CHAPTER 11

2 0 0
                                    

"Ewan ko basta naiirita ako sakanya, masyado siyang mayabang at mang aagaw ng upuan!" pasigaw na sagot ko kay raine

Hindi ko din alam bakit naiinis ako sakanya unang kita ko pa lang sakanya kumukulo na ang dugo ko

"Bhes alam mo ba ang kasabihan na "The more you hate the more you love" narinig ko lang yon sa lola't lolo ko na nagkatuluyan ngayon"

Tinaasan ko siya ng kilay "Anong gusto mong sabihin aber? Na gusto ko yong lalaking yon? No way! over my dead ass body!" inis kong sigaw sakanya

"Nabanggit ko lang naman masyado kang highblood" mahina siyang tumawa

Pagkatapos ng usapan na yon kukunin na rin ni raine yung books niya

"Bhes samahan na kita mabigat yung mga librong yon"

Ayoko sanang sumama dahil parang lalagnatin ako, kumakati kasi ang ilong ko at parang sinisipon hudyat na lalagnatin nga ako

"Wag na bhes, kukunin din daw kasi ni jared yung libro niya kaya tutulungan niya na daw akong magbuhat"

"Paano mo nalaman na kukunin niya ang libro niya eh hindi ka naman lumabas ngayong araw" taka kong tanong sakanya

"Eh kasi tinext niya ako eh" nakayukong sambit niya

"Ano?! pano niya nalaman ang number mo? don't tell me binigay mo sakanya yung number mo?" Tumango naman siya ng dahan dahan habang nakatingin saakin

"Marupok ka talaga! Nagbigay ka kaagad ng number mo sakanya eh iilang araw mo palang siyang nakikilala"

"Mukha namang mabait siya bhes eh, isa pa nalaman ko na kaklase pala natin sila kaya ayon binigay ko na number ko malay mo kasi may assignments tayo na hindi natin kayang sagutan"

Ano?! kakalase namin ang halimaw na yon? parang ayaw ko nang tumuloy pumasok bukas ha

"Talaga lang ba bhes? Baka nakakalimutan mo na pare-prehas ang libro natin akaya imposible yang sinasabi mo tsaka anong kaklase?"

May biglang may kumatok sa pinto namin na ikina tigil ng pag uusap namin

"Magpahinga ka na lang diyan bhes mukhang lalagnatin ka pa papaliwanag ako sayo pag-uwi ko hihi, mabilis lang ako promise! labyu!!" mabilis na takbo niya papalapit sa pinto

Humiga na lang ako sa sofa habang iling-iling na nanonood ng movie

Binalot ko ang sarili ko sa makapal na kumot, mahina naman ang aircon pero parang nagyeyelo ang paligid ko

Nakailang atsing ako bago ko namalayan na nakatulog na pala ako

Paggising ko ay nakita ko ng nagbabasa ng libro sa tabi ko si raine

"Ang bilis mo naman nakauwi?" ngo-ngong sambit ko

"Kanina pa ako nandito bhes" saad niya naman na nasa libro pa rin ang mata niya

"Ilang oras ba akong nakatulog?" tanong ko sakanya dahil wala pa kaming wall clock dito sa sala bukas pa ang dating nito

" Limang oras ka lang naman nakatulog bhes, ok ka lang ba ha? nakakumot ka pa kahit napakahina na ng aircon at naiwan mo pang nakabukas ang tv kung di pa ako dumating di pa maisasara yan"

Limang oras?! bakit di ko namalayan yon akala ko dalawang oras lang ako nakatulog

"Masama lang ang pakiramdam ko baka nanibago lang ang katawan ko sa klima dito" pagsabi ko sakanya ng totoo

"Huwag ka na lang kayang pumasok bukas bhes? Kanina chineck ko ang temperature mo 38.5 ang lumabas talagang may fever ka bhes"

"Ok nga lang ako tsaka first day na bukas ayoko umabsent baka mamaya masungit pala ang adivser"

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon