yon?! bwiset na halimaw na yon!" ginugulo ko na ang buhok ko sa sobrang inis sa halimaw na yon
"Ahh kaya pala nagbabasa ka ng pabaliktad" mahina pa siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Alam mo bhes sa totoo lang kanina pa kita napapansin na super lutang ka ngayong araw hindi lang ikaw ang napansin ko pati na din si rence ang tahimik kanina, yung totoo bhes ano bang nangyari nung umalis kayong tatlo ha?" mahabang sabi niya na umayos na ng upo sa harap ko
Wala na akong nagawa kundi ikwento sakanya lahat as in lahat lahat pati na yung ka-abnomalan ng halimaw na yon na pinilit pa akong sabihin ang pangalan niya tsk
Natapos ang pagkwe-kwento ko ng humahagikgik si raine sa harap ko kaya mas lalo akong nainis at binatukan ko siya
"Aray naman bhes! nawala ata lahat ng binasa ko sa pagkakabatok mo ha"
"Pano naman seryoso ako bhes tapos tatawanan mo ko, tama ba yon?!" inis na sabi ko sakanya
"Alam mo bhes ikaw lang mismo ang makakatukoy niyan kung bakit sila ganyan umasta" kalma ng sabi nito
"Eh pano ko naman malalaman kung bat ganon umasta yung mgs yon? letse! wala na akong pake sakanila bahala sila" naka nguso kong sabi sakanya
"Edi kilalanin mo para malaman mo"
"Bahala sila!" inis kong sabi sakanya kaya kinurot niya ako sa braso ko
"Aray namannn! huhu yan na ba ang natutunan mo sa school na to bhes ha?" mangiyak-ngiyak na sabi ko sakanya
Ang sakit niya mangurot huhu akala ko matatanggal na balat ko don ah
"Ay sorry bhes akala ko manhid ka na hahaha tsaka isa pa hindi ko sa school natutunan yan kundi sayo noh"
Wow ako pa sinisi ng babaeng to parang kasalanan ko pa
Kaya pala nitong mga nakaraang araw dumadaldal na siya imposibleng saakin niya yon natutunan tsk
"Sinisi mo pa ako!" inis na sabi ko sakanya
"Alam mo bhes matalino ka nga pero manhid ka, find out why they are acting like that dahil ikaw lang ang makakaalam niyan"
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
General FictionSi Elliana ay isang babae na naniniwala na "Always have a plan, and believe in it, because nothing happens by accident" Ni hindi niya manlang alam ang ibig sabihin ng "Coincidence" dahil ang alam niya ay lahat ng nangyayari ay naka takda. Nasira an...