CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Pababa na ako ng hagdan para magpaalam kay mommy na hindi ako sasabay sakanila sa hapunan dahil may gala kami ni raine sa mall. Wala ang daddy dahil nasa meeting siya ngayon

Nakaabot na ako ng chapter four at hindi papala ako pormal na nagpapakilala

Ako pala si Elliana Jae Collins 17 yrs. old sr high na sa pasukan, ang pamilya ko ay may-ari ng isang sikat na perfume sa buong asia meron din kaming iilan na restaurant sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Meron akong dalawang kapatid ang panganay na si ate Ellise, at ang bunso namin na si fritz. Syempre papakilala ko din ang bumuhay saamin at may ari ng sikat na kumpanya sa paggawa ng perfumes si Stella Collins at Fiorello Collins.

Ang tatagpuin ko naman ngayon ay ang matagal ko nang bestfriend si Althea Raine Tongco nagkakilala kami nung higschool kami dahil napansin ko siya sa kahinhinan niya which is interesting kasi opposite kami hahahaha naging magkaibigan kami hanggang sa magtapos kami sa jr high sabi namin gusto namin na parehas kami ng papasukan ng school sa sr high

Close ang mga tongco sa collins, ang tongco ay may ari lang naman ng sikat na mga boutiques sa iba't ibang bahagi ng mundo ang mommy kasi ni raine na si tita rose eh isang fashion designer kaya hindi ka na magtataka kung bakit mayroon silang ganong klaseng kumpanya

Masyado na akong madaldal at napadami na ang pagshare ko sa buhay ko, pati sa buhay ng iba hahahahaha

Pagkababa ko sa kotse dumiretso kami sa coffee shop kung saan kami magkikita ni raine.

Kaso nga naman sa kamalas-malasan eh wala na akong maupuan dahil sa puno na ang mga upuan nito.

Itetext ko na sana si raine na sa ibang coffee shop na lang kami magkita

Kaso biglang tumunog yung phone ko at ang sabi niya sabi niya "Malapit na ako huwag ka nang umalis diyan sa coffee shop umupo ka muna diyan dahil palowbat na ako"

Pisteng babae to pano ko uupo eh punuan nga tong coffee shop na to

Nakatayo pa rin ako don ng makita ko ang isang stool chair na bakante katapat nito ang bintana kaya di na ako nagdalawang-isip na umupo doon

Katabi ko ngayon ang isang lalaking nakamask na nagpho-phone din kaya nagpanggap na lang din akong naglalaro sa phone ko

Pano ba naman tatlo ang upuan dito pero kaming dalawa lang ang nakaupo mukha tuloy kaming magjowa na naghihintay magsorry sa isa't isa

Kung tatanungin niyo kung sino ang nakaupo sa isang upuan, well may nakalagay lang naman dito na "RESERVED"

Kaya kung sino man ang nagpalagay niyan diyan sana naman dumating na siya at mukhang hinihintay na siya ngayon ni kuyang nakamask

Pagkalingon ko sakanya sakto naman na nakita ko siyang nakatingin saakin

Kinunotan ko siya ng noo dahil anong akala niya saakin hindi ko kayang makipagtitigan sa maganda niyang kulay brown na mata-- ay mali erase erase erase

Tumawa siya ng bahagya kaya mas lalong kinunotan ko siya ng noo

Wait parang pamilyar yung mukha niya, parang kamukha niya yung nabangga ko kahapon sa tapat ng dairy queen

Tatanungin ko sana siya kung siya ba yon kaso bigla siyang tumayo at naglakad papuntang pinto ng coffee shop

Pagkatapos niya akong tawanan ganon-ganon na lang?! Weirdo!

Bigla nanamang bumukas ulit yung pintuan kaya napalingon ako dahil akala ko si Mr. weirdo yon pero si bhes lang naman yung pumasok. She is wearing a gray ruffle hem tshirt dress partnered with her white slip on vans

"Oh bat parang hindi ako yung inaasahan mong makita? hahaha" mahina niyang tawa sabay upo sa katabi kong upuan na inupuan ni mr. weirdo

"Pano ba naman diyan sa mismong inuupuan mo mayroong lalaking napaka weirdo, bigla ba naman akong tawanan ng walang dahilan" bakas ang inis ko habang umiiling-iling pa ako

"hahahaha ako nga makita ko lang mukha mo natatawa na ako tapos magtataka ka pa kung bakit ka niya tinawanan hahaha" tawang tawang sabi niya

Sinimangutan ko lang siya, nakoo kung wala lang talaga akong hihingiin na favor sayo nilayasan na kita ngayon

"Well ano ba yung favor mo saakin at talagang manlilibre ka pa ng lunch ha" saad niya

"Kumain muna tayo, don't worry treat ko" sabi ko sakanya habang palabas ng coffee shop

"Sige dun tayo sa--"

"Jollibee tayo, treat ko kaya ako mamimili" putol ko sa sasabihin niya

"Ay naalala ko pala kuripot pala yung manlilibre saakin hahahaha" sabay tawa niya

Dumiretso na kami sa jollibee nagcrave din kasi ako ng chicken nila kaya wala siyang magagawa kung dito ko siya dadalhin hahahaha

"Ate dalawa mong c1 with 2 large fries and yung drinks po is coke zero"

Busog pa naman daw si siya dahil nga nag heavy breakfast daw sila ng family niya, ganon din ako kaya nga sa jollibee ko lang siya niyaya

Nang matapos na kaming kumain niyaya ko siya sa videoke room dahil don ko sana sasabihin sakanya yung favor ko. Nang nakapasok na kami sa videoke room sinabi ko na sakanya kung ano talaga yung favor ko

"Bhes kasi si fritz gustong ipaenroll nila mommy sa VIA eh sabi saakin ni fritz na ayaw niya daw don dahil nga mukha daw boring don kaya humingi siya saakin ng favor na kung sana daw imbes na siya ang ienroll kung pwede daw bang ako na lang muna" mahabang pagliliwanag ko sakanya

"Eh di ba nga ayaw mo don sa school na yon dahil sa kinwe-kwento ni ate ellise" tanong niya saakin

Kilala kasi siya tuwing nagkwe-kwent si ate ellise tungkol sa VIA kaya naririnig niya ang mga kwento doon

"Oo nga pero ayaw ko namang matulad si fritz kay ate ellise na hindi niya naenjoy ang highschool life niya dahil doon besides sr high na din naman ako tapos na ako sa pag eenjoy kaya gusto kong maramdaman ni fritz kung paano mag aral sa normal na school" sabi ko sakanya

"So anong favor mo?"

"Pumayag ako sa favor ni fritz ako muna ang magaaral doon imbes na siya, kaya yung favor ko sana parang katulad lang kay fritz. Pwede mo ba akong samahan sa school na yon. Tapusin natin yung sr. high don pleaseee?"

Iling-Iling akong tinignan. Mukhang hindi kami parehas ng sagot ni fritz sa favor namin ha hayst



Huwag kalimutang mag VOTE,COMMENT AND SHARE my story! SEEYAA IN MY NEXT UPDATE!

NAGMAMAHAL UnexpectedEscritora



Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon