Chapter 28

2 1 0
                                    

What the what.
_________

Doc. X.Z. POV'S

Kasama ko ngayon si Harvey. Sinama ko na rin ang babaeng in order ko.

"Venice..muna ang itatawag ko sa kanya hanggat hindi nagigising ang totoong Venice.

Nandito sa aking laboratoryo ang katawan ni Venice.

Under ground ang laboratory ko..doon ko siya tinago....para walang makaalam na buhay pa siya.

Noong sinabi saakin ni Harvey..na patay na si Venice. Hindi naman talaga ako nag luksa at tumawa lang ako ng tumawa dahil alam ko na buhay pa si...Venice.

" X.Z...bakit mo ginanyan si Venice." Iritang tanong ni Harvey.

Hindi ko sinadyang gawin ang bagay na ito at napilitan lang ako..

"Ikukwento ko sa inyo..." Tumingin ako sa kanilang dalawa at pinaupo. Gusto kong maintindihan nila.

***

_________
2 years ago...

Kinakabahan ako..

"Anong balak ni Pres. Luci?." Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko mapaliwanag...hindi
ko alam ang balak ni Luci. Dahil napaka likot ng utak niya.
..

Nawala ang pag-iisip ko ng makita ko si Venice na nakangiti at sabik na sabik sa una niyang misyon.

Gagawin niya raw ang lahat ng kaya niyang gawin upang mabuhay ang earth at bumalik sa dati ang lahat.

Napaka desidido niya

Niyakap ko siya ng mahigpit...mahigpit na mahigpit.

"Bye...kuya X.Z." Kumaway kaway pa siya bago tuluyang makaalis.

Pero...

Hindi ko matanggal ang pag aalala ko sa kanya....nag lakad lakad ako at parang iniisip ang gagawin ko.

Mas kinabahan ako ng malaman ko na si Nicholas Farry ay ang taong makakasama niya sa misyon.

Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit siya saakin na para bang may napaka laki akong pag kakasala sa kanya pero ang alam ko ay wala naman akong ginagawa sa kanya.

Naiinggitn kaya siya saakin?

Dahil ako ang Vice. President at hindi siya?

Naiba tuloy ang iniisip ko.

Ang iniisip ko ay si Venice....
____
Hindi ko alam kung bakit ngunit palihim akong sumunod sa Volcano Artopea.

Napaka sama niya.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Venice. Na rumagasa pababa ng bulkan mula sa pinaka tuktok.

Napaka laki at maiitim na ulap. Nag hahalo ang kulog at kidlat.

Palatandaan na malapit ng pumutok ang bulkan.

Si Venice...

Hindi siya natalisod.

Nakita ng aking dalawang mata na sadya niyang tinulak si Venice.

Si Nicholas...

Siya ang dahilan kung bakit..nahulog si Venice.

Kinuha ni Nicholas ang bag ni Venice at tinapon sa malayo. Upang hindi niya maabot.

Susugurin ko na sana si Nicholas ngunit nawala na siya at nag air pass....mabilis siyang nag teleport.

Hindi niya tinulungan si Venice. At iniwang naliligo sa sarili nitong dugo.

Niyanig ang buong kalupaan.

Napaka lakas na hangin ang kumawala sa kalangitan.

Nag madali akong tumungo sa direksyon ni Venice

Ayoko siyang mamatay.

Agad kong nilabas ang Air pass ko.

Sinet ko ng ang location at direct place kung saan kami tutungo.
________

Nandito na kami..kung saang lugar ko sinet ang air pass ito ang aking laboratoryo.

Si Venice. Nakapikit lang siya. Nag lalawa na ang buong katawan niya ng dugo na nag mula sa ulo niya.

Kailangan ko siyang maoperahan.

Hinanda ko ang ilang mga skilled docbots.
Mas magaling ang mga docbots na mag opera sa mga tao.

Kailangan ko ng tulong mula sa docbots. Dahil napaka lala ng naging tama ni Venice sa ulo.

Kaya nilang mag surgery sa mga critical na sitwasyon.

Hinanda ko na ang aking sarili...
__________

"Magiging maayos din ang lahat." Natapos ang operasyon. Nabuhay si Venice.

Pero critical pa rin siya.

Maraming damage ang katawan niya. Nag karoon din siya ng skull fracture at kaunting na damage ang utak niya.

Walang ka siguraduhan kung magigising pa siya.

Kung mas mabilis daw ang pag galing ng mga sugat niya ay malaki raw ang tiyansa na mabilis siyang magigising.

"Pasensya ka na..." Dinala ko ang bagong operang katawan ni Venice sa isang espesyal na kwarto.

Kinabitan ko siya ng makinarya upang huminga.

Ang kwartong ito ay parang isang refrigerator.

"No choice ako.". Mas mabilis na gagaling at mag hihilom ang mga sugat niya kung ibabalot ko ang kanyang katawan sa yelo.

Bibilis ang pag galing niya kung ibabalot ko siya sa yelo habang nag papagaling.



End of rewind.

37 Years to the last FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon