Chapter 22

0 0 0
                                    

Pagkamulat ko ng mata ko ay tumama agad saakin ang sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto ko

Pagbangon ko ng kama ay naramdaman ko kaagad ang pagsakit ng ulo ko

Walangyang hangover 'to

Ginawa ko muna ang routine ko sa umaga at lumabas na rin ako ng makita kong nagtitimpla na si raine ng kape

"Oh kamusta? Di mo naman ako ininform na mauuna ka ng umuwi kagabi, ikaw pala tong mang-iiwan saakin" paos na saad niya saakin at inabot ang isang tasang kape

"Ha? Akala ko ay sabay tayong umuwi kagabi?" Taka kong tanong sakanya at hinilot-hilot ang sentido ko

"Nako sabi wala daw magpapakalasing pero siya tong lasing kagabi ay di na matandaan kung anong nangyari kagabi tsk" iling iling na sagot niya saakin

Ang huli ko lang natatandaan ay-- letse!

Hinalikan pala ko ng halimaw na yon kagabi!!

Yun lang ang huli kong pagkakatanda kagabi pero di ko alam na nauna na kong umuwi

"Pano ko nakauwi kagabi? San mo ko huling nakita? Di mo manlang ako pinigilang umuwi? Atska sinong naghatid sayo pauwi aber?" Inis na sunod-sunod kong tanong sakanya

Kainis naman oh! Wala kong matandaan na umuwi ako letseng alak yon

"Bhes hinay hinay lang sa tanong oh, kakagising ko lang din baka mamaya matuyo agad utak ko niyan sayo" humigop muna siya ng kape bago pinagpatuloy ang sasabihin niya

"Inuwi ka kagabi ni azie--"

"Ano?!!"

"Sige bhes ilakas mo pa, ang oa neto"
"Si aziel kasi ang nakakita sayo sa cr bago ka makatulog, bakit bhes? May something ba na nangyari sainyo non ha?" Nakataas na kilay na tanong niya saakin

Naalala ko ang ginawa niyang paghalik saakin kagabi kaya nag-init ang pisngi ko ng maalala ko yon

"Ay nako! May something nga! Namumula ang pisngi mo bhes!"

Siya naman ang inirapan ko
"Anong something ka diyan! Nagkataon lang ata na kakalabas niya din ng cr non kasi magkatabi lang ang cr ng boys at girls tska di ko matandaan na nandon siya eh, isa pa namumula talaga ang pisngi ko kapag bagong gising ako noh" mahabang paliwanag ko sakanya

"Oh easy bhes, wala ka pa sa korte pero grabe ka kung magpaliwanag" nakataas pang kamay na saad niya

"Eh bat di mo nga ako pinigilang umuwi?! Iniwan mo pa ko sa halimaw na yon! Eh pano kung may ginawa yong masama saakin ha?!" Inis na saad ko sakanya

"Eh kung pinatapos mo ko kanina sa paliwanag ko edi sana nasagot na yan kanina di ba"

"Nakita ko na lang na bitbit ka ni aziel papunta sofa natin sabi ko iuuwi na kita kaso nakita niya na nagkakasiyahan pa kami ng mga classmates natin don at siya na lang daw mag-uuwi. Syempre may tiwala ako don at alam ko naman na di ka naman pagsasamantalahan non noh assuming to! Nakita mo ba na baliktad yang panty mo kanina?! Di ba hindi! Pinalitan pa nga kita ng damit non pero di ko naman nakita na baliktad panty mo non, nakakumot ka pa nga non ng maayos pagkarating ko" mahabang paliwanag niya saakin

Imbis na mainis ako sakanya ay natawa na lang ako sa reaksyon niya

Kaya pala naka pajama na ako at tshirt paggising ko kanina siya pala ang nagbihis saakin, assuming talaga ko hahahaha!

"Tignan mo to napaka bipolar kanina inis na inis kasi hindi ko siya ainabay sa pag uwi tas ngayon tawa ng tawa" iling na iling na saad niya saakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon