◇Prologue◇

38 7 2
                                    

Ngayong araw na ang huling pasukan ko. Para sa grade 3.

Ayoko rito. Ang babaho ng mga kaklase ko at puro uhugin.

Ewan ko. Pero parang tingin ko sa sarili ko ay mature na ako.

Alam ko na rin ang realidad ko. Hindi ko maikakaila na nag mula ako sa misirableng pamilya.

Dahil dito ay naging mature na ako.

Ilang mga sandali nalang marahil ang lilipas at malapit ng pumasok ang aming pinaka huling guro para sa paksang agham.

Hindi naman ako mahilig sa agham..

Walong taong gulang pa lang ako. Ayokong makasama ang mga isip bata na ito.

Kahit na kasing laki lang nila ako. Ako ang pinaka matalino dito. At nangunguna ako sa Klase.

"Tarha.... Larho tayo." Isang bungi-bunging bata ang lumapit saakin. Kaklase ko siya.

Siya si Carlito. Ang isa sa mga kaklase kong walang alam sa buhay kundi ang mag laro ng paper crafts.

"Ayoko...layuan mo ko." Umiyak naman siya. Ang uhugin niyang umiyak. Ayoko sanang lapitan siya pero umiyak ito ng umiyak ng walang humpay.

Nag sorry na ako at pinabalik siya sa upuan.

Nandito ako sa pinaka dulong upuan. Mas pinili ko dito. Ayokong may kausap, dahil gusto kong mapag-isa.

Dahil pakiramdam ko. Iiwan rin nila ako.

Kagaya ng mga magulang ko.

"Good morning....class!." Pumasok na rin muli ang pinaka huli naming guro. Si ser. Jayhar.

Ang isa sa pinaka paborito kong guro. Dahil hindi niya ako tinatrato na isang bata.

Kinakausap niya ako na parang isa akong teenager.

"Ok...dahil ito naman ang pinaka huling klase natin..." Mukhang na eexcite na sila.

Mga isip uhugin.

Mga isip uhugin.

"Mag-usap na lang tayo.." Napangiti naman ang mga kakalse ko.

Ganyan talaga ang mga bata. Mga tamad mag-aral.

"Yehey!." Nag diwang naman lahat ng aking mga uhugin kakilala. Hindi na sana niya ako mapansin.

Mga bulok na bagay na naman siguro ang pag uusapan nila.

Umupo na si ser. Jayhar sa teachers desk. At dumikwatro. Napaka nerd niya. Dahil naka suot siya ng salamin at napaka gulo ng buhok.

Na animoy hindi naligo ng isang linggo.

37 Years to the last FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon