Bouncing life.
________________Doc. Nicholas Farry POV'S
Isang magandang dulot naman kahit papaano ang pag kakapatay ni Venice Andromeda.
Naging mag kasintahan ang apo ko na si Harvey Farry. May pag kakaabalahan na siya at pag lilipasan ng oras at yon ay si Pres. Luci Cri.
May nalalaman pa silang baby at daddy. Nakakasuya at nakaka diri.
Ano kayang nagustuhan ni Harvey kay Luci?.
Napaka-isip bata ni Luci kahit na matalino siya ay may pag ka immature naman.
Pero ok na yon..hindi ko na poproblemahin si Harvey dahil pinapa kealaman niya ang business ko at illegal experiment ko.
Wala naman siyang ibang magagawa kundi ang sumunod saakin dahil isa akong Farry. Mag kamag-anak kami.
Madalas na silang mag-date na dalawa kahit na ang earth ay may sakit at kung ano-anong mga kakaibang sakuna ang tumatama.
Kagaya noong isang araw.
Hindi sumikat ang araw pero nagawan na namin ng paraan. Sobrang lamig kahapon at halos maging yelo kami sa lamig mabuti na lang at nagawan ng paraan ng mga nasa Space monitors.
May isang namatay nga sa kanila at doon.
Ngayon ay papunta ako sa isang tagong laboratory ko na ako na mismo ang sikretong nag patayo.
Sa labas ng Taured.
Sinigurado ko na walang sumusunod saakin. Sinuot ko ang aking lab coat at nag Simula na akong nag tungo sa aking sikretong laboratoryo.
Binuksan ko ang bakal na pintuan.
"AHHHH." Nanginginig na sigaw ang nag mula sa loob. Buti na lang at sound proof to at kung kaya ay hindi marinig ang mga taong ineeksperimento ko.
28 under experiment at 3 vacant human tester.
"Paka-walan niyo na kami...." Isang tinig ng isang taong nasa kulungan sa dami nito ay hindi ko na matandaan.
Ahhh siya pala si XC4 tester.
Isa lang sa mga illegal experiment ko. Nilipat ko ang ulo niya sa isang oso. Nakakailabot ito at sobrang lakas.
Tagumpay ang eksperimento ko. Nabuhay siya sa katawan ng isang oso.
Ang ulo niya ay isang tao at katawan ng isang oso.
Hahaha...Napaka talino ko.
"Baguhin mo....kami!." Tinignan ko ng masama ang isang kulungan. Isa sa mga eksperimento ko.
Si XC1.
Isa sa pinaka matagumpay na imbensyon ko. Si XC1 ay imbensyo....bago at pinaka kakaiba.
Kaya nitong pumatay ng libo libo at milyong tao.
Sinilid ko siya sa isang espesyal na kulungan na hindi nakaka labas ang hangin at upang hindi kumalat ang kakaibang kakayahan nito..
Ang dalawang mata niya ay may espeyal na kakayahan kung saan ay kapag tinitigan niya ang isang tao ay mag kakaroon ito ng sakit.
Sakit na tumatagal lamang ng isang minuto at mamatay ang sino mang titigan siya.
Simula noong ginawa ko ang eksperimento ko Kay XC1 ay tinakpan ko na ang mata niya.
Simula noon ay hindi na niya nagawang makakita.
At sisiguraduhin ko na hindi na siya makakakita dahil isang napaka laking pandemya ang kumalat kung mawala siya sa laboratoryo kong ito.
Napaka talino ko talaga.
Hindi ko kabisado ang mga eksperimento ko. Pero ang isa lang ang sigurado ako. Tagumpay ako.
_____________"Papatayin kita!." Yan ang palagi nilang sinasabi sakin pero eto pa rin ako, humihinga at buhay na buhay.
"Well....then do it..HaHaHa." Halos maiyak ako sa kakatawa ng makita ko sila na kakaiba at nanggigigil.
Paano yung gigil?
"Hahaha."
_________Sinuot ko na ang aking laboratory coat. Nag suot ako ng gloves at mga surgical facemask.
Hinanda ko na ang aking sarili upang sumabak muli sa panibagong uri ng katawan ng tao.
Gusto kong maging katulad ni Calius Zormake the great devil doctor.
"Please....wag mo ng ituloy..." Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi niya. Pinaliwanag ko sa kanya ang gagawin naming procedure.
Ang gagawin namin ay tatanggalin ko at babaguhin ko ang kanyang katawan at papalitan ng shark head ang ulo niya.
Ililipat ko ang kanyang utak sa utak ng shark at ilalagay sa katawang tao..
...Lumipas ang ilang mga oras ay nagumpay ako.
"Tagumpay...ako." Humihinga siya at may ulo siya ng isang pating dinala ko siya sa isang espesyal na kulungan.
Sa isang napaka laking aquarium. Nag lagay ako ng mga isda. At kinain niya ito.
Ang galing ko talaga...tagumpay nanaman.
Si XC29 tester.
Pero gusto ko ng mas bago at malupit. Mag papaturo kaya ako kay Calius Zormake?
BINABASA MO ANG
37 Years to the last Future
Science FictionAno'ng magiging reaksyon mo kung aksidenteng napunta ka sa isang mundo. Isang mundong bago sa paningin mo. Malaki ang pinagbago sa kasalukuyang teknolohiya. Lumago na rin ang ekonomiya. Lumilipad na ang karamihan at nag bago na ang kapaligiran. Ako...