Chapter 11

2 1 0
                                    

1 Year
_________

Venice POV'S

Lumipas na ang isang taon ng pananatili ko rito.

Sa haba ng panahon na ito ay nag assigned si XZ ng dalawang mga special teachers para turuan ako at sa hindi mapaliwanag na dahilan ay unti-unti akong natututo at tumalino.

Napaka dali ng mga math equations at sobrang advance ng pag tuturo sa math. Pati na rin sa science.

Ang pangalan ng teacher ko sa science ay Prof Wilma. Sobrang talino nito at tinuturuan niya akong mabuti hangang ma tandaan ko at bawat topics.

Habang ang teacher ko naman sa mathematics ay si Prof Hideus. Mabait siya at gwapo rin kung titignan.

Merong pinapainom saakin si Prof. Hideus na pills.

Tawag doon ay memorisation pills. Legal naman daw ito at walang masamang epekto sa utak.

Sa isang mahigit na oras ay tuturuan ako ni Prof. Hideus. Ngunit bago niya ako turuan ay ipapainom muna niya saakin ang gamot na ito.

Tiyak raw na hindi ko makakalimutan ang bawat tinuturo niyang equations dahil sa high memorisation effect nito sa aking utak.

~~~~~

Dapat ay mayron akong guro na kasama ngayon ngunit meron daw emergency meeting.

Wala ng tao dito niisa dahil lahat ay kabilang sa pag pupulong maliban lang saakin. Ngunit pinangako saakin ni kuya XZ na kapag raw nag 18 na ako ay magiging kaisa na nila ako.

Dahil sa pag-kainip ko ay nag pasya muna ako na mag lakad lakad dito sa malaking condo niya.

Hindi ko alam pero natuon bigla ang atensyon ko sa kwarto ni XZ.

Kahit kelan ay hindi pa ako doon nakakapasok.

Ano kayang meron don?

Baka meron siyang chick don?

Or epic picture sa kwarto niya?

Nacurious tuloy ako..."

" Bahala na nga..." Mahinang bulong ko sa sarili. Dahil siguro sa nabagot ako kaya ko babalakin na pumasok roon.

Lumakad ako.

Lumapit sa kwarto niya.

Pinihit ko ang door knob sa kulay itim nitong pinto.

Lock ang pinto?

Ano naba ang gagawin ko. Susuko na sana ako ngunit napalitan ito sa masamang ngiti sa bibig dahil sa naalala ko.

Meron siyang extra key sa gilid ng paso sa gilid. Natandaan ko yon noong umuwi siya at pagod na pagod.

Hindi niya nakita yung susi sa bulsa niya kaya meron siya kinuha sa paso.
...
Hinila ko ang paso papalapit saakin at tagumpay....meron nga ditong susi.

Agad ko itong kinuha at napadevil smile tuloy ako.

~~~

Binuksan ko ang pinto.

Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Napaka elegant ng kwarto niya at all white ang designed nito.

Ang ganda ng pag kakaayos. Yung kama ay white. Pader ay white..lahat ay white...
Yung ilaw sa taas ay pure white.

Tatalikod na sama ako para umalis ngunit naalala ko at naaninag ko sa aking gilid na mayroong isang maliit na cabinet.

Nag iiba ito sa lahat dahil sa kulay nito na itim. Sobrang kulay black talaga.

Para tuloy akong kinabahan dahil sa kulay nito.

Yumuko ako ng marahan upang matapatan ko ang maliit na cabinet na kulay itim.

Binuksan ko ito.

Ano ito?

Isang kulay itim na envelope ang nandoon. Isang maliit na envelope at nag iisa lang talaga.

Nag dadalawang isip akong buksan ito dahil baka magalit saakin si XZ ng todo todo at walang preno.

Pero nandito na ako. Kaya titignan ko na.

Pag bukas ko ng kulay itim na envelope ay maraming pictures dito.

Napakunot ang aking noo.

Huh?

Maraming picture ni XZ, habang binabalutan ng isang malaking nyebe.

Sobrang lamig non?!


Kita ko sa picture na mahimbing ang pag kakatulog ni XZ. Nasa sobrang laking freezer siya at maraming makinarya ang nakakabit sa ilong niya.

Para patuloy pa rin ang pag hinga niya?

"Human preservation"

Naguguluhan na ako.

"500,000 years of preservation test completed."

Marami pang nakasulat rito at diko na naiintindihan pa.


Kayat binuklat ko na ng tuluyan. Nag kalat na ang mga pictures niya at nag kagulo gulo na. Pero mamaya ko na aayusin.

Hindi ko naiintindihan ang naka laman dito sa envelope ngunit marami ditong pictures ni XZ. Na nasa isang malaking freezer yata.....at binabalutan ng malalaking yelo ay nyebe.

" Patient XZ, first human preservation. Already completed."

Nabasa ko na at naintindihan ko na lahat. Hindi niya pala tunay na pangalan ang XZ.

Sino siya?

Ang taong inimbak sa loob ng 500,000 years. Ngayon lang ako nakapuna ng ganitong eksperimento.

Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko dito sa envelope. Napaka masayahin niya at napaka bait. Ngunit meron pala siyang tinatagong masalimuot na pangyayari.

Nasaan na kaya ang pamilya ni XZ

Si XZ.....

Ay dating.....Test monkey?





37 Years to the last FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon