Hallucinations
_______________Calius Zormake POV'S.
"Hoy! Mahal tutulong lang muna ako sa... NASA." Ang tingin ngayon saakin ni Venice ay kakaiba.
"Baka landiin ka nina.. Julia at Angela." Ito talagang baby ko kung ano-anong iniisip.
Napaka lawak ng imagination niya. Ganyan ang gusto ko sa mga babae. Yung selosa at maganda parin kung magalit.
"Ikaw talaga... Mahal kung ano-anong iniisip mo..." Ginulo ko ang kanyang buhok na animoy isang manika.
"Kiss mo naman ako.." Tinignan niya ako ng masama.
"Bago ako... Umalis." Dagdag ko pa pero parang wala siyang naririnig. Grabe talaga itong babae na ito.
Pasalamat siya... Mahal ko siya kung hindi... Baka pinakain ko na siya sa mga halimaw ko.
"Iww ayoko nga!." Nag iinarte pa siya. Pero mukha namang gusto rin. Hindi niya na ako hinalikan matapos akong maka-alala.
Saad kasi niya saakin ay ikikiss ko na lang daw siya kapag nasa simbahan na kami.
Pero hindi na rin naman uso ang simbahan. Ang arte-arte niya talaga.
Binuksan ko na ang pinto pero mukhang hindi manlang niya ako papabaunan.
Kinuha ko na rin ang maliit kong bag at ang isang tablet. Na lagusan papasok sa aking Mecha World.
Nasa loob ng Mecha World ang mga malalaking halimaw na ako mismo ang nag likha. Sayang nga sila, hindi ko rin alam kung saan ko pa sila gagamitin.
Pero nakaisip na rin ako ng pwedeng itulong nila.
Kailangan ko na talagang umalis. Tatlong taon na lang ang nakalilipas bago ang eksaktong tumama ang planetang nebiro sa mundo.
"Aalis na talaga ako.." Mukha akong tanga at nag puppy face pa ako sa kanya.
Pero mukhang hindi niya talaga ako ikikiss.Sayang naman.
Humakbang ako ng may dalang mga bag. Walang kwentang babaeng ito parang isang kiss lang pinag dadamot.
Humakbang pa ako ng isa at dirediretsyo na ang sumunod.
Bwiset siya.
"Oh eto na lang... Yakao." Si Venice pala ang dalawang brasong humapi sa bewang ko.
"Wag ka ng maarte!." Ang sikip at mainit-init ang pag kakayakap niya.
Good girl naman pala siya.
"Thank you." Matamis na halik ang pinakita ko sa kanya. Nabuhayan ako at nawala na rin ang inis ko.
Nag good luck na rin saakin si Harvey.
Nabenta na pala ni Venice yung imbensyon na ginawa namin. Yung gagawing Immortal ang isang mortal na to.
Marami ngang naka puna at naka mangha sa ginawa kong imbensyon.
Kahit na ako ang gumawa noon ay pinangalan ko na lang ang imbensyon ko kay Venice.
Kumita siya ng 3 Trillion dollars. Pero sa ngayon na magugunaw at malapit ng mawasak ang mundo.
Wala ng halaga ang pera.
"Bye... Ingat ka mahal!." Umaasiwas siya ng kamay habang ako naman ay handa na sa pag alis.
Hindi ako pwedeng gumamit ng Air Pod. Dahil hindi ko pa kabisado ang lugar ng NASA at malaki ang tsyansa na maligaw ako.
"Nandito na..." Bulong ko sa sarili ko. Ang susundo saakin. Isang Fastest Jet. Ang bumaba sa aking kinaroroonan.
Nag flying kiss pa ako kay Venice. Sigurado ako na mamimiss ko siya, mamimiss ko ang kakulitan niya at kayandahan niya.
Sayang naman gusto ko pa namang mag stay ngunit kailangan ko itong gawin para mas mapabilis ang pag gawa ng Flat ships.
"Have a good flight ser." Saad ko sa piloto ng Jet na sinasakyan ko. Napaka puti na ng buhok niya.
"Don't worry ser..I'm professional.." Kahit ang tanda-tanda na nito ay parang malinaw pa rin ang kaisipan niya.
Unti-unti ng umangat ang Jet. Halos magkapalit na ang puso at atay ko.
*Woosshh.
Napaka bilis. Sobrang bilis at halos mabali na ang leeg ko sa pag kapit.
Nakangiti naman siya. Iniisip niya siguro na baguhan ako. Sa sobrang bilis nito ay hindi na ako makatingin ng normal sa paligid.
Nakatingin lang ako sa maitim na ulap. Ganito naman lagi ang ulap. Maitim at walang kabuhay-buhay.
"We're here."
Bumukas na ang matibay na salamin at binababa ko na siya.
Kaunti akong sumuka.
Bumilog, umikot-ikot, diko na magawang huminga ng maayos.
Ng maituwid ko na ang aking mata ay napanga-nga naman ako sa aking nakita.
Ito?
"Welcome to NASA.." Bungad ni Julia at Angela sa aking harapan.
Nakakabilib naman nito.
Napaka laki. Napaka liwanag.
Ito na ba talaga ang NASA.
Ang tagal ko ng hindi naka punta sa NASA. Napaka laki na pala ang pinag bago nito.
BINABASA MO ANG
37 Years to the last Future
Science FictionAno'ng magiging reaksyon mo kung aksidenteng napunta ka sa isang mundo. Isang mundong bago sa paningin mo. Malaki ang pinagbago sa kasalukuyang teknolohiya. Lumago na rin ang ekonomiya. Lumilipad na ang karamihan at nag bago na ang kapaligiran. Ako...